Austin Kiefer Ferrer at the Media.
Nang marating namin ang bahay lutang ako. Literal na lutang, dinambahan ko kase si Kiel sa likod at inutusang buhatin ako mula gate hanggang kusina at bitbit nya yung groceries. Gabi na kami naka uwe dahil niyaya nila kong mag lakad lakad. Tuwang tuwa naman ang dalawa kase si Kiel ang trip ko.
Flashback~
Naka harap ako sa kanila at pilit ang ngiti, kumunot ang noo ko ng mag tinginan silang tatlo at ngiting ngiti na tinulak ako papasok ng van.
"Hoy! Bat ganyan ngitian nyo ha?!" Bulyaw ko sa kanila.
Natatawang ini'start ni Z ang sasakyan. "Diyan lang babaeng Fort. Mag lalakad lakad tayo." Sabi pa nya habang sinisipat ako sa rear view mirror.
"Masaya to!" Sabad naman ni Kiefer at nag apir sila ni Kiel.
Tumingin ako sa kanilang tatlo, nasa dulo ako ng sasakyan habang si Kiefer ay nasa shotgun seat at sa likod nila si Kiel. Ayokong tumabi kay Kiel kase kukulitin nya lang ako.
"Sinasabi ko sa inyo mga itlog kayo! Pag puro kalokohan lang to, ipapa'rape ko kayo sa mga bakla sa kanto namin!" Pambabanta ko sa kanila at nag thumbs up pa silang tatlo.
Flashback ends~
Tawanan lang kami ng tawanan at nang makapasok sa kusina ay natigilan kami. Jhyliane is there with Calix, eating while laughing. Natigilan din sila nang makita kami. Tumalim ang tingin ni Calix nang mapansin nyang naka piggy back ako kay Kiel, dahan dahan akong bumitaw sa pagkakasakal kay Kiel bago bumaba.
Tumindig si Calix bago galit na tumingin sa akin. "What the hell! Jeanne!" ramdam ko ang galit nya kaya napatungo ako. Not now, nandito pa si barbie.
"A-ahm boss--" hindi na naituloy ni Kiefer ang sasabihin nya ng lumapit ang boss nya kay Kiel at kinwelyuhan ito. Cool na cool na itinaas ni Kiel ang dalawang kamay nya na parang sumusuko.
"Papatayin na nga ako ni Chalk sa pag kakasakal kanina tapos ngayun magugulpi pa ko. Nice nice!" Natatawang sabi nito.
"Did you like Jeanne?" Matigas na tanong nito kay Kiel.
Mabilis na pag iling ang pinakawalan ni Kiel bago humalakhak. Nabitawan sya ni Calix. "Hahahahahahaha! LT ka boss. Hindi ko sya type." tumatawa pa sya habang itinuturo ako. Buset to!
"As if naman type kitang itlog ka!" nag bleeh pa ko sa kanya at sabay kaming natawa.
"Enough!" Instant tumigil naman kami. "Go to your room. Its already 10 o'clock. Sleep now." May otoridad na utos nya. Napa rolled eyes n lang ako at humarap sa mga itlog.
"Bye bye eggnogs! Bukas ulit." Kumaway ako at nag simula nang umakyat ng hagdan. Kumayaw din sila.
"You can go home Jhyl." huling narinig kong sabi ni Calix. 10 o'clock na pero nadito pa sya! Tss.
~•~•~•~
Matapos kong mag half bath umupo muna ko sa balcony ng kwarto ko at dun nag suklay habang nakatingin sa langit.
Ang daming stars..
Haaay. Namimiss ko na sina mama at papa. Napa ngiti ako ng mamataan ko ang pinaka maliwanag na star.
"Hi ma, hi pa." medyo kumaway pa ko. "May asawa na po ang dalaga nyo. Gwapo po sya pero masungit at moody, ubod ng yaman at.. unfair" naluha ako. "Siguro kung nandito pa po kayo ginera nyo na sya. Hahaha! Ayy! Yvo Calix nga po pala ang pangalan nya mama, papa. Namimiss ko na po kayo, Alam kong masaya at tinatanaw nyo ako mula jn. Masaya din ako para sa inyo. Mahal na mahal ko po kayo." pinunasan ko ang mga takas na luha sa pisngi ko. "Masama po ba ang mag mahal kahit sa madaling panahon pa lang ng pag sasama? Gusto ko na po sya. Mali... Mahal ko na sya." tuluyan na kong naiyak. Nahulog ako sa mga action na pinapakita nya, yung pag aalala, pag susumamo at pag susungit nya. Yung pangakong binitawan nya nuong sana mansyon kami nina mommy.
"Like what i told you earlier, Just let me do this to you. I want to do the things that makes you happy."
Happy nga ba tong nangyayari samin?
I'm hurt..
"Sorry mama, papa umiiyak ang prinsesa nyo. Hehe." muli akong tumingala. "Pwede nyo po bang multuhin si barbie este Jhyliane? Ayoko sa kanya. Sinasaktan nya lang si Calix!" naka ngusong sumbong ko. "Alam nyo po ba na nangako sya sa akin na magiging okay and relationship naming for 3months dahil gagawin nya lahat maging masaya lang kami." napangiti naman ako ng pilit. "Pero bumalik sya. Kinukuha ang dapat ay sa kanya. At eto ako, nganga! Audience lang kapag may eksena sila. Haaaays." umihip ang malamig na hangin. "Sige na po mama, papa tutulog na ang prinsesa baka pumangit pa." Natatawa kong sabi bago Tumitig lang saglit sa bituin at bigla itong kuminang.
Naririnig nila ko.
Tumayo na ko at pumasok sa loob. siniguradong sarado ang sliding door ng balkonahe bago tumungo sa aking kama. Nilapag ko ang hair brush bago nahiga. Sana bukas maganda ang araw. *smile*
"Goodnight Calix." nausal ko bago tuluyang maka tulog.
Calix POV...
Nahiga ako sa aking kama pagkapasok ko ng kwarto. Napa isip ako sa mga narinig ko.
Kakatok na sana ako ng mapansin kong naka awang ang pinto ng kwarto ni Jeanne kaya binuksan ko pa ito ng bahagya. Nasa balcony sya. At narinig ko lahat.
Mahal nya ako...
Napangiti ako sa naisip ko. Mahal nya daw ako at sinabi nya yun sa parents nya. Oh god! Nakakaramdam ako ng saya. Bahagya akong natawa nang maalala na ayaw nya kay Jhyl kaya hinihiling niyang multihin ito ng mama at papa nya.
Si Jhyl..
Napawi ang ngiti ko. Hindi ko sya pwedeng iwanan. Kaylangan nya ko, lalo na ngayun matindi ang pinag dadaanan nya.
"Babawi na lang ako sa baliw na babaeng yun." ngiting ngiti na usal ko. "Maganda ang magiging araw bukas." sabi ko pa at pumikit na. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
A/N: Diz iz it mga besh. May draft na ko para sa next chappy kaya mapa pub. ko na din sya anytime. Waiting waiting muna tayo ha. Hectic sched ng baliw ee. Hahahaha! Anyway, kamusta si Bebe Kang Min Hyuk as Kiel at Babe Song Joong Ki as Kiefer? Any suggestions or violent reaction? Comment lang mga besh. Mag vote na din kayo. Hehehe!
-AuthorDyosangTalaga
BINABASA MO ANG
My Boss My Husband
Mystery / ThrillerI'm Jeanne Chalk Salazar. Ulila at mag isa na lang sa buong universe. Until i meet this guy na nasobrahan ata sa oxygen at nasa stage na ng menopousal. He's Yvo Calix Fortalejo. -.- ~°~°~°~°~ Kausap ko lang kanina yung ka workmate ko ng bigla akong...