Sabado..
Nagulat ako ng bumungad si Jiro sa pinto pagkabukas ko. Eh kasi naman, kakagising ko lang, di pa ko nag-aalmusal, gulo gulo pa buhok ko, at baka may panis na laway pa sa mukha ko.
Bigla kong nasara yung pinto. Sinuklay ko muna yung buhok ko gamit yung daliri ko tapos nagpunas ng mukha.
Nasabi ko na bang, ugali niya ng pumupunta dito ng bahay tuwing weekends? Kahit di ko pinagbubuksan pinapapasok ni manang. Buti na lang wala yung parents ko dito sa bahay. Si mommy kasi nasa Hong Kong, nagbabakasyon lang. Tapos si dad naman nasa Europe para sa business. Tapos ako nasa Pilipinas, loner. Astig no? Hiwa-hiwalay kaming tatlo. Kasama ko lang sa bahay si manang tsaka yung apo niyang 5 years old na si Rue.
Kulang na lang dito siya tumira. Napakafeel at home sa bahay namin.
"Oh anong ginagawa mo dito?"
"Wala. Tatambay lang. Bat parang binagyo yang itsura mo?" tapos diretso siya dun sa kwarto ko. Bahay niya to bahay niya?
"Kakagising ko lang eh."
Naupo na lang ako sa harap ng computer habang siya nakatunganga lang at nakaupo sa kama. Haayy, it was another lazy day.
"Wala kang ginagawa dito sa bahay niyo kundi magcomputer lang?"
"Oo. Bakit?" hindi ko siya nililingon kasi nagbabasa ako sa wattpad.
"Hoy san ka pupunta!" sabi ko. narinig ko kasing tumayo siya tapos papalabas ng kwarto kaya hininto ko muna yung pagbabasa ko.
"Saglit lang! Uwi lang ako sandali, may gagawin lang."
"Kadadating mo lang, aalis ka agad?" minsan talaga di ko to maintindihan kung may sayad to.
"Basta! Dyan ka lang ha, wag kang aalis sa computer mo! Babalik din ako." dali-dali siyang bumaba ng hagdanan. Nagkibit balikat na lang ako tapos pinagpatuloy yung pagbabasa ko.
Maya maya may nagpop-out na message sa FB. Dakilang istorbo naman to.
[Jiro Jefferson Malit] Psst. Anong ginagawa mo dyan?
[Alyssa Corpuz] Nagbabasa. Teka, bakit nakaonline ka na? Walangya ka, tagal mong bumalik ah.
[Jiro] Eh basta. Anong binabasa mo?
[Alyssa] Basta. Wala ka na dun. Bumalik ka na nga dito sabi mo sandali ka lang eh.
[Jiro] Tss. Boring naman kapag nagbabasa ka. Baduy mo. :P
[Alyssa] Korni ka naman.
[Jiro] Sabi ko nga. Kelan ba ako nanalo sayo?
[Alyssa] Hahahaha! Bleh!
[Jiro] Papunta na ako dyan. Magready ka na.
<Jiro is offline>
BINABASA MO ANG
The Lost Relationship --- Ch.24
RomanceSimpleng love story. Girl meets boy, they fall for each other. Pero magiging masaya kaya sila sa huli? Judge them as they face the challenges of a perfectly imperfect relationship.