[24] Start Of Something New

608K 10.6K 4.4K
                                    

[24] START OF SOMETHING NEW


KAYE ANNE'S POV


Yung saya na naramdaman ko nung makausap ko si Nathan, bigla nalang nawala sa pagdating ni Austin. It has been a minute since I came down to him yet neither of us spoke. Tila ba nagpapakiramdaman kami sa isa't-isa.

"Austin," I broke the silence between us. "Kung nagpunta ka dito para pag-usapan ang nangyari nung nakaraan, pwede bang magsalita ka na?"

He looked to me with those sad set of eyes. I looked away, avoiding his gaze. Mas mabuti na rin ito dahil baka mangyari na naman ang maling desisyon ko na nagawa ko noon. Ayokong makitang nasasaktan siya. Baka lumambot na naman ang puso ko.

"Nandito ako para magpaliwanag, Kaye Anne."

"Hindi mo na kailangang magpaliwanag. Kitang-kita naman ng dalawang mata ko yung eksenang naabutan ko diba? Hindi ka lasing. Nasa tamang katinuan ka nun. Hinabol mo pa ako nun. Ngayon, sabihin mo, anong palusot pa ang sasabihin mo?"

Katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa. Hinintay ko lang siyang magsalita pero hindi na siya umimik man lang. Nagpunta ba siya dito para manahimik lang?

"Austin, kung wala kang sasabihin, ang mabuti pa ay umalis ka nalang."

Natigilan ako sa pagtayo mula sa pagkakaupo nang hawakan niya ako sa kamay. "Saglit lang. Mag-usap muna tayo."

Bumuga ako sa hangin dahil sa inis. Paano kami mag-uusap kung hindi naman siya nagsasalita?! "Magsalita ka na kasi! Ang dami ko ng nasayang na oras dahil sayo, Austin. Alam mo ba yun?" Bumalik ako sa pagkakaupo sa harap niya at matamang tinignan siya. I meant everything I said. "Didiretsuhin na kita, Austin. Kailan mo pa ako niloloko?"

"Hindi kita niloloko."

Nagpakawala ako ng pagak na tawa sa sagot niya pati na rin sa malungkot na boses niya. "Hindi pa ba panloloko yung naabutan kita sa ibabaw ng babae sa sarili mong kama? Ano yun, naglalaro lang kayo ng bahay-bahayan?!"

"Kaye Anne..."

Dahil sa inis ko sa kanya, ginulo ko ang aking sariling buhok. Gusto ko siyang sampalin, pero hindi ko magawa. Naiinis talaga ako sa kanya. "Ipaliwanag mo kasi! Akala ko ba magaling ka sa salita? Bakit ngayon natat*nga ka na??"

"I'm sorry..."

Sa dalawang salitang yun, natahimik ako. Ramdam na ramdam ko yung sincerity sa boses niya. Siguro dahil alam kong nasasaktan siya. Siya ang may kasalanan, pero bakit ako yung nagiguilty. Kaye Anne naman... Isipin mo naman ang sarili mo.

"Hindi ako nagpunta dito para magmalinis. Nandito ako para mag-apologize sayo. Sorry kung nagloko ako. Hindi ko naman yun sinasadya. Kung alam mo lang kung anong paraan ang ginawa ko para iwasan siya, pero masyado siyang dumidikit sa akin."

Tinignan ko siya. Nakabaon na ang mukha niya sa sarili niyang palad. Napapikit nalang tuloy ako. Kaye Anne, huwag kang maawa. Ayan ka na naman eh.

"Ang totoo nyan, nahihiya akong makipag-usap sayo. Alam kong galit ka sa akin, nahihirapan ako."

Bumuntong-hininga ako. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko siya sagutin. "Hindi ako galit. Nadisappoint lang ako, Austin. Naiinis ako sayo. Magloloko ka na rin lang naman, bakit ngayon lang? Sana noon pa."

Hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng luha ko. Naiinis na ako sa mga nangyayari. Akala ko, hindi niya ako lolokohin dahil mahal niya ako. Ang taas ng expectation ko sa kanya. Napaisip tuloy ako. Nasayang lang ba talaga ang panahon ko kasama siya?

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon