Chapter Eleven: Sorry

113 1 0
                                    

Jiro's POV

May isa pa. Kailangan ko ng isa pang chance. Kailangan na kaming magka-usap. Handa na ako... Handa na akong sabihin lahat sa kanya..

*Kinabukasan* 

"Class, I have an important announcement. This coming Friday, there will be another field trip for the students. Hindi naman ito required pero bibigyan ko ng insentives yung mga sasama ng tour kaya sumama na kayo. Ididistribute na lang sa inyo ni Mr. Marquez yung mga excuse letters. Sige goodbye class, see you next week." sabi nung adviser namin.

"Ma'am may time pa naman po eh." panira naman yung nagsabi nun! Paalis na nga eh!

"You can use my free time to do your other projects, then." Yun naman eh. Kaya favorite ko tong teacher eh. >:)

Tinitignan ko yung mga pupuntahan namin. MoA, Star City, blahblah. Di ko alam kung san yung iba. Mukhang nakakabored yung mga pupuntahan namin. Wag na lang kaya akong sumama? Pero sayang din. Sama na nga rin ako. Kung sasama si Alyssa, sama na rin ako. Kasi ma---

FLOURESCENT LAMP! Nakaisip ako ng plano. Eto na yung chance ko at kukunin ko na yun. 

Habang nagkaklase, di na ko makapaghintay sa Friday. Naeexcite na ako. Di bale, isang araw na lang naman eh.

Ngayong uwian, hindi ko pa siya nakikita buong araw. Absent kaya yun? Baka nga. 

Makauwi na nga. Bahala na sa Friday. Kailangang magwork ang plano ko, pero siyempre kailangan ko ng tulong.

*later that night*

Simula kanina palagi na lang yun yung iniisip ko. WTH! Di ako mapakali dito sa higaan ko, natetense ako masyado. Maghahanda na ako. Sagot lang naman yung kailangan ko sa kanya at magiging okay na ang lahat.

~~~~~~

Alyssa's POV

Hay grabe! Nakakapagod tong buong week na to. Angdaming projects na pinapagawa, lahat yata ng subjects meron. Kung kelan naman ang sarap matulog kasi tag-ulan dun pa bumagyo ng sandamukal na pinapagawa tong mga lintik na teachers na to! Pero buti na lang at tapos ko na lahat, tapos parteh hard na sa Friday kasi may field trip! Horaaay!

At ayun na nga, dumating na ang araw ng pagpapakasaya. Gumising pa ako ng maaga para maghanda ng mga dadalhin ko. Kinaladkad ko pa si mama sa ganung oras para lang pumunta ng mini stop at bumili ng pagkain. Siyempre, baka gutumin ako sa bus. Mahirap na. HAHAHHA K.

Nung nasa meeting place na kami, nakita ko si Jane. Sinunggaban ko agad siya ng yakap. Namimiss ko na tong aking mahal na kaibigang echusera.

"JAAAAANE! MISS NA MISS NA KITA! >:D<

"MISS NA RIN KITA! YIEE!"

The Lost Relationship --- Ch.24Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon