Chapter 15 - A Larger Group

245K 7.2K 1.6K
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Guys! Thank you times infinity for supporting me na gumawa ng bagong story. Gumawa na po ako and ito po yung synopsis ng story:

"Akala ni Emerald ay isa lang siyang normal na babae. Hanggang sa magbago ang lahat nang sunduin siya ng mga weird people, dalhin sa lugar na far,far,away, malaman na anak siya ng Queen, at malaman na may Dark Side na gustong kunin siya.

Join Emerald and her new friends in the land far,far, away where magics and mysterious creatures are real."

I hope na maganda ang story na magawa ko :)) If you ever want to read the story, just check may profile here in wattpad.

Seriously guys, thank you. ♥

-Onneechan

____________________________________________________________________________

CHAPTER 15 - A LARGER GROUP

x=x=x=MAXWELL =x=x=x

"KAYO ANG MAY KASALANAN NITO!" isang nakakabinging sigaw ang pinakawalan ni Ian. Umiiyak nanaman siya.

"Paano naman namin naging kasalanan 'to, Ian?" tanong ni Louisse. "Hindi namin ginusto ang nangyari."

"KAYO PA RIN ANG MAY KASALANAN! KUNG HINDI DAHIL DIYAN SA NAWAWALA NIYONG KAIBIGAN, HINDI SANA MADADAMAY SI LOLA. ALAM NIYO BA KUNG ANO GINAGAWA NI LOLA TUWING GABI SIMULA NUNG NAKAUSAP NIYA KAYO?" galit na sigaw ni Ian.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Alexander.

"TUWING GABI, HINIHINTAY NIYANG DUMATING SA BAHAY NIYO YUNG NAWAWALA NIYONG KAIBIGAN! AT PALAGI NIYANG NAKIKITA NA DUMADATING NGA PERO HINDI NIYO ALAM!" Napasimangot ako sa sinabi ni Ian. Ibig sabihin napunta si Rhianne dito tuwing gabi?

"Huminahon ka muna Ian. May mga itatanong pa ako sayo." kalmadong sabi ni Detective Joan.

Kumuha ng tubig si Louisse at pinainom si Ian. Kumalma na si Ian at tumigil na sa pag-iyak.

"Si Lola, nung gabing bago siya mamatay, may sinabi siya sa akin. Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin yon pero hindi ko maintindihan." sabi ni Ian. Nagkatinginan kami ni Detective Joan.

"Ano ba yung sinasabi ni Lola Mel?" tanong ni Alexander.

"Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na nagkamali daw siya. Hindi ko maintindihan. Hindi naman ako nagtanong kay Lola kung ano ba ibig sabihin niya. Kasalanan ko rin siguro yun." mabilis na pinunasan ni Ian ang mga luha niya.

Nagkamali daw siya? Anong ibig sabihin ni Lola Mel?

May parang lightbulb na umilaw sa ulo ko. "ALEXANDER!"

Nagulat naman ang lahat sa biglaan kong pagsigaw.

"Ano?!" tanong ni Alexander.

"Diba may sinet-up ka na CCTV cam sa labas? Tignan natin kung gabi-gabi talaga napunta si Rhianne dito." tumayo ako. Tumayo narin bigla si Alexander.

"Wait here, kukunin ko yung laptop." Umakyat na si Alexander.

"Ano kaya yung ibig sabihin ni Lola Mel?" tanong ni Louisse.

"Malamang may kinalaman yun sa red note na nakita ko. Baka may nalaman si Lola Mel tungkol sa Hanes na ito kaya pinatay siya kaagad." sabi ni Detective Joan. "Konti nalang. Malalaman ko na kung sino ang kumuha kay Rhianne."

"Ibig sabihin po, may mga nalaman ka na? Bakit di mo po sinasabi sa amin?" tanong ko. Baka sa sobrang occupied kami sa notebook na nakita namin at sa mapa ay hindi na namin namamalayan na may mga alam na pala si Detective Joan tungkol sa kumuha kay Rhianne.

"Sasabihin ko sa inyo kapag naprove ko na ang hinala ko. As for now, naghahanap muna ako ng clue." sabi ni Detective Joan. Maya-maya's tumatakbo pababa ng hagdan si Alexander. Hinihingal siya at namumutla.

"Nawawala yung laptop!"

=x=x=x ALEXANDER x=x=x=

Badtrip.

Ganito ba katalino ang kumuha kay Rhianne?

"Sirang sira yung CCTV camera sa labas." sabi ni Maxwell.

"Paano niya nakuha ang laptop at paano niya nasira ang cctv camera without us noticing?" tanong ni Louisse.

"Kailan mo huling nakita ang laptop mo at ang cctv camera?" tanong sa akin ni Detective Joan.

"Kaninang umaga bago kami pumasok sa school." sagot ko.

"Malamang kanina lang kinuha ang laptop mo at kanina lang din sinira ang cctv camera." sabi ni Detective Joan. Kinuyom ko ang palad ko. Buong maghapon kami wala dahil pinupuntahan ang mga lugar sa mapa ni Rhianne. Malamang kanina nakakuha ng pagkakataon yung kumuha kay Rhianne na pasukin ang bahay namin.

Napipikon na ako. Iniisahan kami ng kumuha kay Rhianne.

"Okay. As of now, gusto kong isama muna ninyo si Ian sa lahat ng pupuntahan niyo. Hindi ko matitiyak na ligtas siya mag-isa kaya gusto ko sama-sama kayo." utos ni Detective Joan.

'Crack'

Nanigas kaming lahat nang may marinig kaming tunog mula sa bintana. Naramdaman kong humawak sa braso ko si Louisse. Tumayo si Maxwell at Ian at dahan-dahan na lumapit sa bintana. Naglabas naman ng baril si Detective Joan.

"WHAT THE HELL?" sigaw ni Maxwell.

"B-Bakit?" tanong ni Louisse. Pero nasagot kaagad ang tanong niya nang may babaeng pumasok mula sa bintana.

Anong ginagawa niya dito?!

_____________________________________________________________________________

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon