[6] Liblib Na Lugar

620K 10.4K 1.6K
                                    


[6] LIBLIB NA LUGAR


AUSTIN'S POV

Kanina pa ako hindi mapakali. Nasa klase pa ako ngayon pero hindi ako makapagfocus. Kanina pa ako tawag ng tawag kay Kaye Anne pero 'di man lang niya ako sinasagot. Pinatayan pa ako. Ang g*go ko kasi. Bakit ko ba nagawa sa kanya yun kagabi? Hindi ko naman sinasadya ang nangyari. Dala lang siguro yun ng ispirito ng alak kaya ako naging mapusok kagabi, pero pinagsisihan ko naman yun. Ayokong magalit sa akin si Kaye Anne. Wala na nga akong oras para sa kanya tapos nadagdagan pa nitong kag*guhan ko. Sh*t.

Sinubukan ko ulit siyang tawagan. Nakatatlong subok pa ako pero kagaya ng kanina ay nakapatay pa rin ang phone niya. Pupuntahan ko nalang siya sa bahay niya mamaya pagkatapos nitong klase ko.


***

"Naku, Austin. Pasensya na pero wala dito si Kaye Anne eh." Yan ang sagot sa akin ni Manang vera nang itanong ko sa kanya kung nandito ba si Kaye Anne.

"Saan po siya nagpunta? Pupuntahan ko nalang po siya."

She gave me her half-shrug, "'Di ko alam, hijo. Kaninang tanghali siya umalis kasama ni Mario. Nagpahatid lang siya kung saan. Ang mabuti pa, itatanong ko nalang kay Mario."

I smiled a little, "Sige po."

"Pasok ka muna."

Binuksan na niya ng bahagya ang pintuan ng gate nila, pero umiling lang ako. "Huwag na ho. Dito nalang po ako."

Habang hinihintay si Manang Vera dito sa labas ay sumandal muna ako sa kotse ko at nagcompose ng sms para kay Kaye Anne. Hindi ko naman siya matawagan dahil patay ang phone niya kaya patext nalang ang ginawa ko.

|Kaye Anne, nasaan ka ba? Nandito ako sa bahay mo. Usap tayo.|

Pagkasend ko nun ay ibinalik ko na rin ang phone ko sa backpocket ng pants ko. Napaayos ako ng tayo nang makitang lumabas na si Manang Vera kasama ang driver ni Kaye Anne. As far as I remember, his name is Mario.

"Good afternoon po," I politely greeted him.

"Good afternoon din. Si Kaye Anne ba?" I slightly nodded to his question. "May inaasikaso siyang trabaho ngayon. Medyo busy ang alaga naming yun, Austin."

 Trabaho? Wala namang sinasabi si Kaye Anne sa akin na may trabaho siya. Ang alam ko, inienjoy niya ang pagbabakasyon.

"Ah ganun po ba? Saan po ba ang location ng trabaho niya para ako nalang po ang magsusundo sa kanya ngayon." Ipinamulsa ko pa ang kanang kamay ko.

Nagkatinginan pa silang dalawa ni Manang Vera bago ako sagutin ni Mang Mario. "Ang totoo nyan, hindi ko rin alam kung saan eh. Hinatid ko lang kasi siya kanina sa bahay ng katrabaho niya." He paused and smiled, "Hayaan mo, itetext naman ako ni Kaye Anne mamaya para sunduin siya. Ako na ang magsasabi sayo kung saan ang location niya para ikaw na mismo ang magsundo sa kanya."

I slightly nodded and smiled to them. Pinaikot-ikot ko pa ang susi sa daliri ko. "Sige po, aasahan ko po yan. Kailangan po kasi naming mag-usap. Hindi ko nga lang siya macontact sa ngayon."

I don't know why but I really find Manang Vera's smile meaningful. I wonder why.

"Baka busy nga. Sige, mag-iingat ka, Austin. Itetext nalang namin sayo kapag may balita na kay Kaye Anne. May number ka naman sa akin eh."

And then off, I drove away. Bakit hindi man lang pinaalam sa akin ni Kaye Anne ang tungkol sa trabaho niya?


AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon