Alyssa's POV
"Hoy! Ano ba nangyayari sayo at nakatulala ka jan?" natauhan ako at bumalik sa sarili ko nang bigla akong ginulat ni kuya Adrian.
"Ha?..Ehhh...wala naman.. Don't mind me." Sambit ko na lang. Nauutal pa ako. Hindi ko makalimutan yung nangyari kanina.
"Ano na kasi? Sabihin mo na, pag di mo yan sinabi lalo kang malulungkot, bahala ka."
"Hindi. Wala man.."
"Weehh. Hindi ako naniniwala. Sabihin na kasi, okay lang yan. Makikinig ako. At pumili ka na rin ng kakainin nating ice cream, bago pa magbago ang isip ko at hindi kita ilibre, sige ka." ibang klase talaga tong si Adrian.
"Joke lang! Eto na lang. Oh." binigay ko na sa kanya yung Double Dutch na ice cream para bayaran bago pa magbago ang isip niya at hindi niya ako ilibre.
"Takaw neto! Eto pa talagang mahal yung pinili eh!" Kuripot lang?
"Che! Minsan lang to!" pero palagi naman talaga.
Matiwasay kaming kumakain habang kinukwento ko sa kanya yung nangyari. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng kwento ubos na namin yung ice cream. Nung nakwento ko na, napatigil siya bigla. Anong problema neto? Da hell. Parang mas galit pa siya sakin eh. Grabe talaga tong kuya kong to. Parang kapatid na rin kasi ang turingan namin. Kahit sinasabihan niya akong matakaw. >,<
"Huy anyare sayo? Parang mas affected ka pa sakin ah." sabi ko na lang pero nakatitig pa din siya sakin.
WTF?
Tapos bigla siyang tumawa. Da heck. -_- Ano kaya yun. Tinopak na naman amp.
Buti na lang at tinawag ako nung isa kong kaklase sabi may klase na daw. Tsss. Kahit kelan talaga ang bagal ko. Nagpaalam na ako kay kuya Adrian at pumunta na ng classroom.
~~~~~~
Adrian's POV
"Hoy! Ano ba nangyayari sayo at nakatulala ka jan?" eto na naman siya, palaging nakatulala. Kung may contest lang palagi tong nananalo sa blinking contest eh.
"Ha?..Ehhh...wala naman.. Don't mind me." wow english.
"Ano na kasi? Sabihin mo na, pag di mo yan sinabi lalo kang malulungkot, bahala ka." kahit ayaw niya pa din sabihin alam ko may problema siya.
"Hindi. Wala man.." makulit lang?
"Weehh. Hindi ako naniniwala. Sabihin na kasi, okay lang yan. Makikinig ako. At pumili ka na rin ng kakainin nating ice cream, bago pa magbago ang isip ko at hindi kita ilibre, sige ka." tinakot ko pa siya. Ayaw niya kasing sabihin eh.
"Joke lang! Eto na lang. Oh." Ayun! Kailangan ko pa talagang takutin para sabihin eh. Palibhasa kasi libre, eh matakaw yan eh. Haha
"Takaw neto! Eto pa talagang mahal yung pinili eh!" siyempre kuripot ako eh, pero siyempre joke lang.
"Che! Minsan lang to!" anong minsan? Palagi ko kaya siyang nililibre. Hahahahha
Habang kumakain kami kinuwento na niya sakin. As usual, tungkol kay Jiro na naman. Tengene nakakairitable na yang pangalan na yan ah. Nahulog daw yung libro niya dala ng pagkakabangga niya kay Jiro. Tapos habang pinupulot niya yung mga libro, nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad na parang bang walang nangyari. WTF!!! KUNG NANDUN LANG AKO PINAGSASAPAK KO NA YUN EH. HINDI NIYA PWEDENG GANUNIN NA LANG SI ALYSSA! ANONG KARAPATAN NIYA PARA MANGGANUN???
Dinaan ko na lang sa tawa kasi baka mag-alala na naman to. Baka sabihin niya mas affected pa ako kaysa sa kanya. Pero actually sinabi niya talaga yun as expected. Mas ayos ng sabihin niyang tinotopak ako kaysa mag-alala siya.
Istorbo naman tong kaklase niya. Bigla siyang tinawag at sinabing may klase na sila. Ay joke lang pala, klase naman eh kaya ayos lang. Teka, sumosobra na yata ako. Nagiging selfish na yata ako pagdating kay Alyssa. I think I need to loosen a bit.
Naalala ko ulit yung kinuwento ni Alyssa. May kasalanan pa si Jiro sakin at hinding hindi ko yun papalagpasin. Pasensya na, ganito lang talaga ako. Overprotective masyado.Kahit kay Sam, overprotective din ako dun. Dadagukan ko lahat ng mananakit sa kanya.
Bumalik na lang ako ng room, at hinanap ko kaagad si Jiro. Kailangan naming mag-usap. Hindi ko hahayaang gawin niya pa yun. Iritang irita ako ng malaman ko yung kwento niya.
"Pre, pwede ba tayong mag-usap?" kinalabit ko yung balikat ni Jiro.
~~~~~~
Jiro's POV
Tumango lang ako at inexcuse yung sarili ko sa mga kausap ko.
"Anong meron pre?"
"Wala naman. Pinahiya mo lang naman si Alyssa pare. Wala namang meron dun diba?" halatang galit yung boses niya.
Hindi ako nakaimik. Totoo yung sinasabi niya. Hindi ko intensiyon na ipahiya si Alyssa, pero yun ang nagawa ko dahil nataranta ako at hindi ko alam ang gagawin ko nung mga oras na yun.
"Pinagmukha mo siyang tanga."
"Eh hindi naman mangyayari yun kung hindi mo siya kinukuha sakin, diba?" siyempre kahit galit ako, cool pa rin ang sagot ko.
"Hindi ko siya kinukuha sayo."
"Tss. Selfish."
"Hindi ako selfish." matigas niyang sinabi.
"Halos araw araw magkasama kayo. Palagi ko nga kayong nakikitang dalawa eh. Ang saya nuh? Napapatawa mo siya na dati ako yung gumagawa nun. Anong hindi selfish dun?"
"Hindi mo lang alam..."
"Ano pang hindi ko alam??"
"Kung alam mo lang kung gaano siya naaapektuhan sa mga ginagawa mo. Hindi mo ba alam na puro na lang ikaw ang iniisip niya? Ilang beses niya nga sinasabi yung pangalan mo araw-araw eh!"
Natahimik ako. Narealize ko na mali talaga yung akala ko. Madami akong hindi nalalaman, pero nag-stick ako dun sa iniisip ko na mali pala. Nagkamali na naman ako..
"At alam mo yung mga oras na nakikita mo siyang tumatawa? Ayun yung mga oras na umiiyak siya ng dahil sayo! Mabuti na lang at nandun ako, napapatawa ko siya kahit papano. Hindi mo alam yun!"
Hindi pa rin ako makapagsalita. Totoo yung sinasabi niya, wala nga akong alam...
"WALA KANG ALAM KAYA WAG KANG MANGHUSGA." matigas niyang sinabi habang nagwalk out.
Naiwan akong nakatameme dun sa kinatatayuan ko. Wala akong masabi. Masyado nang madami ang nalalaman ko. Pakiramdam ko sasabog na ako. TANGA KA JIRO. ISA KANG MALAKING TANGA.
Naiinis ako sa sarili ko. Mali na naman ako. Palagi naman eh.
Kailangan kong makausap si Alyssa. Gusto kong magsorry, pero di ko alam kung paano. Nahihiya akong kausapin siya. Dahil sa mga kagaguhan ko at pagpapairal ng pride ko, naapektuhan siya. Kaming lahat. Di ko alam kung saan ako magsisimula.
"ANO? TATANGA KA NA LANG DYAN! ANONG MAPAPALA MO KUNG TATANGA KA LANG?" sigaw ni Adrian. Hayy, buti na lang nandito yung mga katropa ko. Lalo na tong si Adrian, kahit nag-aaway na kami sakin pa din kakampi.
Napangiti ako. May naisip akong idea. May isa pa akong pagkakataon.
__________________________________________________________________________
HAI GUISE! :D Ayan na, babawi na ako. Salamat ng marami sa pagsuporta. :"> Mahal ko kayo. Hihi <3 =))
Read, comment, vote, and be a fan. :)
- Alyssa. <3
BINABASA MO ANG
The Lost Relationship --- Ch.24
RomanceSimpleng love story. Girl meets boy, they fall for each other. Pero magiging masaya kaya sila sa huli? Judge them as they face the challenges of a perfectly imperfect relationship.