chptr .11

8.3K 183 19
                                    

Kiel Matthew Clarkson at the Media~

Nang matapos ako sa meat section binalikan ko na ang mga itlog. Wala ng beef. Huhuhu no choice tuloy ako kaya pork na lang nakuha ko.

"What the!" Gulat na sabi ko nung makita ko sila sa may counter at mukang ako na lang ang hinihintay. "Ano yan?!"

"Ahm snack?" Hindi siguradong sagot ni Kiel.

Sinamaan ko sya ng tingin. "Alam ko! Pero ang dami naman nyan."

"Edi snacksss! Hehehe" pilosopong sagot naman ni Austin. Pasaway talaga!

"Edi kayo mag babayad nyan!" Sagot ko na lang.

"Kahit isama mo pa yung sayo!" Mayabang na sabi ni Z. "Kayang kaya bayaran ni Clarkson yan!" Sabi nya at nag apir sila ni Austin.

"Nakng! Bat ako nanaman?" Nanlulumong tanong ni Kiel.

Nagkibit balikat lang ang dalawa. Mga walangya. Hahaha. Tumingin sya sakin at nag puppy eyes. Eww!

"Wag mo nga kong tingnan ng ganyan! Nakakatakot!" Singhal ko sa kanya. Umakting naman sya na parang nashock.

"Ganun ba kasama ang muka ko Chalk?!" Nanlalaking mata na tanong nya.

"OO!" Sabay sabay na sigaw namin tatlo sa kanya.

Pinaikot nya ang mata nya. "Oo na, oo na! Ako na bahala dito. Sa Watson na lang tayo mag kita kita." Sabi pa nya at nag shoo shoo sign.

"Kayss" sagot ko bago kami nagsilakad. Pero napatigil ako sa may exit. Si koyang mang aagaw ng ground beef, may kasamang magandang chick. Mukang naiinis yung babae. Lola pala ha. Lagot ka sakin!

Pasimple akong sumulyap sa dalawang itlog na medyo malayo na sakin. Lumapit ako Kay koyang kumuha ng ground beef ko.

"Bat kase beef yan! I told you, ground pork ang kunin mo!" Inis na sabi nung girl sa kanya. Ha! Buti nga.

"Please Tyrelle, baby. Ito na lang and gamitin mo. I have meetings to attend. The board is waiting for me." Masuyong sagot naman ni koya.

"Chalk?" Patanong na tawag sakin in Kiel. Humarap naman ako. "Hala. Asan yung dalawa?"

"Shh. Akin na yung ground pork ko!" Pambabaliwala ko sa tanong nya. Agad naman nyang kinalkal yung dala nya. "Here. Ano gagawin mo jn?"

Hindi ko na sya pinansin pero alam kong nasa likod ko lang sya. Lumapit akong muli sa dalawa at kinulbit si koya.

Gulat na tumingin sya sakin. "Miss ground beef!"

Umikot ang mata ko bago itinapat sa muka nya yung hawak ko. "Palit tayo Mr ground beef stealer!"

"Wait!" Gumitna yung chick nya. "Who are you?" Mataray nyang tanong sakin.

"Sakin ang ground beef na yan." Turo ko sa supot na hawak nung lalaki. "Ground pork ang nabili ko kase wala ng beef. Last na yang inagaw mo! Kaya palit na tayo." Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya.

"Omg! Did my kuya do that?" Tanong sakin nung girl. Kuya? Hmm

Tumango lang ako. Lumapit naman si Mr GBS (ground beef stealer) at iniabot sa akin ang supot. Kunot noo na nakatingin sya sa akin.

"Thank you po." Nakangiting sabi nung Babae. Sa tinging ko mas matanda ako sa kanya ng two years. "I'm Tyrelle Smith at this is my kuya, Timothy Smith."

"Chalk Salazar." Sabi ko naman kay Tyrelle. Bumaling ako sa kuya nya at ngumisi. "Lola pala ha. Pft" nakita kong pinanliitan nya ko ng mata.

"Com'on Chalk Tara na." Agaw ni Kiel sa atensyon namin. Tumango ako bago humarap kay Tyrelle.

My Boss My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon