Chapter 34

218K 6.5K 3.6K
                                    

Chapter 35 at Epilogue na susunod dito :( Kanino ko nga po pala idededicate 'tong chapter? Yung nakausap ko po sa wattpad?

-Onneechan

_____________________________________________________________________________

=x=x=x MAXWELL x=x=x=

"Bakit ko naman gustong makalimot?" tanong ko kay Dr. Vince.

"Dahil sa mga nangyayari ngayon," matipid nitong sagot.

"Hindi ko kailangan ang tulong mo," sabi ko.

"Tawagan o itext mo lang ako if you changed your mind," nakangiting sabi ni Dr. Vince. Tumango ako at umalis na sya sa tabi ko.

 "Teka," sabi ko "Sino nagpapunta sayo dito?"

Nginitian niya ako,"Secret~ Hindi ko alam~"

Naglakad na sya palayo saken. Iba talaga ang pakiramdam ko sa taong 'yon.

Pumasok na ako sa ospital. Wala si Louisse sa hallway. Saan pumunta yon?

"Iho?" lumingon ako sa likod ko.

"Bakit po?" tanong ko sa doctor ni Alexander.

"Pwede na kayong pumasok sa loob ng kwarto ni Alexander," nakangiti siyang naglakad palayo saken. Nagkibit-balikat nalang ako at pumasok na sa kwarto ni Alexander.

Nasaan si Louisse?

=x=x=x LOUISSE x=x=x=

Ilang beses na ba ako tumayo dito?

Tumingin ako sa baba.

Hindi nako natatakot.

Pangalawang beses nakong tumayo sa ganito kataas.

Mas mataas 'to ngayon.

Naalala ko yung huling beses na tumayo ako sa ganito kataas na lugar.

Noong trinaydor ako ni Ynna.

Pinikit ko ang mga mata ko. Tatalon nako. Wala nang tutulak saken gaya ng dati. Wala na si Ynna. Tatalon nako nang kusa.

"Kung ako sayo hindi ko gagawin yan."

Napatingin ako sa likod ko.

Nanigas ang buong katawan ko. Anong ginagawa nya dito?

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya. Lumakas ang hangin. Unti-unting kumulimlim.

"Masama ba?" nakangiti niyang sabi. Naiirita ako sa kanya. Bumaba ako sa kinatatayuan ko.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Louisse Louisse Louisse," sabi niya. Lumapit siya sa akin. May nakakaasar na ngiti parin sa kanyang mga mata.

"Nasaan si Rhianne?" nakasimangot kong tanong.

"Hindi ka naman masyadong nagmamadali 'no?" Natatawa niyang sabi.

"Sagutin mo tanong ko," naiirita kong sabi. "Paligoy-ligoy ka pa eh."

"Aw, Louisse. Nagbago ka na."

"SAGUTIN MO AKO, SHANE!" sigaw ko.

"Easy lang. Chill lang Louisse. Masyadong mainit ulo mo eh. Anong tanong ba ang gusto mong sagutin ko? Yung 'Bakit ako nandito' o yung 'Nasaan si Rhianne'?"

"Parehas," sabi ko. Ngumiti siya ng malapad.

"Nandito ako para magpaalam sa inyo. You see, aalis na ako. Nagsasayang lang ako ng oras sa inyo. Nagsasayang lang ako ng oras dito sa lugar na 'to," sabi niya. Naglalakad siya paikot sa akin. Humangin nanaman ng malakas.

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon