Chapter 23 - Cavite

231K 6.8K 820
                                    

BASAHIN ANG AUTHOR'S NOTE PLEAAAASE <3

Matapos ang matagal kong pagkawala ay muli akong nagbabalik upang mag-update.

Sorry po~ Sinama yata ni Bagyong Glenda yung mga nasa utak ko. Sad. Sorry po ulit :(

Pero, may good news po akong dala :D Published na po under pop fiction ang mahal nating Special Section book 1 :D *sabog confetti* *talon talon, iyak iyak* Maraming salamat sayo dahil binasa mo siya :D

-Onneechan/Engkantada

_______________________________________________________________________

CHAPTER 23 - Cavite

=x=x=x LOUISSE x=x=x=

"Maxwell!" sigaw ko. "Saan ka pupunta?"

Pinunasa ko ang mga luha ko bago muling tignan ang katawan ni Detective Joan.

Hindi pwede.

Hindi pa patay si Rhianne.

Alam kong hindi basta basta mamamatay si Rhianne.

"MAXWELL!" tawag ko muli sa kanya nang tumakbo siya palayo sa amin.

"Hayaan muna natin siya.." mahina at malungkot na sabi ni Alexander.

Umiiyak siya. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak.

Napatingin ako sa biglang kumulog na langit.

"Natatakot nako.." mahinang sabi ni Julia. "Ayoko na."

"Anong ibig sabihin nito Louisse?" tanong sa akin ni Ian. "Tapos na ba? Wala na ba talaga si Rhianne?"

Kasabay ng pagpatak ng ulan ang muling pagpatak ng mga luha ko.

"Hindi pa... sana..."

=x=x=x ALEXANDER x=x=x=

"B*ll sh*t." sabi bigla ni Ian. Tumingin kami sa kanya.

"HINDI PWEDENG PATAY NA 'YANG RHIANNE NA YAN." sigaw niya. "PINATAY ANG LOLA KO DAHIL SA KANYA!"

Naguguluhan tumingin si Louisse sa kanya. "Bakit, Ian? Anong gagawin mo kay Rhianne kapag nakita na natin siya? Papatayin para makabawi?"

"BALIW KA BA? ANG PUNTO KO AY SANA NAMAN MABIGYAN NG HUSTISYA ANG PAGKAMATAY NG LOLA KO. SANA NAMAN MAHANAP SIYA PARA KAHIT PAPAANO, HINDI NAMATAY SI LOLA NANG DAHIL LANG SA WALA." napasabunot sa sarili niya si Ian.

Tinignan ko muli ang katawan ni Detective Joan na kasalukuyang binabalot na ng mga Pulis ng itim na tela. Ayon sa mga pulis kanina, mukhang may humabol kay Detective Joan papunta dito sa bangin. May hiwa siya sa leeg at wrists. Napasimple lang ng pagkamatay niya pero bakit? Ano ang dahilan? May nalaman ba siya? Bakit di niya sinabi sa amin agad?

Bakit siya nasa Cavite? Anong ginagawa niya dito?

Nanlaki ang mata ko nang maalala ko bigla ang mapa ni Rhianne.

"Louisse." tawag ko. "Ano yung sunod na pupuntahan natin?"

"Pupuntahan?" naguguluhang tanong niya.

"Ipagpapatuloy parin natin 'to?" takot na tanong ni Julia.

"Oo." matipid kong sagot. Dali-daling nilabas ni Louisse yung notebook ni Rhianne at tinignan ang mapa.

"Dito." mahina niyang sabi. "Dito mismo sa Cavite. Lalakarin nalang natin.."

Tama nga.

May nalaman nga si Detective Joan.

At bago niya masabi sa amin ay nahuli siya.

"Tara."

----------

"Ang laki..." sabi ni Ian. "Sigurado ka ba Louisse na dito talaga?"

"Oo, sigurado ako." sabi ni Louisse.

"Bilisan na natin guys, ang dilim dilim na dito." sabi naman ni Julia.

Pinindot ko ang door bell ng malaking bahay.

"Teka, paano si Maxwell?" tanong ni Louisse. "Hindi kaya't mas mabuti kung hanapin muna natin siya?"

"Itext mo nalang sa kanya kung nasaan tayo." sagot ko.

"P-Pero paano kung--"

Napatingin kami sa biglang bumukas na gate.

"Ano pong kailangan ninyo?" tanong ng isang matandang babae.

"Magandang gabi po," bati ko. "May itatanong lang po sana kami."

"Halika, pumasok muna kayo." Pinapasok kami ng matandang babae sa loob ng malaking bahay. Mansyon. Sobrang laki.

Pagkapasok namin sa sala ay pinaupo niya kami sa mahabang sofa.

"Anong maipaglilingkod ko sa inyo mga bata?" tanong ng matandang babae.

"May pumunta po ba ditong babae kanina?" tanong ko. Bigla namang yumuko at nalungkot yung matanda

"Oo, karumal-dumal ang nangyari sa kanya 'no?" sabi niya. "Kahapon siya pumunta dito. Nakakalungkot isipin na kakagaling niya lang dito tapos patay na siya."

Kung kahapon pumunta si Detective Joan, ibig sabihin ay kahapon pang nasa bangin ang bangkay niya.

Ang babagal talaga kumilos minsan ng pulisya.

"Kaibigan po kasi kami ni Detective Joan, gusto lang po sana namin malaman kung bakit siya nandito." sabi naman ni Louisse.

"Tinanong ng kaibigan niyo kung kanino daw ba ang bahay na ito." sabi ng matanda. "Sabi ko naman, sa pamilyang Cortes."

___________________________________________________________________________

Hi nga pala sa mga kablock ko na sina Elijah Lou Sorreta, Jaspher Meech Villaseran at Rene Vincent Mariano :D Libre nyoko ah. <3

-Engkantadang Onneechan

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon