Maraming maraming salamat po sa mga bumili na agad ng Special Section book :))
SORRY PO SA SOBRAAAAAANG TAGAL KO TALAGA MAG-UPDATE. Kakatapos lang po kasi ng Midterms namin, akala ko hindi ako makakasurvive XD
-Onneechan
____________________________________________________________________________
CHAPTER 24
=x=x=x ALEXANDER x=x=x=
"CORTES?!"
"Oo, iha," sabi ng matanda kay Louisse. "Bakit?"
"Kaibigan--" tinakpan ko yung bibig ni Ian at sinenyasan siya na wag maingay.
"Pamilyar lang po sa amin yung apelyido." sabi ko. "Ano pa po ba ang mga napag-usapan niyo ni Detective Joan?"
"Wala naman kaming masyadong napag-usapan." sabi ng matanda. "Nagtanong lang siya kung pwede daw ba niyang tignan yung mga family pictures ng Cortes."
"Maaari po ba naming makita yung mga litrato?" tanong ko.
"Sandali at kukunin ko sa itaas ang mga albums." tumayo na yung matanda at umakyat sa taas. Naiwan kaming apat dito sa baba.
"Bakit pinigilan moko na sabihing kaibigan niyo si Rhianne?" tanong ni Ian.
"Para hindi tayo mabanggit sa tatay ni Rhianne. At baka pumunta dito ang tatay ni Rhianne kaya dapat bilisan natin." sabi ko.
"Bakit naman natin iniiwasan ang tatay ni Rhianne?" tanong naman ni Julia.
"Iniiwasan natin siya dahil..." napaisip ako. Bakit nga ba? Dahil ba galit si Rhianne sa kanya? Dahil ba hindi rin siya naging mabuti sa amin?
"Mga iho't iha, ito na yung mga album oh." Hindi namin napansin na pababa na pala yung matanda.
Kinuha ko yung pinakamakapal na album.
"Album 'yan ng nag-iisang anak ni Sir. Si Rhianne." sabi ng matanda. Agad kong binuksan ang album. Ano kaya ang nakita ni Detective Joan dito?
Bumungad sa akin ang mga baby pictures ni Rhianne. Naramdaman kong pinunasan agad ni Louisse ang tumulo niyang luha.
"Mabait na bata 'yang si Rhianne," ramdam sa boses ng matanda ang kalungkutan. "Nagbago nga lang siya nang magpakamatay ang nanay niya."
Naalala ko ang kwento sa amin ni Rhianne noong camping namin last year. Ang tungkol sa nanay niya at sa tatay niya.
*THROWBACK*
Camping.
"Okay.. we will be having a sharing moment or sharing period today. Sa harap ng bonfire na 'to sasabihin niyo kung ano ba ang secrets or mga pinagdadaanan niyo sa buhay. Game? Let's start with..
.
Ms. Cortes"
Tinuro ng facilitator si Rhianne. Lahat kami ay nakatingin sa kanya. Dahan dahan siyang tumayo at pumunta sa gitna.
"Uhm.."
Makalipas ng isang minuto ay nagsalita siya muli, "Naghiwalay si Mommy and Daddy last year."
"Why?" tanong ng facilitator.
"Kasi nahuli ni Mommy na may ibang babae si Daddy," mahinang sabi ni Rhianne.
"Oh, sorry to hear that." sabi ng facilitator.
"Okay lang po, pagtapos po nilang maghiwalay, napunta po ako sa mom ko. Pero isang araw.. pag uwi ko galing sa school.. I saw my mom na nakabigti sa sala namin. It was the last time I saw her. After nun.. Si daddy na ang kasama ko. I hate him."
"Sorry iha.."
"Naku okay lang po," nginitian niya kami. Alam kong hindi totoo ang kanyang mga ngiti.
*END OF THROWBACK*
Pinagpatuloy namin ang pagtingin sa mga litrato ni Rhianne. May napansin akong litrato. Pamilyar sa akin ang lugar na ito.
"Sa orphanage 'yan diba?" tanong ni Louisse.
"Orphanage? Yung malapit sa school naten?" tanong ni Julia.
"Oo, iha. 'Yan ang orphanage na madalas dalawin ni Rhianne." sabi ng matanda.
"Bakit po?" tanong ko.
"Syempre, diyan siya nanggaling. Malapit siya sa mga bata at halos kasabay niyang lumaki." sabi ng matanda.
"AMPON SI RHIANNE?" gulat na tanong ni Julia.
"Oo." matipid na sagot ng matanda.
Napakunot ang noo ko. Halos kasabay niyang lumaki ang mga bata sa orphanage? Kaya ba kilala siya ng isang bata sa orphanage noong dumalaw kami doon? Ibig sabihin... kilala siya ni Shane noon palang?
"Hindi kasi magkaanak ang tatay at nanay ni Rhianne kaya nag-ampon nalang sila." sabi ng matanda.
Tinignan ko ang iba pang mga albums. May isa akong napansin na album. Maliit lang ito at lumang luma na ang itsura. Mukhang sa lahat ng albums ay ito ang hindi inalagaan.
"Kanino naman po itong album?" tanong ko. Kukunin ko sana ulit ang album ngunit mabilis itong hinablot ng matanda.
"Naku. Iho, hindi ko maaaring ipakita sa inyo ito." sabi ng matanda.
"Bakit naman po?" tanong ni Ian.
"Kabilin-bilinan sa akin ni Sir na bawal ko ipakita kahit kanino. Kahit nga po si Rhianne ay bawal makita ang laman nito. Pasensya na po. Nagkamali yata ako ng kuha kanina, hindi ko dapat ibababa ito eh." mabilis na sabi ng matanda.
"Nakita po ba ni Detective Joan 'yan kanina?" tanong ko.
Bumuntong hininga ang matanda. "Oo.."
"Kung gayon, siguro po'y okay lang na makita namin ang laman niyan. Kailangan po namin malaman kung ano ang nalaman ni Detective Joan dito." sabi naman ni Louisse.
"Hindi niyo talaga maaaring makita ang mga litrato dito.." sabi ng matanda. "Tungkol lang naman ito sa nakaraan ng tatay ni Rhianne. Hindi naman mahalaga."
__________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
Special Section 2 (Published under Pop Fiction)
Mystery / ThrillerSpecial Section book 2. Hindi mo siya mahahanap. Hindi mo siya matatakbuhan. Available in Bookstores, Convenience Stores, newsstands and online nationwide for only P175! :)