Several days later..
Alyssa’s POV
“Meet me at the plaza. 6pm.”
Ano na naman kaya kailangan nito? Ohwell, makapagbihis na nga. Magsisix na kaya naman nagbihis na ako agad kasi cute ako.
***
Jiro’s POV
Tinext ko si Alyssa para makapagkita kami. May gusto sana akong sabihin sa kanya. Wala lang, gusto ko lang makipagkita.
Nakita ko yung secretary ni dad pagkalabas ko ng apartment ko.
“Ano na naman?”
“Please get in the car first. We will explain everything to you later.”
“Ipinagutos na naman ba niya ‘to? Hindi ako sasama.”
“I’m sorry Young Master. Pero kailangan mo talagang sumama sa amin, sa ayaw at sa gusto mo.”
“No.”
“Kung kailangan naming gumamit ng pwersa, gagamitan naming kayo. Pasensya na ho Young Master.”
Dahil tinatamad daw magtype ang author, explain niya na lang. In the end napasama si Jiro dun sa mga men in black slash bodyguards na mukhang model n Tanduay.
Itinapon ako sa loob ng sasakyan na parang pusang kinidnap sa daan. Sinusubukan kong buksan yung pinto na nasa side ko pero nakalock. Nagstart na yung engine ng kotse, pero hindi pa din ko makalabas.
Alam ko naman na kung saan kami papunta. Ilang taon ko ng tinatakbuhan yung mga bodyguards na ‘to.
Tumigil kami sa tapat ng airport.
“Ginagawa ito ng papa mo para maprotektahan ka.” Pambungad nung secretary.
“Hindi niya ako pinoprotektahan. He wants me to be away para hindi na ako makagulo. Tch. Ang bobo ko naman para hindi magets yun?” padabog akong bumaba para pumasok sa loob ng airport.
***
Nakaupo ako dito ngayon sa waiting seats at kasama ko ngayon ‘tong mga bodyguards. As in nasa pagitan ako ng mga bodyguards na halos hindi kumurap para lang hindi ako makatakas. >_> =_= <_<
“Everything is set,” dumating na yung secretary, dala-dala yung passport ko.
“Saang planeta ba ako ipapatapon?”
“United States. Canada, Vancouver. Nakahanap na kami ng Filipino School na papasukan mo. Don’t worry, may escort ka pagkadating mo doon.”
Naglakad na kami para ihatid ako sa gate 18. Nasa loob na kami ng gate pero hanggang ngayon, hawak hawak pa rin nung dalawang bodyguard yung dalawang braso ko. Kulang na lang pati paa ko buhatin na nila eh. -_-
Paano ba ako makakatakas dito?
Simple lang..
“LOOK! MAY FLYING OCTUPUS!”
Tatanga-tanga yung mga bodyguards, tumingin nga sila. I grab the chance at kumaripas ng takbo.
Tumalon ako mula sa kabilang side ng gate patungo sa kabilang side. Pagkalingon ko, binehlatan ko yung mga men in black ni Dad tapos kumaripas ng takbo.
“Ano pang ginagawa niyo?! Habulin niyo! Anak ng! Malilintikan tayo neto!!” sabi nung secretary.
“Young Master hindi ka pwedeng umalis!”
![](https://img.wattpad.com/cover/1020242-288-k504683.jpg)
BINABASA MO ANG
The Lost Relationship --- Ch.24
RomanceSimpleng love story. Girl meets boy, they fall for each other. Pero magiging masaya kaya sila sa huli? Judge them as they face the challenges of a perfectly imperfect relationship.