[9] RIGHT TIME
KAYE ANNE'S POV
Nasundo na kami nina Tito Albert (Nathan's father) mula dun sa bahay nina Lola Sally. Bago kami umalis, talagang nagpasalamat kami ni Nathan sa pagpapatuloy nila sa amin dun ng libre. Hindi lang yun, pinasalamatan namin sila dahil mainit nila kaming tinanggap sa bahay nila. I swear, hindi ko makakalimutan ang bahay na yun. Kapag may chance, talagang dadalawin ko sila dun. Err... Yun ay kung hindi matuloy ang pag-alis nila sa lugar na yun.
"Bakit ba kasi kayo napunta sa lugar na yun, Nathaniel. Diretso lang ang daan oh, kung saan-saan ka pa lumusot." Sabi ni Tito Albert na nakaupo sa passenger's seat ng kotse. Parehas naman kaming nasa backseat ni Nathan. Medyo nakakatuwa yung attire namin ni Nathan, mukha talaga kaming probinsyano't probinsyana. ^_______^
"Eh kasi naman Papa, yung isa dyan---" Napatingin ako kay Nathan nang mapansing kong binigyan diin niya yung sinasabi niya, "---Dinala ako sa biglang liko."
Pinanlakihan ko siya ng mata at bumulong sa kanya, "Anong biglang likong sinasabi mo dyan?"
He smiled menacingly to me. "Eh totoo naman diba?"
"Hey people, anong naisip niyo at nagbiglang liko kayo? Pwede naman kayong dumiretso nalang sa bahay kesa kung saan-saan pa kayo lumiliko." Komento ni Tito Albert at nagtawanan pa silang dalawa ng driver niya.
"Sir, ganyan talaga ang mga kabataan ngayon. Hindi na makapaghintay. Excited kumbaga, Sir Councilor." Sabi naman nung driver, at nagtawanan na naman sila.
Ano bang pinagsasabi nila? 'Di ko magets. -________-
"Ano ba yang pinag-iisip niyo, Papa!" Iritableng saway sa kanila ni Nathan tapos tumingin siya sa akin na nakakunot-noo pa rin, "Pagpasensyahan mo na yan sila Papa. Gawain kasi nila yun nung kabataan nila eh."
I showed him my innocent look. "Ano ba yung sinasabi nila? Anong gawain?"
He groaned loudly, "Walaaaaa. Buti nalang 'di mo naintindihan."
"Tss. Labo niyo naman~ Ang dayaaaaa." >.<
I kept silent for the entire trip. Wala pa namang isang oras yung byahe dahil mukhang malapit na rin naman ang lugar nina Lola Sally sa Sitio Maligaya. Nakadungaw lang ako sa bintana ng kotse habang nagbabyahe. Nakakaenjoy tumingin sa bukid na nadaanan namin. Sa kaliwa ay ang bukid at ang bundok, at sa kanan naman ay ang bukid at dagat. In fairness, very refreshing to the eyes~ *u*
Pagdating namin sa bahay nila Nathan, napansin ko kaagad ang pagbabago rito. Last year pa ako huling nakapunta dito, nung birthday ni Ate Nathalie. Mas lalong gumanda ang bahay nila Nathan ngayon. Well, mas magiging maganda lalo ang bahay nila kung walang posters at tarpaulin na nakadikit sa pader at gate ng bahay nila. You know, campaign materials! >.<
"Grabe, Papa. Todo-todo ang pangangampanya ah. Ultimo kotse mo, may poster." Komento ni Nathan habang papasok kami sa bahay nila. Medyo nagulat ako nang hawakan niya ako sa left wrist ko.
"Ganun talaga. Alam mo bang Sir Councilor na ang tawag ng mga tao dito sa akin," proud na sabi niya at nagpameywang pa. "Marami akong supporters anak, kaya dapat maging proud ka sa Papa mo."
Napangiwi nalang si Nathan. "Naku Papa, goodluck nalang."
"Anong goodluck ka dyan? Best of luck dapat, Nathaniel." Natatawang sagot ni Tito Albert tapos tumingin siya sa akin. "Oh hija, nagugutom ka ba? Gusto mo bang kumain?"
I smiled shyly, "Hindi po. Salamat nalang po."
Tumingin naman siya kay Nathan. "Nathaniel, ikaw na ang mag-asikaso dito sa girlfriend mo. May pupuntahan pa kami eh..."
BINABASA MO ANG
AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]
RomanceTheirs is a story that started all wrong. In fact, it's started with an accidental kiss with a gangster. After so many tragedies, tila hindi kampi kina Gail at Kurt ang tadhana kaya napilitan silang layuan ang isa't-isa. But years later, a chance e...