Nung makauwi kami kagabi walang imikan. Sa kotse pa lang nya nag usap na kami-mali nag away na kami. Pano ba naman ayaw nya kong iuwe sa bahay ko. Kasi from now on daw sa bahay NAMIN na ko mag i-stay. Bomba mga besh diba? Pauso ang ser nyo! Wala na kong nagawa, may inutusan na syang tao para mag bantay sa bahay at kumuha ng mga gamit ko. Sa sobrang inis ko dinedma ko sya ng todo kahit halos pumutok na ang ugat nya sa kakasalita at paliwanag.
Dumiretso agad ako sa taas pag dating namin sa isa pang mansion. Yamanin talaga. Buti na lang may maid sa taas galing ata sa isang room, ipinaturo ko na lang sa kanya kung saan ang room ko. Hindi na ko nagulat ng kompleto lahat ng gamit ko.
*knock knock*
Lumapit ako sa pinto at binuksan yun. Si Calix. Sabi nya aalis sya at two days syang mawawala.
"So what? Wag ka pang bumalik okay lang!" Sa inis nya ginawa nya kong preso. Bawal daw ang lumabas. Utot nyang green. Tse!
Kinabukasan..
Nagising ako ng maramdaman kong mainit na. Hindi ko ginamit yung aircon, hindi naman ako sanay eh. Tumayo na ko at inayos ang kama pati na din ang gusot kong pajama bago pumasok sa banyo, nag hilamos at toothbrush lang ako tapos lumabas na ko dala ang phone ko. Tumunog ito kagabi pero dinedma ko na din.
Habang nagkakalikot ako ng phone nakarinig ako ng ingay. Mga kalalakihan! Akala ko kami lang ni Calix, maid at drivers ang nadito? Hmm. Muli kong tiningnan ang phone ko at patuloy sa pag baba ng hagdan. Natawa ko nung makita kong si Mahye pala ang nag chat.
Ang panget mo talaga bes. Ako pa rin ang dyosa!
Nag send din sya ng picture nya. Loka loka talaga. Hahahaha! Natigil ang pag bungisngis ko ng marinig ko ang pinag uusapan ng mga maiingay na chismoso. May pinag kakaguluhan sila sa phone.
"Luuh! Yan yung asawa ni boss? Maganda nga payat naman." Pilit na sumisiksik iyung lalaking naka red. Ano daw?
Kinonyatan nung naka white yung nag salita. Buti nga! "Malay mo dude slim lang talaga si mam." Tumaas ang kilay ko sa sinabi nya. Perv! Nalipat ang tingin ko sa lalaking naka black na dumudungaw dungaw lang sa phone at biglang tumawa.
"Mga loko! Hahaha. Tamana yan." Umiling yung lalaking katabi nya na naka seating pretty lang sa tabi nya.
"Delete that kung ayaw nyo na pag lamayan tayong apat dito" seryoso lang sya at medyo parang suplado. Lumapit ako sa likod ng couch nakatalikod kasi sila sa hagdan.
"Ganda ng chixx mga pre ah. Papasa naman." Lintik! muntik ko ng pag sasapukin tong mga itlog na to. Picture ko sa Facebook ang tinitingnan nila. Shangna!
"Mamaya na dre. Ako muna!" Inis na sagot sakin nung lumait sakin. Naabala ko pa ata! Busy lang sya kaka-browse ng mapatingin sakin yung tatlo. Gulat na gulat at parang takot. Tch.
"Clarkson!"
"Ano ba Monteverde!" At sa wakas lumingon din ang hudyo! Nailaglag nya yung phone sa gulat nya.
"Takte IPhone ko!"
"Sht!"
Nangunot ang noo ko saglit. Tumayo yung suplado.
"Good morning Mrs. Fortalejo." Bati nya at sumunod naman yung iba.
"Yow Mrs. Fort!" Naka red
"Morning mam!" Yung may ari ng phone.
BINABASA MO ANG
My Boss My Husband
Mystery / ThrillerI'm Jeanne Chalk Salazar. Ulila at mag isa na lang sa buong universe. Until i meet this guy na nasobrahan ata sa oxygen at nasa stage na ng menopousal. He's Yvo Calix Fortalejo. -.- ~°~°~°~°~ Kausap ko lang kanina yung ka workmate ko ng bigla akong...