Chapter Thirteen: Partners

136 1 0
                                    

Hello durrr. Salamat sa pagbabasa and pagsupport ng story ko! Salamat talaga. Sorry kung matumal yung ibang chapters. Hihi. <3

Oh sino naman tong gwapong nilalang na to?

Loljk. Si Jiro yan. Imaginine niyo na lang gwapo siya. So ano? Pwede na ba yan? >:D<

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------->

_______________________________________________________________________

Time flies when you're happy. Parang ang bilis ng lahat. And then I realized, I was falling...

...falling too fast.

Yung point na gusto mo ng itali sa puno ng balete tong muscle sa dibdib na kung tawagin ay puso para lang di tumibok ng ganito eh!

~~~~~~

Pumunta ako ng faculty para hanapin ang adviser namin kasi pinapapunta ako ng teacher. Tapos, biglang BOOM.

"Ay palaka! Bakit ba bigla ka na lang sumusulpot! Para kang kabute eh!"

"Hee." wow ha. Ang tipid ng sagot. Ang dami kong dinakdak dito tatlong letra lang sasabihin mo.

"Ano bang ginagawa mo?" grabe akong makipag-usap no? Parang ka-year level ko lang. HAHAHA.

"Wala lang. Sinusundan ka. Tara nga caf tayo. Naghahanap lang ako ng kasama eh."

"Saglit lang! Pinapatawag ako eh."

"Bilisan mo! Ang bagal! Tagal naman! Ang kupad ah! Pagong pagong?" susupalpalin ko bunganga nito kapag di pa to tumigil eh.  Dami niyang sinabi. Ilang sentences na yun?

"Heh! Bahala ka nga jan." Pumasok na ko ng faculty.

Wow grabe ha. Ang tagal ko sa loob ng faculty. Dami pa kasing chinika netong adviser na to eh. Tagaaaal. Siguro kung may kape ako kanina pa yun lumamig. Mga ilang minuto ang lumipas lumabas na ko ng faculty. Nakatulog na yata si Jiro sa sobrang tagal ko don. Sabi ko magpapapirma lang ako eh.

"Tagal mo."

"Tara na nga."

Naglakad kami papuntang cafeteria. Ang awkward, kasi sabay kaming naglalakad. At ayoko pa man din nun. Hindi dahil sa pakipot ako, kundi ang dami naming nadadaanang echuserang palaka na kanina pa bulungan ng bulungan. Sarap busakan ng bulak sa bibig.

"Mauna ka kayang lumakad, sunod ako."

"Ehh? Bakit naman?"

"Di ako sanay eh. Naiilang ako."

Nauna nga siyang maglakad, pero binabagalan niya naman kaya nasasabayan niya ko. Bibilisan ko, bibilisan niya rin. Abnormal to eh. Hinayaan ko na lang.

Jiro's POV

Dumating na kami sa caf.

"Oh anong gusto mo?" bait ko ngayon ah? 

"Bakit? Lilibre mo ko?"

"May sinabi ako?"

"Eh bakit mo pa ko kinaladkad papunta dito?"

"Sumama ka kaya."

"Hinintay mo kaya ako!" nagtalo na kami sa harap nung cafeteria staff.

The Lost Relationship --- Ch.24Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon