SEDRIC
Ngayong araw ay maaga ang unang klase ko.
Kaya alas cinco pa lang ay gising na ako't nagtimpla na ng mainit na kape. Siyempre, kahit madalas akong mag iced coffee ay hilig ko rin ang hot coffee sa umaga.
Hindi na ako nag-almusal at piniling gamitin nalang ang natitirang oras para mag-ayos ng sarili at ng mga gamit na dadalhin ko. Nang masigurong okay na ang lahat ay isinukbit ko na ang aking bag at lumabas na ng dorm.
Habang naglalakad sa pathway papunta sa aking unang klase, napaisip ako kung paano ko magagampanan 'yong pagpapa-praktis naming dalawa ni Carter. Hindi naman kami nakapag-usap kung anong oras kami pwedeng magpraktis at 'di rin naman namin nagamit 'yong oras kahapon. I totally don't have any idea kung paano ako magri-reach out sa taong 'yon.
Hindi ko rin naman siya basta-basta nakikita rito sa campus at kung magkataon man, nakikita ko siya na may mga babaeng kasama. Ayoko namang lapitan siya sa gano'ng sitwasyon. Nakakatindig balahibo kaya ang makita siyang akala mo'y sobrang espesyal habang pinalilibutan ng mga babae.Still, I want to do this paired-practice thing, professionally.
Sa aking paglalakad, nakasalubong ko ang roommate ni Carter na si Henry. Tisoy-looking ito at isa rin sa mga hinahangaan rito sa campus dahil sa itsura niya. Kung tama ang mga usap-usapan rito at ang chismis sa akin ni Hannah, bisexual daw ito ngunit wala namang ebidensya kaya 'di ko pinaniniwalaan. Isa pa, kaibigan siya ng loko-lokong si Carter Ong. Halos gabi-gabi nga ay puro kamanyakan sa mga babae ang topic nila sa dorm.
"Uy..." nakangiti nitong bati sa akin nang mapansin ako.
Tinanguan ko siya't ngumiti rin pabalik. "Morning..." pagbati ko bago siya tuluyang makalagpas.
Gusto ko pa sanang itanong kung nasaan ang roommate niya pero 'di ko na ginawa. Umaasa nalang ako na makita ko ang pagmumukha ng lalakeng 'yon rito sa campus today. Ironic, right? Nitong mga nakaraang araw lang, ayaw na ayaw kong makita ang mukha niya. If it wasn't for that stupid pairing lang talaga, 'di ako magkakainteres na makipag-ugnayan sa kanya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang ang tingin ay nasa dinaraanan ko. Hindi ko namalayan na may tao na pala sa harapan ko kaya tumigil ako't tiningnan ito. When I looked up, I smelled a familiar scent. Matangkad siya kaya't natatabunan niya ang sikat ng araw dahilan para makita ko siyang animo'y napakaliwanag.
When I finally saw his face without the blinding light of the sun, na-kumpirma kong si Carter iyon.
"Uy, partner!" Nakangiti nitong sabi't walang anu-ano ay bigla na lang ako inakbayan. Napakabigat ng braso niya. "Papasok ka na? Sabay na tayo!" Masigla nitong dagdag na mas hinigpitan pa ang pagkaka-akbay sa akin. Medyo nasakal tuloy ako.
Agad kong inalis ang braso niya nang puwersahan. "Papatayin mo ba ako?!" Inis ko siyang tiningnan habang hinahawakan ang leeg ko. Ang laki-laki niyang tao kung ikukumpara sa akin at sa laki ng braso niya, 'di malayong malagutan ako nang hininga kapag hinayaan ko pa siya. "Saka, bakit ka ba sulpot nang sulpot kung saan-saan?" Napakamot ito sa kanyang ulo't nakatawa.
Kung kanina'y gusto ko siyang makita, ngayo'y nagbago na ang isip ko.
"Sensya naman," nakatawa nitong sabi't nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Hindi ko na lang siya pinansin kung sumabay man siya sa akin dahil ilang distansya na lang rin naman ay maghihiwalay na ang mga landas naming dalawa dahil iba ang daan patungo sa departamento nila. Titiisin ko nalang siguro muna ang presensya ng taong 'to.
Tahimik lang kaming sabay na naglalakad. Ako, naka-pokus sa daan habang siya'y naka-pokus naman sa mga babaeng kanyang madadaanan. I don't want to start a conversation with him. Naha-hambugan kasi talaga ako sa kanya. Isa pa, 'di kami close enough to talk about random stuffs. Alangan namang kausapin ko siya tapos itanong ko kung kamusta ang araw-araw niyang pambababae, 'diba? So, 'di na lang ako magsasalita dahil baka kung ano lang ang masabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Campus Bromance [Published under Pop Fiction]
RomantikUDMC Boys Series #1 Published under Summit Media's Pop Fiction! "Huling taon na ni Sedric sa kolehiyo at pakiramdam niya ay ito na rin ang huli niyang pagkakataon upang masabi ang matagal na niyang nararamdaman para kay Liam. Ang lalakeng halos...