Chapter 43

180 3 0
                                    

Chapter 43: Goodbye Louise

 Recap.....

["Parang ganun na nga!.......Ano?!..........Si Louise?!.......Anong nangyare?!"]

"Huy! Anong nangyare? Anong meron kay Louise?"

"Kate, si Louise.......nagpakamatay."

Kate

"Louise? Ba't ka nagpakamatay?!" sigaw ni Auntie Louisa habang yakap yakap ang kabaong ni Louise. Nang malaman ko yung balita, hindi muna namin tinuloy yung project at umuwi ako agad dito sa Pilipinas. Kasama ko parin si Louis pero hindi parin kami nagpapansinan. Nandito kami ngayon, tinitignan yung kabaong ni Louise. Nandito din sila Niall, Liam, Harry at Zayn.

"Auntie, tahan na po." habang hinihimas ko yung likod nya. Tumingin sya sakin at niyakap nya ako.

"Buti may mga kaibigan na kagayo niyo si Louise." sabi nya habang umiiyak sa balikat ko. Niyakap ko narin sya.

"Sa labas ho muna ako." at tumango siya. Umupo muna ako sa bench at tumingin ako sa langit. Tatlong tao na ang nawala sa sakin. Una, sila mama at papa ngayon naman yung bestfriend kong si Louise. 

"Bakit ka ba kasi nagpakamatay Louise ha? Ano nanaman bang pumasok sa isip mo? Letse ka naman e! Kitang  unti-unti na nating naabot yung pangarap natin tapos magugulat nalang ako, nagpakamatay ka daw! Ang daya daya mo Louise e!" umiiyak na ako sa lagay ko nato. Bigla namang may humawak sa balikat ko. Tinignan ko siya at hindi ko siya pinansin. Akala ko ba tampo siya sakin? Tapos ngayon nandito siya para inisin nanaman ako?

"Don't cry Kate." niyakap nya ako bigla. Mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Niyakap ko nalang din sya at umiiyak ako sa balikat niya. Hinihimas niya yung buhok ko habang umiiyak ako.

"I'm sorry Kate because I felt so jealous on that day. I'm so sorry." hinayaan nya lang akong umiiyak. Kumalas na ako sa pagkakayap niya tapos pinunasan naman nya yung mga luha ko.

"You look so gross when you're crying. Stop that." tumawa pa ang loko, tumawa narin ako. 

Pumasok na kami sa loob at kumakain na yung iba sa kanila. Si Stella nakatulala. Si Sasa naman umiiyak hanggang ngayon. Magang-maga na nga yung mata nya e. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung bakit nagpakamatay si Louise e. Umupo ako sa tabi ni Stella at hinawakan ko yung balikat nya. Napatingin naman sya.

"Stella, alam mo ba yung nangyari kay Louise?" tanong ko sakanya at tumingin ulit siya sa kabaong ni Louise.

"Bago ka pumunta sa London, sinabi nya sakin na may sakit siya. Leukemia. Nung una akala ko nagbibiro lang siya pero nagpakita siya ng test. Totoo nga. Ayaw niya ipasabi sayo kasi baka mag-alala ka at hindi ka na tumuloy sa London. Nung umalis kana, bigla naman siyang naconfine sa ospital at nandun kami sa tabi niya. Kinabukasan ng gabing yun, palagi lang siyang nakatingin sa bintana. Tinanong ko siya, sabi ko "bakit ka palaging nakatingin sa bintana? May iniisip kaba?" tumingin siya sakin at ngumiti siya sakin. "Naalala ko lang kasi si papa. Gusto niya na kasi akong sumama sakanya pero nag-aalala ako sa mga tao dito na nagmamahal sakin pero pinipilit na niya ako e. Hindi ko na kaya, gusto ko nang sumama sakanya." Bigla naman akong kinabahan sa mga sinabi niya. Nung tumawag ka, nasa dorm ako nun naghahakot ng mga damit ko at ni Louise at Sasa. Nasa ospital kasam ko si Sasa sa dorm, nagluluto naman siya nang pagkain. Habang nag-uusap tayo, bigla nalang umiyak si Sasa at dun ko nalaman na nagpakamatay siya. Pumunta kami agad sa ospital ay tinanong namin yung nurse, ang sabi niya nung pumunta siya room ni Louise wala daw si Auntie nung panahon na yun kasi pumunta sya sa counter. Nakita nya si Louise na naglaslas, bigla nalang siyang nag 50/50 at wala silang nagawa kasi tinanggal din ni Louise yung karayom sa kamay ni Louise at malalim din yung pagkaputol niya sa ugat niya. *Nanginginig na yung boses ni Stella* Gusto na talaga niyang sumama sa papa nya e." umiiyak na si Stella at niyakap ko siya. Bakit hindi niya ipinaalam sakin?

"Pasensya kana Kate a. Hindi na namin sinabi kasi ayawa nya talagang malaman mo." sabi nya at pinunasan ko yung luha niya.

"Masakit kasi hindi niya ipinalam sakin. Feeling ko, hindi ko siya nadamayan sa sakit niya. Feeling ko wala akong kwentang kaibigan." umiling siya sa mga sinabi ko at may nilabas siyang sulat. 

"Sulat to galing kay Louise. Sinulat nya yan nung una syang naconfine sa ospital. Kukuha muna akong pagkain a." at tumayo na siya. Binuklat ko yung sulat at binasa ko.


Hi Ate Kate!

    Kamusta na ang life mo? Alam ko na masaya kana sa life mo e. Naabot mo na sya! Nakapunta ka nang London. Gusto ko lang sabihin na salamat kasi naging kaibigan kita kasi feeling ko safe na safe ako kapag kasama kita. Para na nga kitang kapatid e! Naalala mo ba nung mga bata tayo? Lagi nalang akong nagkakasakit tapos ikaw palagi yung nag-aalaga sakin? Wish ko nga nandito ka din sa tabi ko ngayon para alagaan ako pero hindi na kita pwedeng pigilan kasi nandyan kana sa London. You're achieving your goals already. I can't stop you from doing that because you deserve that. I don't want you to know that i have a serious condition right now. But i know that someday I'm going to be with my father. I can't take this anymore. I'm so weak to fight this leukemia. I'm so sorry Ate Kate. I promise that i'm going to look for you everyday from above. Babantayan kita Ate Kate huwag kang mag-alala ha? I love you! Ingat kayo palagi nila Stella at Sasa a! Tsaka pakisabi nga pala sa limang ugok ns mahal na mahal ko sila kasi mahal ko sila. Pakisabi kay mama na sorry din kasi hindi ko na talaga kaya. Ayoko na. I love you again Ate Kate!

From: Catherine Louise Lawrence labslabs!

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

"Maaari nyo na pong ilaglag yung mga bulaklak." isa-isa naming nilaglag yung mga bulaklak at umalis agad ako dun. Gusto kong mapag-isa. Pumunta ako sa dapat kong puntahan. Medyo malapit lang naman dito e, walking distance only.

"Appa, Umma, bakit ganun? Una, kayo yung nawala tapos ngayon si Louise naman. Gusto nyo rin ba syang kunin? Bakit kung kelan naabot ko na yung pangarap ko, ngayon naman wala kayo? Bakit?" [Appa=Father, Umma=Mother]

Umulan, umulan nang napakalas. Nandito lang ako nakahiga sa puntod nila papa at mama. Masaya naman sa ulan e. Parang feelings nga daw diba? Pumikit na muna ako at niyakap ko yung puntod nila mama at papa.


Paalam Louise.......

A/N: Ayoko naaaaaaa! Now you know! Tanks mga readers! Not feeling si author dahil red dayzzzz ako now. Thank you again!


Expect The Unexpected (Tagalog Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon