Dedicated to KathrineLandicho :)
[46] INSTANT REUNION
GAIL'S POV
"Sales report????"
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi ni Kuya Louis. Yun agad ang binungad niya sa amin pagkapasok ko ng office niya. He called me and Kurt for an important task to do. Mukhang magiging mahirap ito. "Yes, I assigned the both of you to visit the North branch. Yun yung branch na pinakamababa ang sales. Pinag-iisipan ko na ipasara nalang yun, pero marami rin naman akong feedback na nakukuha na in-demand naman daw ang shop na yun sa mga consumers. I'm just wondering, why is the sales so low?"
Napatingin ako kay Kurt sa harapan ko. We're seated across from each other. Napakunot ang noo ko nung makita kong umiwas siya ng tingin at umismid pa. Hindi ko alam kung sinadya niya yun, pero parang galit siya sa akin. What the?
"So, when will we start evaluating?" Kurt asked in his most serious tone.
"It's better if you go there tomorrow since 3 days kayo dun."
Dun na ako nagpanic. "Three days?!?! Seriously, Kuya?!"
"What's wrong with that, Ms. Rivera. Ikaw ang Finance team leader, at si Mr. Lee naman ang Marketing team leader... You do your job responsibly or I'll demote you? You choose."
I sighed and gave in. "Sorry, Mr. Rivera."
Three days with Kurt? No way. Bakit ako pa? Pwedeng iba nalang? Kahit na in good terms na kaming dalawa, hindi ko pa rin maiwasan na hindi mailang sa presence niya for some odd reason.
***
I've been upset since this afternoon. I admit to myself, I don't wanna be with Kurt alone. Ayos sana kung may kasama pa kaming iba, pero wala eh. It's going to be me and Kurt only. No chaperones, no assistants. Oh good Lord, bakit ba kasi ako ang na-assign dito?
"Gail."
I was making my way out of the building when somebody called my name, so I stopped and turned only to see Kurt walking to my direction. Here he goes again... I'll be with him for 3 days. Kailangan kong masanay talaga sa presence niya.
Tinaas ko lang ang dalawang kilay ko sa kanya, sign ng pagbati at pinagpatuloy na ang lakad ko. Sinabayan niya naman ako.
"Going home?" He asked.
"Hmm..." I nodded.
"Aren't you going somewhere else?"
Tinignan ko lang siya. Birthday niya ngayon pero hindi ko siya kayang batiin. I don't have the guts to greet him. It doesn't feel right.
"Uuwi na ako. Pagod na kasi ako. See you tomorrow?" Tinanguan ko lang siya at humarap sa ibang direksyon.
"Gail."
Napapikit ako saglit bago siya nilingon. Sorry, naiilang talaga akong batiin ka, Kurt. "Will I fetch you tomorrow or we'll just meet at the airport?"
"Papasok pa naman bukas ng umaga diba? So, see you at the airport," I timidly said and turned my back on him. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Usually, sa tapat ng building mismo ako naghihintay ng taxi, pero dahil iniiwasan ko si Kurt ay naglakad-lakad muna ako.
Piiiiip!
Halos mapatalon ako sa gulat nang may bumusina sa gilid ko. Paglingon ko, may isang red Ferrari ang sumusunod sa akin or am I just assuming?
Nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad. Saan ba pwedeng maghintay ng taxi dito?
Piiiiip!
BINABASA MO ANG
AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]
RomanceTheirs is a story that started all wrong. In fact, it's started with an accidental kiss with a gangster. After so many tragedies, tila hindi kampi kina Gail at Kurt ang tadhana kaya napilitan silang layuan ang isa't-isa. But years later, a chance e...