[58] You're Fired

512K 9.2K 3.7K
                                    

[58] You're Fired


GAIL'S POV

All throughout the weekend ay nakapatay lang ang phone ko. Wala si Fifth sa buong weekend at kakauwi niya lang kagabi.

Monday na. Ito ang araw na kinakatakutan ko or let me say, ayokong harapin. In other words, iniiwasan ko or rather may iiwasan akong tao.

Nagring ang phone ko habang nakatulala ako na parang shunga sa harapan ng salamin. Bumilis ang kaba sa dibdib ko at matagal na tinitigan ang phone sa ibabaw ng mesa. Since Saturday, lagi akong napaparanoid. Feeling ko, matapos ang nangyari sa unit ni Kurt, anytime soon ay tatawag siya at kukulitin ako.

... But he never did and I hope he never will.

Binitawan ko ang lipstick ko at inabot ang cellphone ko. I felt relieved upon seeing Kaye Anne's name on the screen. Pag-swipe ko pa lang sa screen para sagutin ang call niya ay narinig ko na agad ang cute na boses ng pinsan ko.

["Good morning, Gail!"]

Napangiti ako. Energetic ang soon to be Mrs. Salvador. Oh, let me rephrase that. Mrs. Salvador na pala siya, pero ikakasal ulit siya ngayong darating na Sabado. Ang bilis ng araw.

"Morning, Kaye Anne. What's up?" Matamlay pero nakangiti kong bati.

["May sakit ka?"]

"Wala."

["Bakit ganyan ang boses mo?"]

Natawa nalang ako. "I am not sick, I am only not in the mood to squirk."

["Well, anyways, nandyan na ba yung gown mo? Nandun na rin yung invitation. Sorry kung late ha? Dami kasing inaasikaso."]

"Hmmm..."

["Ano'ng 'hmmm'? Hey, are you really okay?"]

Kusa akong huminga ng malalim. Hindi ako okay!! Geez! Mamaya-maya lang ay papasok na ako sa office at maaring makasalubong ko dun si Kurt!!

"Kaye Anne..."

["Ano?"]

"Kasi... ano."

["Ano?"]

And the rest is history. Kinuwento ko sa kanya kung anong nangyari last Friday. From what had happened in the bar up to the time when Kurt confronted me about what I admitted to him when I thought he lost his senses.

["Hahaha! Gail, bakit? Anyare??"]

Sumimangot ako. Pinagtawanan pa talaga ako. Halata namang natataranta na ako dito. "Listen, Kaye Anne. Hindi ko alam na maaalala niya ang lahat. Lasing na lasing siya eh. Hindi ko na rin napigilan yung sarili ko na aminin yun. I swear, I thought he won't remember anything the next day but I was wrong. Kinonfront niya ako!!"

Pabagsak akong umupo sa kama at ibinaon ang mukha ko sa dalawa kong palad. Geez, nagfaflash back na naman sa utak ko. Bakit ba kasi kusang lumabas sa bibig ko iyon?

["Pero, Gail,"] her voice turned serious. ["Ano ng gagawin mo ngayong narealize mo na mahal mo pa rin siya? Will you give him another chance?"]

Natigilan ako. That question keeps on rummaging in my mind these past two days.

"No." That's all I said.

["Bakit?"]

I sighed deeply and twitched my lips sideways. "Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko para kay Kurt at ganun din kay Fifth."

["What do you mean?"]

Just then a loud knock interrupted our talk. I looked at the door and heard Fifth's voice from outside.

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon