A/N
Hello :) Sorry po kung ang tagal kong mag-update. Patawad pooo ^_^
-Onneechan
_________________________________________________
CHAPTER 12 - THE ORPHANAGE
=x=x=x ALEXANDER x=x=x=
"Shane.. nandito ka na pala.." Nginitian siya ni Lola Diana.
"Bakit.. Bakit kayo nandito?" nagtatakang tanong ni Shane. Napatingin naman sa amin si Lola Diana.
"Magkakilala kayo?" tanong niya.
"Opo, lola. Kaklase ko po sila." pumasok siya at nilapag ang hawak na baso sa harap ni lola diana.
"Kung ganoon, ikaw na muna ang bahala sa kanila." Tumayo si Lola Diana at ininom ang nasa basong binigay sa kanya ni Shane. "Pinapatawag ako ni Father Julius sa simbahan eh."
Lumabas na kami ng office ni Lola Diana. Sinundan namin si Shane. Dinala niya kami sa likod ng bahay ampunan kung saan may maliit na playground.
"Ah.. Shane.." napatingin si Shane kay Louisse. "Ampon ka?"
Una, seryoso yung mukha ni Shane pero tumawa din siya kaagad.
"Hindi." Nginitian niya kami. "Nagtatrabaho ako dito."
"Nagtatrabaho?" nagtatakang tanong ni Louisse. "Ayon sa school, scholar ka daw. Bakit kailangan mo pang magtrabaho? Ang alam ko, may allowance naman na binibigay ang school sa mga scholar."
Nakatitig si Shane sa mga batang naglalaro.
"Mahalaga sa akin ang lugar na 'to." nakangiti siya pero may kakaiba sa mga ngiti niya. "Bakit nga pala kayo nandito?"
Tumingin sa akin si Louisse. Si Maxwell naman ay nanahimik lang. Kanina pa siya tahimik. Parang may malalim siyang iniisip.
"Napadaan lang naman kami.. kasi ano.. gusto lang namin tignan yung.. mga bata.." pagsisinungaling ni Louisse.
May lumapit na batang babae sa amin. Maliit lang siya at mukhang 3 years old palang.
"Kilala niyo po ba si Ate Rhianne?" tanong niya. Kilala niya si Rhianne?
"Bakit mo kilala si Rhianne?" tanong ko. Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ang mga balikat niya.
"Sabi po kasi niya maglalaro daw po kami.." yumuko yung bata. "Pero di na po siya bumalik."
"Kailan mo siya nakausap?" tanong ni Maxwell.
"Hindi ko po alam.." naiiyak na yung bata. "Ayaw po ba sa akin ni Ate Rhianne? Galit po ba siya sa akin?"
"Halika na Caren. Tahan na, wag ka nang umiyak." Hinawakan ni Shane yung kamay ng batang babae at tumingin sa amin. "Sandali lang ha. Papatulugin ko lang muna si Caren."
Pumasok na sila sa loob.
"Louisse, tignan mo nga kung ano ang susunod na pupuntahan natin pagkatapos natin dito." sabi ni Maxwell. Nilabas naman ni Louisse yung notebook ni Rhianne.
"Malayo-layo yung pupuntahan natin. Bahay yata." sabi ni Louisse. "Pero tapos na ba tayo dito?"
"Mukhang tapos na tayo dito." sabi ko.
"Nakuha naman na natin ang tungkol kay Rhianne dito." sabi naman ni Maxwell. "Tara na."
"Sandali lang, magpapaalam muna ako kay Shane." tumakbo na papasok sa loob ng bahay ampunan si Louisse.
=x=x=x LOUISSE x=x=x=
Pagpasok ko ay walang mga bata sa living room. Umakyat ako sa hagdan para tignan kung saan ang mga kwarto ng mga bata.
Nasaan sila Shane?
"Sorry po ate Shane..." may narinig ako boses ng naiyak na bata.
"Nandito naman ako eh.. Hindi ko kayo iiwan. Hindi ko siya gagayahin."
"Shane?" tawag ko. Tumigil yung pag-iyak ng bata. Bumukas yung pinto sa dulo ng hallway.
"Louisse.. bakit?" sinenyasan niya ako na hinaan ko ang boses ko.
"Uuwi na kami, gusto ko lang magpaalam." nakangiti kong sabi. "May narinig akong naiyak kanina, anong nangyari?"
"Ah.. wala yon." Sinabayan ako ni Shane sa pagbaba sa hagdan. "May nasira lang si Caren."
=x=x=x MAXWELL x=x=x=
"Sana mapuntahan na natin lahat para malaman na natin kung nasaan si Rhianne." sabi ko. Kailangan namin magmadali. Kailangan na namin makita si Rhianne.
Gustong-gusto ko nang makita si Rhianne.
"Hindi naman tayo sigurado na kapag napuntahan na natin lahat ay makikita na natin siya agad." sabi ni Alexander. Napasimangot ako.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Baka iba ang dahilan kung bakit gusto ni Rhianne na mapuntahan natin ang mga lugar na 'to."
Tumingin ako sa paligid. Ang tagal naman ni Shane.
Nakita naming may tumatakbong babae at hinahabol siya ng lalaki.
"ANO BA JASON! LAYUAN MO NGA MUNA AKO!" galit na sigaw ng babae. Patuloy patin siyang hinahabol ng lalaki.
"Kilala ko yun ah..." rinig kong sabi ni Alexander.
"Kilala mo rin yun?" tanong ko. "Madalas kong makita 'yang dalawa sa library."
"Nakita ko nga rin silang dalawa dun.." sabi ni Alexander. "Sa tingin ko, sinasaktan siya palagi nung lalaki."
Maya-maya'y dumating na si Louisse.
"Tara na." nagsimula nakong maglakad.
"Teka Maxwell." lumingon ako kay Louisse.
"May alam ako tungkol sa susunod na pupuntahan natin." sabi niya.
"Narinig kong pinag-uusaan nila daddy at mommy yun dati. Sabi nila, nasunog daw na bahay 'yon. May nakatira daw na mag-asawa doon kasama ang anak nilang sanggol. At noong nagkasunog sa bahay na yon,
yung sanggol lang daw ang naligtas."
_______________________________________________
BINABASA MO ANG
Special Section 2 (Published under Pop Fiction)
Mystery / ThrillerSpecial Section book 2. Hindi mo siya mahahanap. Hindi mo siya matatakbuhan. Available in Bookstores, Convenience Stores, newsstands and online nationwide for only P175! :)