Aly's Note: Sura ng author. She can't keep promises. I'm sorry in advance. :(
_______________________________________________________________________
Monday na namaaaaannn! =______=
Hinigit ko kaagad si Jane pagkapasok ko pa lang ng classroom dahil feeling ko ang tagal naming hindi nagkita. Or baka madami lang nangyari nung weekend?
Habang vacant namin, nakatunganga lang ako sa upuan ko. Wala akong kadaldalan kasi si Jane busy gumagawa ng homework niya na hindi niya nagawa noong weekend. Wala akong kadaldalan. T_T
“ALYSSAAAAA!!! MAY NAGPAPATAWAG SAYOO!!” nagitla ako dahil sa sigaw ni Carlos.
“BWISIT KANG SHOKOY KA. Kung makasigaw wagas.” Di ko kasi namalayan na nakaidlip na pala ako.
“SHOKOY KA DYAN!! Dyosa itey! Kakaimbyerna na ha!”
“Sino ba nagpapatawag sakin?”
“Ewan ko bakla! Di ko kilala. Nandun lang siya sa labas hinihintay ka.”
Pagkalabas ko ng classroom, bumungad agad sakin yung badminton instructor namin. Halaaa. Naalala ko, ngayon nga pala yung badminton training na sinasabi ni Jiro kahapon. Wala pa akong dalang raketa.
“Ah-ah! Hehehe sir! Napadalaw ka?” nagfake smile ako kasi ang sungit sungit ng kalbong instructor na to. Menopause na kasi.
“Sumunod ka sakin. May training na tayo. Inexcuse na kita sa klase mo.” *straight face and a flat tone*
Sumunod na lang ako kasi wala naman akong magagawa. Pupunta ako dun ng walang raketa, parang akong sasabak sa gyera ng walang baril.
Pagkadating ko sa gym ay agad ng pinagpartner yung mga magkakateam. Ako napunta sa singles, tapos si Jiro napunta sa doubles. Kapartner niya yung kaschoolmate ko at ang magiting kong karibal sa court, si Jennica Almaida (nabanggit na po siya sa chapter 1).
Oh well, training lang naman eh. Ma-iiba naman yung partner niya sa totoong laban.
Habang nagpapraktis na yung bawat magkakateam, hindi muna ako nakipagpraktis kasi wala pa yung kapartner ko. Alangan namang magbadminton ako mag-isa. Muntanga lang. =___=
Pansin ko lang ha, bakit sa tuwing titira si Nica ay titingin siya sakin then she smirked. Uh, okay? Anong meron? Weird.
Nagpapractice pa rin sila, habang ako nakatunganga lang. Ang tagal naman kasi ni Justin eh! Mapapatay ko talaga yun pagdating niya. =_=
Dumating na yung break time ng practice, wala pa rin si Justin. Mukha na akong tanga dun.
Lalapitan na sana ako ni Jiro pero bigla na naman siyang tinawag ng kalbo kong instructor. May ididiscuss daw. Discuss niya mukha niya. Leche.
Ayun. Loner na naman ako.
“Pwedeng makiupo?”
“Ha? O-okay.” Gulat ako kasi biglang tumabi si Nica sakin.
Silence.. Awkward..
“Magkaano-ano kayo ni Jiro?” intrigera much?
“Magpinsan.” Siyempre joke lang yan.
“Ahh. Alam mo ba crush ko siya. Wag mong sasabihin sakanya ah kahit pinsan mo siya.” Sabi niya habang kinikilig kilig pa. Ayy? Straight to the point talaga?
BINABASA MO ANG
The Lost Relationship --- Ch.24
RomanceSimpleng love story. Girl meets boy, they fall for each other. Pero magiging masaya kaya sila sa huli? Judge them as they face the challenges of a perfectly imperfect relationship.