One Last Goodbye.

620 7 3
                                    

Akala mo next chapter na no? Sorry pero hindi ko na itutuloy yung next chapter. Walang halong biro po, hindi ko na po itutuloy. Unang-una sa lahat, thank you sa pagbabasa ng story ko. Hindi ko talaga akalain na magkakaroon ako ng 552 readers kung natatandaan nyo pa na 503 yung readers ko dati. Thank you din sa parating nagvo-vote ng story ko. Sorry kung hindi kita mamemention kasi nagloloko e. Nung una kong sinulat yung chapter 1 nito, nasa isip ko na "walang magbabasa nito, tungkol kasi sa 1D e. Baka mabaduyan sila." Nung una, ayoko syang i-publish kasi natatakot ako. Natatakot ako na walang magbasa o kaya naman mag-comment ng kung ano-ano. Pero mali ako, naramdaman kong may nagsu-support parin sa 1D hanggang ngayon. Nung pinublished ko yung Chapter 1 nito, kahit 3 lang yung nagbasa okay na ako dun. Meron akong kaibigan at classmate ko din sya, sya palaging nagbabantay ng story na ito. Sinabi nya saakin one day na 11 na yung readers ko. Nung una ayokong maniwala, peri nung iniscreen shot nya, syempre naniwala na ako. Kahit 11 lang, tuwang-tuwa na ako. Yung kaibigan kong yun yung palaging nagsu-support sakin sa story nato. Hindi lang sya basta kaibigan, paramg kapatid ko na sya. Pero ako lang yung matured konti kung kumilos. Kung nababasa moto, huwag mo kong bugbugin sa Monday a. Sa totoo talaga, hindi ito yung first na story ko. Nung June, nabully ako sa school namin, kasi maliit lang ako e tsaka Grade 7 ako. Nung mga panahon nayun, naisioan kong gumawa ng story sa papel. Hindi pa yung Expect The Unexpected yung sinulat ko nun. Tungkol din sa 1D pero English sya. Pinabasa ko yun sa kaklase ko na nakilala ko nung first day of school. Sabi nya maganda daw. Natuwa ako syempre. May mga kaklase ko naman na "rude" kumbaga. Tingin nila boring, baduy, walang sense yung sinulat yung story ko dun sa papel na yun. Nung naisipan kong gumawa ng Wattpad account, doon na ako nagsimulang magsulat ng story.

Simula pa naman Grade 1 ako, nabubully na ako. Sa mga readers ko na nabubully din o kaya naman nabully na, hayaan nyo lang sila. Ibuhos nyo yung lungkot, galit, sama ng loob nyo sa mga bagay na makapagpapasaya sa inyo. Tulad ko, kahit nireject ako ng crush ko, sige parin sa pagsulat.

Sorry kung sobrang drama ko na ha? Hahahahahhahahah! Sorry lung hindi ko na sya itutuloy. Pero, isa lang masasabi ko, thank you. Thank you kasi kahit alam kong walang sumusuporta sakin sa pagsulat ng story, alam ko na nandyan kayo nagbabasa ng story ko. Thank you din kasi alam ko na nagdadala ako ng saya sa inyo. Tulad nila Kate, Stella, Louise, Sasa, kahit na mga loka-loka sila friendship parin silang apat.

Thank you talaga. Thank you ng marami. Walang sawa akong magpapasalamat sainyo. Thank you!

I love you all always!

Love,

XxReeyan24xX

Expect The Unexpected (Tagalog Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon