Jhyliane Scott with Yvo Calix Fortalejo at the media..
Continuation...
Nabalik ako sa reyalidad ng mag salita si mang Junpyo.
"Nako ijo, Mang Junpyo na lamang ang itawag mo sa akin. Tutal ay asawa ka naman pala ng batang ito kaya discounted na yang mga nakain ninyo." Mahaba at nakangiting sabi nito kay Calix pero umiling sya sa matanda. Binunot niya ang kanyang wallet ang nag labas ng Two Thousand Pesos.
"Eto po mang Junpyo. Keep the change po." Ngumiti sya sa matanda at sya mismo ang nag lagay sa palad ni Mang Junpyo ng pera. Tuwang tuwa naman ang huli.
"Maraming salamat ijo. Makakauwe ako ng maaga nito, makakasabay kong mag hapunan ang aking apo. Salamat." Sa tuwa ay naluluha si Mang Junpyo. Si Reese, ang 12 taong gulang na babaeng apo nya. Isa sa mga dahilan kaya tinitiis ko na tropahin ang mga uwak dito sa lugar namin, para makarami ng benta at makauwi ng maaga ang matanda. Ulila na si Reese at si Mang Junpyo na lang ang pamilya nito kaya ibinigay ng pinag iwanan ng mga magulang ni Reese ang bata sa matanda.
"Kamusta si Reese Mang Junpyo?" tanong ko ng maalala ko ang bata.
"Idol ka pa din hanggang ngayon." tumawa ito. "Minsan ay isinasama ko sya kaya nag tatampo sa iyo ang isang yuon. Nakalimutan mo na daw sya."
Nagulat ako. "Isinasama nyo po si Reese dito?"
Nalungkot bigla ang matanda. "Kagaya ng sabi ko idol ka niya. May umaway sa kanya sa paaralan at lumaban sya. Bully daw ang tawag sa kumorsunada sa apo ko sabi ng guro nito." pag kekwento ni mang Junpyo. "Ilang beses nangyare iyun kaya tinangal sya sa paaralang yun. Wala akong sinisisi sa nangyare, dahil alam kong mangyayare iyon sapagkat mahirap lang kami at mayayaman naman ang natapatan ng apo ko."
"Hayaan nyo po. Gagawan ko ng paraan ang pag aaral ng apo nyo." Biglang singit naman ni Calix.
"Naku ijo, ayos lang. Nakakahiya naman sa inyong mag asawa kung ang aking apo ay kakargohin nyo pa." sagot sa kanya ni Mang Junpyo.
"May School po akong pag mamay-ari. Sa tingin ko ay magiging maganda ang future ang apo nyo lalo na't idol pa nya ang asawa ko."
Asawa ko..
Asawa ko..
Asawa ko..
Asawa ko..
Parang sirang plaka na nag paulit ulit iyon sa ulo ko. Huhuhu! Tamana. Kenekeleg eke. Hehe!
"Kung ganuon ay matutuwa ang batang iyon. Napakaraming salamat ijo." hinawaka ni Mang Junpyo si Calix sa kamay nito at naluha naman ang matanda. "Matutupad na ang pangarap niyang maging isang Doktora"
Napangiti ako. Yun din ang pangarap ko dati nung nabubuhay pa sina mama at papa.
"Paano po Mang Junpyo. Uuna na po kami, may pupuntahan pa kase kami ng asawa ko." Pinanlakihan ko sya ng mata. Kaylangan paulit ulit? Lokong to! Sa inis ko dahil tinawanan nya lang ako ay umuna na ako sa sasakyan na malayo layo sa bike ni Mang Junpyo. Kitang kita ko kung paano naging seryoso ang muka ni Calix bago tumango sa matanda. May iniabot din itong kung ano sa matanda.
"Oh sya mag iingat kayong dalawa. Paalam ija!" bahagyang sigaw ng matanda at kumaway. Kinawayan ko din ito at nginitian.
"Bibisitahin ko po kayo pag wala akong gawain" huling sabi ko bago paandarin ni Calix ang sasakyan.
"Mall tayo." sabi naman ni Calix kaya tumango na lang ako nang may maalala ako.
"Ano yung binigay mo kay Mang Junpyo?"
BINABASA MO ANG
My Boss My Husband
Misteri / ThrillerI'm Jeanne Chalk Salazar. Ulila at mag isa na lang sa buong universe. Until i meet this guy na nasobrahan ata sa oxygen at nasa stage na ng menopousal. He's Yvo Calix Fortalejo. -.- ~°~°~°~°~ Kausap ko lang kanina yung ka workmate ko ng bigla akong...