Chapter 17 - Ospital ng Jupiter

242K 7.2K 1.9K
                                    


Hi! Sorry kung natagalan sa pag-update. Nag-adjust pa kasi ako sa first day of college life ko hahaha.

Sino dito ang taga-Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ? Hello sa mga kapwa kong ISKO at ISKA :))

And, guess what story ang mapupublish as a book ng Pop Fiction? :)

P.S. Babae po ako guys, hahahahaha :)

-Onneechan

-------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 17 - Ospital ng Jupiter

=x=x=x MAXWELL x=x=x=

Napipikon ako.

Lahat nalang ng malapit sa amin, nadadamay.

"Bakit naman madadamay si Ella?" tanong ni Louisse.

"Baka may alam siya?" sabi ni Ian.

"Ano bang nangyayari? Natatakot na ako." sabi naman ni Julia.

"Sino ba nagsabi sayo na sumama samin?" mataray na sabi ni Louisse.

"For your information, kasali na ako dito dahil may mga nalaman ako tungkol sa mga nangyayari sa inyo." sabi naman ni Julia.

"Eh kasi naman, bakit kailangan mo pang sundan kami? HINDI KA SANA KASAMA NGAYON DITO!" sigaw ni Louisse. "Bakit mo ba kasi sinusundan si Alexander? Ano ba talaga kailangan mo at dikit ka nang dikit na parang linta?"

"TUMAHIMIK NGA KAYONG DALAWA!" sigaw ko. Ang sakit na ng ulo ko. Puro sigawan.

"Napaka-insensitive niyo." sabi ni Alexander. "Kakamatay lang ni Ella. Hindi pa nga tayo nakakalabas ng school theater eh. Tapos ang pag-aawayan niyo lang ay ako? Nag-iisip ba kayo? Gamitin niya nga utak niyo."

"Ang sakit mo naman magsalita." umiyak bigla si Julia.

"Louisse, dala mo ba yung mapa?" tanong ko.

"Oo." tumayo si Louisse at kinuha ang bag niya.

"Anong mapa?" tanong ni Ian.

"Naiwan ko." mahinang sabi ni Louisse.

"Ano bang mapa?" tanong ulit ni Ian.

"Sa bahay nalang namin sasabihin sa inyo. Tara na."

Sumakay na kami sa kotse at nagdrive pauwi.

"Ano ba kasi yung tinutukoy niyo?" Pagkapasok palang namin ng bahay ay nagtanong na kaagad si Ian. Umakyat na si Louisse upang kunin ang notebook ni Rhianne. Umupo sila Ian at Julia sa sofa samantalang kami naman ni Alexander ay nanatiling nakatayo.

"Nitong mga nakaraan araw, may mga lugar kaming pinuntahan," sabi ko. Narinig ko naman ang mga hakbang ni Louisse pababa ng hagdan. Inabot niya na yung notebook kay Alexander.

"May nakita kaming nakatagong notebook sa ilalim ng kama ni Rhianne," sabi naman ni Alexander. "Sa loob nito ay may nakita kaming mapa. Ang ilang mga lugar sa mapa ay binilugan ng pulang marker."

Tinitigan nina Ian at Julia ang mapa.

"Dalawa palang ang napupuntahan namin at may pito pa," dugtong ko.

"So, I'm guessing na naniniwala kayong pinapupuntahan sa inyo ni Rhianne 'yang mga lugar na 'yan?" tanong ni Julia.

"Obviously," matabang na sagot ni Louisse. Tinarayan lang siya ni Julia.

"So saan na ang susunod na pupuntahan natin?" tanong ni Ian.

"Sa Ospital. Ospital ng Jupiter."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagdating palang namin ay puno na ng mga nagmamadaling tao. Kaliwa't kanan may mga pasyenteng pinapasok sa loon. Yung iba, mga manganganak. Yung iba naman ay mga naaksidente o mga nasugatan.

"Wait," sabi ni Alexander. "Papasok lang tayo agad?"

"Bakit?" tanong naman ni Julia sa kanya.

"Tatanong lang natin agad agad kung may kilala ba silang Rhianne Cortes? Ganun ganun lang?"

Tama si Alexander. Hindi pwedeng dire-diretso lang kami.

"Wag kayong mag-alala, ako bahala." tuloy tuloy nang pumasok sa loob si Julia.

Sinundan lang namin siya. Lakad lang siya nang lakas paakyat. Nagstop siya sa isang pinto at walang pakundangan na biglang pumasok.

"Ano nanamang binabalak nun?!" bulong ni Louisse. Pumasok na rin kami.

"Dad," rinig naming sabi ni Julia. "Meet my new friends."

"What do you need nanaman Julia?" seryosong sabi ng tatay niya. Doctor pala ang Dad ni Julia dito? Bakit wala man lang siyang sinasabi kanina?

"Seriously, Dad. Ganyan ka ba mag-welcome ng guests sa office mo?" maarteng tanong ni Julia. Tinanggal naman ng tatay ni Julia ang atensyon niya sa mga papeles sa lamesa niya at tinignan kami.

"Again, Julia. What do you need?" tumingin siya kay Julia. Kami naman, nakatayo lang dito. Hindi namin alam kung paano namin sisimula o kung ano ang itatanong namin.

"May gusto lang kaming malaman Dad. May kilala po ba kayong Rhianne Cortes?" tanong ni Julia sa tatay niya. Lahat naman kami ay seryosong nakatingin sa tatay niya.

"Siya yung nawawalang anak nung sikat na businessman diba?" sabi ng tatay ni Julia habang may sinusulat sa mga papeles niya sa lamesa.

"Yung lang alam mo Dad?" tanong ulit ni Julia.

"Oo, as far as I can remember." matipid na sagot ng tatay niya.

Nagtaka naman kami. Bakit kami pinapunta ni Rhianne dito?

"Ah! Alam ko na!" napatingin naman kami kay Julia nang sumigaw siya.

"Dad!" tawag niya ulit sa tatay niya. "Years ago, may naalala po ba kayong naging pasyente ng ospital na 'to dahil sa nangyaring sunog. Yung nasunog na bahay sa tabi ng bahay natin."

Naalala ko bigla yung nakwento samen ng yaya nina Julia.

"Ah, wait.." tumingala sa kisame yung tatay ni Julia at mukhang inaalala. "Yung babaeng buntis? Yung biktima ng nasunog na bahay sa tabi ng bahay natin?"

"Yun nga po Dad!" masiglang sabi ni Julia. "May natatandaan po ba kayo tungkol sa kanya? Nabuhay po ba siya? Yung anak niya po ba nakasurvive?"

"Namatay yung babae

.
.
.
.
.
.
.

Pero yung anak niya nabuhay pa."

________________________________________________________________________________

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon