Chapter 41

187 3 0
                                    

Chapter 41: London!

Candess

"The plane is now boarding, the plane is now boarding."

Nagising ako agad dun a! Kinuha ko na yung maleta ko pagkababa ko pa lang ng eroplano. Ang lamig grabe! Sinundan ko na lang sila sa loob ng airport at may nakita kaming sign na #Team Philipppines. Sila yung sinundan namin, sumakay na kami sa van at malas sa kabilang van sumakay si Lou. Tampo parin! Mabilis lang kaming nakarating sa hotel kasi hindi naman ganun ka-traffic e. Pagbaba ko, grabe! Ang ganda ng hotel! Habang naglalakd kami sa floor namin, si Stacey! Nako! Nakapulupot nanaman kay Lou. Ano ba?! Nakalimutan ba nya na may girlfriend siya? Pumasok nako sa room ko, actually di lang ako yung tao dito kundi si Xander. Kailangan talaga kasi magkasama talaga kami sa lahat. Okay lang naman kasi partner ko lang naman sya e. Magkahiwalay kami ng kwarto, nilagay ko na yung mga gamit ko sa isang cabinet. Pagtingin ko sa  cellphone ko, nakita ko yung picture namin ni Louis nung birthday ko. Tinitigan ko lang sya, kasi naman e! Tampo pa more Lou! Bigla namang tumulo yung luha ko, letsugas naman o!

*knock knock*

"Sino yan?" gulat nalang ako kapag si Louis yan. Binuksan ko yung pinto at mali. Si Xander.

"X-xander..." alalang-alala naman tong mokong nato. Ano ba!

"Ba't ka umiiyak?" kailangan talagang ganun? Iritado talaga?

"W-wala lang. haha. Ano ba yun?" hinila nya ako papalapit sakanya at niyakap nya ako. Ako? Wala! Nganga! Nagulat ako! Hindi naman siguro obvious no?

"Huwag ka ngang umiyak! Mukha kang ewan! Tahan na nga!"  ouch! grabe naman to sakin!

" Oo na! (sabay tulak) Tatahan na nga e!" pinunasan ko yung luha ko at tumingin ako sakanya.

"Ba't ka ba kasi umiiyak ha?" tapos sesermonan mo nanaman ako?

"Wala. May naalala lang ako no! Bakit ba kasi yun?" ngumiti naman sya sakin. Aba loko lang?

"Wala lang. Wala kasi akong mapagtripan e." aba ngumiti pa lalo ang mokong! G*gu lang? 

"Umalis kana nga! Matutulog pako!" tapos tinulak ko sya palabas. Isasara ko na sana yung pinto pero humarang yung kamay nya. Pashneya!

"Ayoko nga!" isip bata ba to?

"Shu! Shu! Alis na!" at sinara ko yung pinto. Hay salamat!

"Bahala ka dyan! Magmuni ka hangga't gusto mo! Wala kang pagkain ng isang linggo!" binuksan ko agad yung pinto at tumingin sya sakin.

"Huwag mong gagawin yan!" ngumiti nanaman ang loko!

"Basta lumabas ka dyan sa kwarto mo." sinara ko yung pinto at lumabas na ako ng tuluyan sa kwarto. Pagdating namin sa sala, WHAT! 

"PAGKAIIIINNNN!" umupo agad ako at kumain. Ang saraaaaaapppp! Pakiramdam ko may nakatingin sakin, paglingon ko si Xander. Problema mo pre?

"Bakit?" ngumiti sya. Palagi nalang ba syang ngingiti ha?

Wala lang." sabi nya at kumain na sya ulit. Abnormal lang?

Natapos na kaming kumain at pinatawag ang lahat sa kwarto ni Ma'am Grande. Pagpunta namin nii Xander, kami nalang yung kulang. Sorry na! Napasarap yung kain ko e! Umupo kami at nakita ko si Stacey kasama nya si Louis. Parang ang sweet sweet nila sa isa. Ganyan ba talaga kapag nagtatampo?

"Okay, kaya ko kayo pinatawag because we're going to start tomorrow. Xander, Candess, Louis and Stacey will be assign in Hall Cross University. Since Louis is familiar in this place so he's going to be your guide in that university and the rest......."

Dadadadadadadaddad! Hindi muna ako nakinig. Tumingin ako kela Louis at Stacey, nagtatawanan sila tapos maya-maya ito naman si Stacey hinahalikan na si Louis. Lah? Hindi ko pa nga ata nakikiss yung sarili kong boyfriend e! Landian lang sila dun sa sulok, buti nalang hindi sila nakikita ni Ma'am. Hindi ko kayang makitang ganto si Louis. Iba na sya, ibang-iba. 

"Ma'am, excuse me for awhile. My mum is calling." kahit hindi naman talaga. Lumabas na ako. Pupunta ako sa lugar kung saan mawawala lahat ng lungkot ko. Naalala ko tuloy si mama at papa. Bakit kasi naaksidente pa sila e! Mag-isa nalang tuloy ako!

Sumakay ako ng bus papuntang city at wala pang 30 minutes nandun nako. Pagbaba ko, halos maluha nako sa ganda. Pangarap ko naman talaga kasi dito e, gusto nga ni Papa na dito ako magtrabaho pero wala e. Nawala sila ng maaga, oo as in maaga yung parang saglit mo lang silang nakasama. Nag-vibrate naman yung cellphone ko, puro text nila Niall, Liam, Harry at Zayn. Pati din sila Stella, Louise at Sasa. Hindi ko nalang muna binasa, tumingin lang ako sa Big Ben at bigla namang umulan. Ngayon pa talaga umulan a? 

"Bakit kasi umuulan kapag may mga taong malulungkot?"

"Because rain is like the feelings of a person, once you get hurt, you just let your tears fall from your eyes." Ba't ba nandito yung mokong nayun ha? Pinayungan nya ako at pinunasan nya yung mga luha ko.

"Bakit ka nandito?!" umalis ako sa harapan nya at bigla naman nya akong hinatak.

"You don't want to have a fever, right?" English english pa! Para namang baliw to!

"Babalik nako sa hotel. Kita nalang tayo dun." pero hindi nya parin binibitawan yung kamay ko.

"Sumabay kana sakin." tinanggal ko yung kamay ko sa hawak nya at tumakbo ako palayo. Gusto kong mapag-isa ngayon. Pumunta ako may bandang London Eye at nandun lang ako nakatayo habang basang-basa sa ulan. Nakakagaan naman ng pakiramdam yung ulan! Bakit hindi siya pumunta dito? Bakit hindi niya ako hinahanap? Wala na ba talaga syang paki sakin? Hindi kaya.......

Makikipag-break na sya sakin?

A/N: Siguro naman alam nyo na kung sino yung nakakita sakanya diba? Thank you sa pagbabasa! Please follow my friend Che-Ryl28 an soon she will be publishing her own story!

Expect The Unexpected (Tagalog Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon