chptr. 21

1K 16 3
                                    

Chalk's POV

Thiz iz it panzit!

Pag checheer ko sa sarili ko. Haaaaay! Nandito na ko sa table ko. Sa sulok. Ayokong maging pansinin ako ng tao. At mali ang iniisip nyo, hindi ko hinintay ang itlog na yun. Bahala sya sa buhay nya. Masyado syang magulo. Mag po-focus muna ako dito sa trabaho kuno ko. Sino kayang Boss baby ko dito? Hmmm.

Bumukas ang pinto. Agad akong napatayo.

At gusto ko na lang ulit maupo. Nanlalaki ang matang naka tingin sakin ang Boss baby na tinutukoy ko.

Psh!!

"A-a-anong ginagawa mo dito?" Tanong nya nang maka bawi sya sa pagka bigla. Kahit naman ako nagulat.

"Mag tatrabaho, ikaw ba ano ginagawa mo dito.... Kulugo?" Tanong ko habang sinusuri ko sya. Pogi din. Maputi. Naka maroon na suit at white na tie. Bagay na bagay. Lihim akong napangiti.

"Teka! teka!" Dali dali syang lumapit sa intercom

"Please connect me to Mr Fortalejo" aniya

*BEEP*

"Mr Smith?" Plain na sabi ni Calix. Psh

"Ahh, Yes! About the girl here in my office" sumulyap sya sakin. "Is she my new secretary?" Muling pag tutuloy nya sa sasabihin.

Tumikhim muna si Calix bago sya nag salita.
"Yes. She's..." Naputol ang sasabihin nya ng banggitin ng Kulugo ang pangalan ko.

"Chalk Salazar" sabay ngiti sakin, agad ko naman syang binelatan. Natawa sya.

"You know her?" Naguguluhang tanong naman nang isa.

"Ofcourse, my date yesterday!" Masiglang sagot naman ni Timothy "By the way. I'll hang up na bro. Masayang magtrabaho ngayon" huling sabi nya bago bitawan ang push button sa intercom.

Hin.di.a.ko.ma.ka.hi.nga

Did he just say MY DATE? Omo! Lagot akooooooo!

"Okay! Don't worry, hindi ka mahihirapan sa mga ipapagawa ko." Sabi nya sabay smile.

Sana all nakaka smile!

Tumango lang ako bago dumukdok sa table. Naaamoy ko ang lupa, kung saan ililibing ako ng buhay ng asawa kong magulo pa sa bul***. Ops! Hindi pwedeng ituloy. Baka ma-ban ang account ng dyosang author natin.

Hindi pa ako nag tatagal sa tayo ko ay may nag bukas nanaman ng pinto. Pag tunghay ko ay alam ko nang yun ang katapusan ko. Bye bye earth. Bye bye Philippines. Bye bye wolrd. Welcome to Saint Peter's Funeral. Huhuhuhu

"She's not Chalk SALAZAR" pag didiin nya sa apelyido ng tatay ko. "She is my wife, Jeanne Chalk Fortalejo, and don't you dare do that date again!" Habang sinasabi nya yung last sentence, sakin sya naka tingin. Jusko!

Lumingon si Timothy sakin, gulong gulo ang muka nya.
" Ano?"

"Ugh! Kakainis kang itlog ka!" Bulyaw ko sa kanya bago ginulo ang sariling buhok!

"Don't tell to others, i have my ways for introducing my wife to them." Yun lang ang sinabi nya bago sumulyap sakin at lumabas na.

"Ano?" Tanong ulit ni Timothy

Tiningnan ko sya ng seryoso. "Baliw yung lalaking yun, may sakit sa utak. Takas sya sa mental. Wag kang maniniwala" sabi ko bago dumukdok ulit.

Narinig ko ang buntong hininga nya. Ang baho ha.

"Totoo ba?" May bahid ng pait na tanong nya.

"May mababago ba kung itatanggi ko?" Balik tanong ko sa kanya. Tumingin ako sa kanya na naka tingin din sakin. "Pag chismisan natin ang pangyayare" at sumenyas pa ako sa kanya na lumapit sya. Agad naman nyang hinila palapit sakin ang office chair nya.

Haaaaaaay!

At dun nag simula ang chismisan namin. Chismoso din sya gaya ng mga itlog. Pwede sila mag sama sama. Siguradong madami silang malilikom na chismis.


Haaaays. Pabiro biro lang ako pero naiiyak na ko. Ano ba Calix, sabi mo wag sasabihin sa trabaho ang tungkol sakin. Tapos ngayon ikaw pa ang mag kakalat. Pinahihirapan mo ko ng sobra nito e.




A/N: Sana magustuhan nyo at pag tyagaan ang update ko every night. Yun lang free time ko, pagka labas ng work e. Salamat sa mga nag aadd ng story ko sa library nila. Abangres mag ingaaaaaay! Hahahahaha

My Boss My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon