chptr. 22

845 22 20
                                    

Timothy's POV

Dumaan ang mga oras.

Lunch na

Pero subsob pa din si Chalk sa ipana rereview ko sa kanya na mga papers.

Siga

Maingay

Maganda

Mabait

Masayahin

Mapag biro

Pero malungkot ang mga mata

Anong meron sayong babae ka.

Knock Knock

"Come in" agad na sagot ko nung may kumatok.

Sumungaw agad ang ulo ng isa sa mga kaibigan ni Mr. Fortalejo. Pero agad humabol ang dalawa pa.

"Hehe. Susunduin sana namin ang babaeng fort" pabiro ngunit alangan na na paalam nya sakin.

Binaling ko ang paningin ko sa babaeng kanina ko pa pinag mamasdan, parang wala syang naririnig.

"Pst" ako yan. Di ko alam kung anong itatawag ko sa kanya matapos malaman ang lahat kanina.

Nag angat sya ng tingin sakin, tinanggal ang headset bago kinunot ang noo.

"Anong gusto mo kulugo?" Parang naistorbo ko pa sya sa lagay na yun. Kakaiba talaga.

Naghagik-hikan naman ang mga nasa pinto, dun nabaling ang mga mata nya. Lalo pang kumunot ang noo nya. Pft.

Tumaas ang kilay, nag krus ng braso bago tuluyang ibaling ang buong katawan sa may pinto. "Anong problema nyo mga itlog?" Mataray nyang tanong sa kanila.

Ako naman ang natawa. Ang hilig nya mag pangalan ng kung ano ano.

Kulugo at Itlog? Nice. Hahahahahahahaha

"Eeeeh...." Kakamot kamot pa si Mr. Clarkson, hindi malaman kung anong sasabihin. Naka tikim naman sya ng batok kay Mr. Ferrer.

Halos mag buhol na ang kilay namin ni Chalk.

"KasiChalkSaminKaDawSasabayKumain" dere deretsong sabat naman ni Mr. Monteverde.

"What the f*ck!" Galit na sabat naman nung nasa likod nila. Sabay sabay lumingon yung tatlo, sabay sabay din silang nag atrasan. Pumasok ang isa pang kaibigan ni Calix. Seryoso at matalim ang tingin nya dun sa tatlo, bago sya bumaling sa pakay nila.

Gusto kong matawa nung makita ko kung paanong nag palit ang itsura nya nang masulyapan nya ang muka ng naiiyamot na babaeng pakay nila.

Kamot ulo syang bumuntong hininga. "Halika na, lunch time na" yun lang ang sinabi nya at dali dali na syang lumabas ng office ko.

Nag hagikhikan nanaman ang tatlo bago mabilis na sumunod sa kanya.

Nawala lang ang paningin ko sa kanila nung sakin naman humarap ang sekretarya ko, tunay na nakaka kaba ang tingin nya. Tsk.

"What?" Mataray kong tanong sa kanya.

"Sayo ako sasabay mag luch, itakas mo ko sa mga itlog na yun." Mataray at nag uutos talaga na sagot nya sa akin.

"Mm" tatango tango kong sagot sa kanya. Mabilis akong nag ligpit at ganun din sya. Nang masigurado kong ayos na ay sinulyapan ko na sya. Parang inip na inip ang itsura nyang naka tingin sa akin.

"Ano na? Papatayin mo ba ko sa gutom?" Natatawa akong lumapit sa kanya.

"Let's go" aya ko sa kanya.

Pag labas ng pinto ay parang naging hudyat sa mga kaibigan ni Calix. Agad ay nag tayuan sila. Pero inagapan ko agad ang pag lapit nila sa amin.

"We're off to a lunch meeting with some investors, pwede bang sakin na lang sumama ang sekretarya ko?" Deretsong sabi ko, walang kahit anong pagkikitaan ng pag sisinungaling sa muka ko.

Nag tinginan silang sabay sabay kay Chalk. Parang nanghihinayang pa sila.

"Chaaaaaaaalk~" malungkot na tawag pa sa kanya ni Mr. Clarkson.

Ngunit di yun umubra, "May kakausapin kase kaming mga importanteng tao." Sabi nya "sige na, mamayang coffee break na lang tayo mag kita" dagdag nya pa ng mapansin na lumaylay ang balikat ng lahat.

"Sigeeee" mahabang sagot naman nila kay Chalk.

Nag tanguan lang kami bago lumakad palapit sa elevator. Nang mag bukas ito ay lumingon pa si Chalk sa kanila bago pumasok. Nakatingin lang ako sa kanya. Sya na ang pumindot ng G sa elevator buttons, ni hindi ako ni lingon.

"Mali naman e." Sabi ko at pinindot ang P1 "Sa parking tayo." Dagdag ko pa, pero di sya nag salita.

Muli ay kinuha nya ang headset nya at sinalampak na lang basta sa tenga nya.

Bumukas ang elevator, nauna syang lumabas. Pero tumigil din sya agad. Nakaka apat na hakbang pa lang sya mula sa pinto ng elevator. Nang sundan ko sya ay nakita ko ang dahilan ng pagtigil nya. Nayukom ko ang kamao ko.

F*ck it!!!

Sa di kalayuan naka park ang kotse ni Calix, kasama nya sa loob ang isang babae.

Nag hahalikan

Galit na tinakpan ko ang mata ni Chalk. Nalaglag nama ang headset nya. Nasa likod nya ako.

"Kung masakit, wag mong tingnan." Napa buntong hininga na lang ako ng maramdaman ko sa kamay ko ang namamasa nyang mata. Kinabig ko sya at inalalayan palakad habang naka takip pa din ang kamay ko sa kanyang mata.

Kamalas malasan na kaylangan namin dumaan sa harap ng kotse ni Calix. Pero di manlang sila natinag. Gusto ko sanang kalampagin ang hood ng kotse nya at isigaw sa kanya na Gago! Eto asawa mo oh! Kaso naramdaman ko ang mahigpit na pag kapit ni Chalk sa laylayan ng coat ko.

Pag tapat namin sa harap ng sasakyan ko ay kinuha ko agad ang susi sa bulsa ko, pinindot ko ang unlock bago hinatid si Chalk sa passenger seat. Bahagya akong yumuko ng maka upo sya at tanggalin ko ang kamay sa mga mata nya. Hindi sya maka tingin sa'kin. Muli ay dumukot ako sa bulsa ko, inabot sa kanya ang panyo ko.

"Wag kang titingin" mali man, napangiti ako ng para syang bata na nag pupunas ng luha habang tumatango sa sinabi ko. Hinawakan ko sya sa ulo bago ginulo ang buhok. Galit na tumingin sya sakin. At dun natawa na talaga ako.

"Hahahahahahaha" tawa ko pa habang umiikot papunta sa driver seat. Di naman nya inalis sakin ang tingin.

Sobrang sama na tingin nya! Hahahahahahahahaha

"Where do you want to eat?" Tatawa tawa ko pa din na tanong.

"Balaka buhay mo!" Sigaw nya sakin bago ako siniringan.

"Okay. Okay. Calm down." Naka taas ang dalawang kamay na sabi ko. Ini-start ko na ang sasakyan bago ko paandarin ay kinulbit ko sya.

"Ano!!?" Pasigaw pa ding tanong nya. Tinuro ko naman ang seat belt.

"Di mo naman ako itatalsik e" sabi pa nya. Napangiti nanaman tuloy ako.

"Syempre naman. Sana lang magustuhan mo ang pagkain sa pag dadalhan ko sayo." Yun lang at pinaandar ko na ang sasakyan. Nang tuluyan kaming naka alis sa pwesto ay tumingin ako sa side mirror. Ang tumatakbong Calix at mga kaibigan nya ang nakita ko. Malayo layo pa sila sa amin. Sinulyapan ko si Chalk pero pikit sya at sa akin naka harap ang muka.

Hindi ako tumigil. Kasalanan mo kung bat umiiyak ang asawa mo.

Balaka jan!


A/N: Oh! Wag kabahan. HAHAHAHAHAHA sorry na agad dahil di ko natupad ang every night na update. Nag loloko ang cp ko. Mianhe~ BTW abangan ang continuation!!!! Thankyou sa mga nag babasa pa din! Love you allss!! (^^)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Boss My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon