[60] 60 Seconds

475K 9.4K 4.6K
                                    

Pambawi sa matagal na update.

[60] 60 Seconds


KAYE ANNE'S POV

Kanina pa ako nagpapakawala ng buntong-hinga. Ang sikip ng dibdib ko. Parang gusto kong tumakbo dahil sa tensyon pero hawak-hawak ni Mommy ang kamay ko.

"Let's go. It's about time."

Waaaaah! Time? Pwedeng time first muna? Hindi pa ako ready. Iniisip ko pa lang na hindi na ako isa sa mga bride's maids katulad noon na pagkatapos maglakad sa red carpet papasok ng simbahan ay uupo na sa kanya-kanyang pwesto nila. Ugh, pero sa sitwasyon ko ngayon, iba na. Ako na mismo ang nakasuot ng wedding gown, at didiretso na ako sa altar kasama ng mga magulang ko sa magkabila kong gilid. Ibang-iba na sa ginagawa ko noon.

Ako na ang ikakasal.

Nabalik ako sa huwisyo nang pisilin ni Mommy ang kamay ko. "Tara na, Kaye. Nagbigay na ng sign ang coordinator."

"Pero Ma..."

"What?"

Bumuntong hininga ulit ako sabay tapik sa sarili kong pisngi. Nanginginig ang mga labi ko sa nerbyos. "5 minutes pa?"

Tinaasan niya ako ng kilay kaya napatikom ako ng bibig. Okay, Kaye. It's not the right time to play little miss brat. "Set aside your problems with your groom for now, young lady. Kung anuman yan, mamaya niyo na pag-usapan."

Wala na akong nagawa kundi ang ngumuso't sumimangot. If you only knew what had happened, Mom.

"... and besides, hindi kayo aabot ng apat na taon ni Nathan kung simpleng problema lang ay palalakihin niyo pa."

Dun na ako napatingin kay Mommy. Base sa paraan ng pananalita't pagngiti niya sa akin, parang may alam siya sa kung anumang problema namin ngayon ni pandak.

"Mom---"

Naputol ang pagsasalita ko nang may kumatok sa bintana sa side ni Mommy. Si Daddy, mukhang naiinip na sa labas.

"Oh, your dad's calling us already. Tara na. Patapos na yung entourage. Turn mo na."

Napakagat ako ng mariin sa labi nung lumabas na si Mommy ng bridal car, pagkatapos ay nilahad naman ni Dad yung kamay niya sa akin. Pagtingin ko sa mga mata niya, halo-halong emosyon ang nakabakas dito; masaya, malungkot, at... pag-aalala.

"Dad..."

He smiled, a genuine one. "Ang ganda ng bunso ko."

Napangiti na rin ako sa sinabi ni Dad. Simpleng salita, pero nakakataba ng puso.

"Dad talaga."

Mas lalong lumakas ang kaba ko nang tuluyan na akong nakalabas ng bridal car. Pumuwesto agad sa magkabilang tabi ko sina Mommy at Daddy. Sa kanan ay si Mommy at sa kaliwa naman ay si Daddy.

Habang paakyat kami sa staircase patungo sa simbahan ay nakadagdag sa kaba ko ang mga photographers at cameraman na nagdodocument ng kasal ko.

Kasal ko...

Waaahh! Kasal ko na nga talaga 'to. At ikakasal ako sa lalaking kinagagalitan ko ngayon.

Unti-unting bumukas ang malaking pinto ng simbahan. Sumalubong sa akin ang liwanag na nanggagaling sa loob, pero naagaw ang atensyon ko sa imahe ng lalaking nakatayo sa harapan ng altar.

'Say it's true

There's nothing like me and you

Not alone, tell me you feel it too'

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon