Chapter Seven: No Connections

122 1 0
                                    

Alyssa's POV

Pagkatapos nung nangyari, hindi na siya nagparamdam. Ano na naman bang problema niya?!

1 week straight. Di kami nag-usap. Kahit chat, message, call, or whatever, WALA.

Kanina, pinuntahan niya ko sa room at inaya na naman ako ni kuya Adrian. Ililibre niya daw ako sa cafeteria. Masaya naman akong sumama, kasi ililibre niya ko ng ice cream. Natuwa naman ako dun. At least, alam ko na meron akong kaibigan na handa akong damayan.

Pagturn namin sa corner, makakasalubong namin siya. Sht, ano nang gagawin ko? Gusto kong magsorry, kahit hindi ko alam yung kasalanan ko. Gusto ko siyang kausapin, pero di ko alam kung paano...

I tried to smile at him, pero umiwas siya ng tingin at lumiko sa ibang daan. Halatang iniiwasan ako.

Nahihirapan na ako. Lord, tulungan mo naman ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

~~~~~~

Jiro's POV

Hindi kami nagpansinan ng one week. Alam ko sa sarili ko na hindi ko kakayanin yun. Pero ginawa ko pa din. Ako naman yung umiiwas eh, ako yung nag-initiate na iwasan siya. Mataas pride ko eh. Ako yung may desisyon nito, papanindigan ko.

Sa totoo lang, namimiss ko na siya.

Halata naman na gusto ko siya diba? Sa mga kilos ko nga, parang boyfriend niya na ako eh. Kung makapagselos ako, akala mo akin siya.

Kailan ko kaya siya matatawag na akin?

Kanina lang, magkakasalubong na naman kami sa corridor.... kasama na naman niya si Adrian. Aba, napapadalas na yata ang pagsasama nila ah?! Di ko na alam ang gagawin ko. Nataranta ako, kaya lumiko na lang ako at umiwas. Dun ko lang narealize na mali yung ginawa ko.

Dapat ba pinansin ko siya?

Kaya ko lang naman siya hindi pinapansin kasi nagseselos ako. Nakakapangselos na yung ginagawa niya. Hindi ko na kinaya. Kahit hindi niya ako boyfriend, bakit ganun na lang yung nararamdaman ko?

Nahihiya naman akong magconfess, kasi... torpe ako.

Kelan ko mapapatunayan na mahal ko siya?

_______________________________________________________________

A/N: Salamat nga pala sa mga nagbabasa. :"> Sorry kung maikling update lang po to. Pero babawi ako sa mga next chapter. :D

Please comment po kayo, kasi tumataas yung confidence ko at nagkakaroon ako ng inspirasyon para ipagpatuloy tong ginagawa ko. Massive thank you!  :)

- Alyssa. <3

The Lost Relationship --- Ch.24Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon