Chapter 35 Part II

209K 6.5K 2.1K
                                    

Happy Halloween! Sunod-sunod na update! #HalloweenTreat

-Onneechan

______________________________________________________________________________

=x=x=x MAXWELL x=x=x=

"S-Shane.." mahinang sabi ni Rhianne ngunit hindi siya pinansin ni Shane.

"Bakit mo nagawa 'to Shane?" tanong ko.

"WAG MUNA KASI KAYONG MAGSALITA!" sigaw ni Shane. "HINDI NIYO KASI AKO PINAGSASALITA EH! TANONG KAYO NANG TANONG! MGA UGOK!"

Narinig kong tumawa ng mahina si Ian pero hindi ko nalang muna siya pinansin.

"Saan ko ba sisimulan ang kwento ko?" sabi ni Shane habang parang nag-iisip talaga siya.

"Ah!" biglaan niyang sigaw. "Simulan natin ang lahat sa isang bahay ampunan."

"Alam na namin Shane. Alam na namin na parehas kayong ampon ni Rhianne," sabi ni Louisse.

"WAG KANG MAGSALITA! PATAPUSIN MO AKO!" galit na sigaw ni Shane. Inirapan lang ni Louisse si Shane.

"Sa isang ampunan, may isang batang masayahin. Shane. Shane Amandy ang pangalan niya. Pero mas gusto niyang tinatawag siyang Rhianne," sabi ni Shane. Napatingin ako kay Rhianne. Nakayuko siya. Shane? Rhianne? Ha? Ang gulo.

"Masaya siya nang may bagong dumating sa ampunan. Isang batang malungkot. Shane rin ang pangalan. Shane Givanim. Oo, parehas silang Shane ang pangalan. Naging magbestfriends ang dalawang Shane na ito. Halos hindi sila mapaghiwalay. Lahat na yata ng masasayang laro ay nalaro na nila. Rhianne ang tawag kay Shane Amandy dahil gustong gusto nito ang pangalang Rhianne," pagpatuloy ni Shane. Nakatitig lang ako sa kanya. Totoo ba 'to? Naguguluhan na ako.

Nagpatuloy na ulit siya,"Akala ni Shane Amandy ay masaya na sila at hindi na magbabago ito. Pero nagkamali siya. Walang forever. Dahil isang araw ay may dumating upang mag-ampon. At ang bestfriend niya ang gustong ampunin. Si Shane Givanim ang gustong ampunin. Nakaramdam siya ng lubhang lungkot dahil mawawalan siya ng bestfriend. Pero hindi lang pala iyon ang mararamdaman niya noong araw na iyon. Makakaramdam din pala siya ng galit."

Biglang naging galit ang itsura ni Shane habang nakatitig kay Rhianne. Si Rhianne naman ay nakapikit at nanginginig.

"Alam niyo kung bakit? Ninakaw ni Shane Givanim ang pangalang Rhianne kay Shane Amandy," naiinis na sabi ni Shane habang nakatitig kay Rhianne. "Alam na alam ni Shane Givanim na gustong gusto ni Shane Amandy ang pangalang Rhianne. Pero inagaw niya parin ito. Ito ang sinabing pangalan ni Shane Givanim nang tanungin ito kung ano ba ang gusto niyang pangalan kapag inampon na siya."

Pumikit si Shane at huminga ng malalim. "Takang taka si Shane Amandy noon kung bakit nagawa ni Shane Givanim 'yon. Ang Shane Givanim noon ay si Rhianne Mari Isabela Cortes na ngayon. At ang Shane Amandy? Ako. Ngayon alam ko na kung bakit nagawa sa akin ni Rhianne iyon noon."

Naglabas bigla ng kutsilyo si Shane.

"Dahil sa inggit," nakangiti niyang sabi at itinutok ang kutsilyo sa leeg ni Rhianne. "It turns out na inggit pala si Rhianne sa akin noon. Inggit siya dahil mas masayahin ako. Inggit siya dahil mas gusto ako ng lahat ng tao sa ampunan. Jealous bitch."

Nakatutok parin yung kutsilyo niya sa leeg ni Rhianne. "Kaya nagsikap ako. Nag-aral ako ng mabuti. Binago ang sarili. Nakakatawa nga eh. Hindi ako namukhaan ni Rhianne. Hindi man lang niya napansin na ako ang Shane na bestfriend niya noong nasa bahay ampunan palang kami. Sabagay, 7 years old palang naman kami noon."

Tumahimik ang buong silid. Hindi ako makapaniwala. Nagawa ni Rhianne 'yon dahil sa inggit?

"Dahil lang doon Shane?" sabi bigla ni Louisse. "Dahil lang sa pangalan ay nagawa mo ang lahat ng ito? Nababaliw ka na."

Tumawa si Shane,"Hindi mo maiintindihan. Hindi mo alam ang lahat ng pinagdaanan ko. May dahilan ang bawat kilos ng tao Louisse."

"Ibig sabihin ba ay ikaw ang nagpapadala ng mga pulang papel? ng mga sulat? Ibig sabihin ikaw si 'Hanes'? At.. ikaw ang nagpadala ng sulat na je suis en vie?" tanong ko.

"Ikaw ang.. pumatay sa lola ko.." nanginginig na sabi ni Ian. Halatang pinipigilan niya ang galit niya.

"Ikaw ang pumatay kay Ella? Pati kay Detective Joan? Pati sa mga pusa? Ikaw ang pumupunta sa bahay namin tuwing gabi? Ikaw ang nagpapanggap na Rhianne suot ang wig at jacket niyang red?" inis na tanong ni Louisse. "May puso ka pa ba?"

"Ikaw ang sumaksak sa akin noon?" tanong ko.

Tumawa ulit si Shane. Baliw na nga yata siya.

"Oo. Ako ang nagpapadala ng mga pulang papel. Ako si Hanes. Ako ang nagpadala ng sulat na je suis en vie," nakangiting sagot niya.

"Anong ibig mong sabihin sa 'Akin lang siya, Akin lang siya' ?" tanong ni Louisse.

Tumingin siya sa akin. Nilapit niya ang mukha niya.

"Si Maxwell. Akin lang si Maxwell," sagot ni Shane. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

"Kaya ko nga pinatay si Ella eh. Dahil gusto niya si Maxwell. Kaya mas pinahirapan ko si Rhianne. Dahil nagseselos ako sa kanilang dalawa ni Maxwell," mas nilapit pa ni Shane yung mukha niya sa akin.

"Teka. Kung ikaw ang nagpadala ng sulat na je suis en vie. Anong ibig mong sabihin? Diba 'I am alive' ang ibig dabihin nun? Diba sabi mo sa sulat ay 'The dead is alive'?" tanong ni Louisse. Nilayo na ni Shane yung mukha niya sa akin. Nakahinga na ako ng maluwag.

Tumingin ako kay Rhianne. Nakayuko parin siya at pansin kong tumutulo ang mga luha niya. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Masakit makitang naiyak ang taong mahal mo.

"Dahil tuluyan na akong kinalimutan ni Rhianne. Tuluyan niya na akong tinuring na parang patay na. Masakit. Feeling ko isa akong laruan. Isang laruan na luma na kaya itinapon na. Ang kapal ng mukha!" inis na sabi ni Shane.

"HAYOP KA! BAKIT MO PINATAY ANG LOLA KO?" galit na tanong ni Ian. Humarap si Shane kay Ian.

"Sino nagsabing ako ang pumatay sa Lola mo? Sinong nagsabing ako ang pumatay kay Detective Joan? Sinong nagsabing ako ang napunta sa inyo tuwing gabi at nagpapanggap na si Rhianne?" sabi niya. Lumapad lalo ang ngiti niya.

"Anong.. ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Tsk tsk tsk. Maxwell ko, hindi lang ako ang kalaban niyo. Hindi lang ako ang kumuha kay Rhianne," pasweet niyang sabi.

"Sino pa?" gulat na tanong ni Louisse.

"Hindi na mahalaga 'yon," sabi niya. Hinatak niya ang buhok ni Rhianne at itinutok ang kutsilyo sa leeg nito.

"Tapos na ang kwentuhan. Gagawin ko na ang matagal ko nang gustong gawin," nakangiti niyang sabi.

"WAG!" sigaw namin.

Tumawa si Shane,"Goodbye Rhianne."

______________________________________________________________________________

Ending na bukas :(

-Onneechan

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon