Chapter 32

34K 1.3K 617
                                    

CARTER

"Lalabas ako ngayong gabi, pare. Baka gusto mong sumama?"

Hindi ko pinansin si Henry, ang roommate ko. Nagbibihis siya ngayon habang ako'y nakahiga sa kama, unan ang dalawa kong braso. Nakatulala sa kisame. Marami lang talaga akong iniisip kaya wala akong oras na samahan siya sa kung saan.

"Ikaw na lang muna, pare..." sagot ko kay Henry nang hindi siya tinitingnan. "Wala ako sa mood para lumabas ngayon," dagdag ko.

"Aba! Himala yata ang tawag d'yan, pare!" Natatawa niya akong nilapitan sa kama. He's being stupid again. "Dati naman, ikaw 'yong madalas magyaya sa akin para uminom sa labas. Anong nangyayari sa'yo? Good boy ka na ba ngayon?" Pangbu-bwiset pa nito sa akin.

Binalingan ko siya ng seryosong tingin. "Bugok!" Umupo ako sa kama. "Wala lang talaga akong ganang lumabas." Sambit ko kay Henry.

"May sakit ka ba? Kaninang umaga ka pang nakahiga d'yan sa kama mo, eh." Pagpuna niya pero nginisian ko lang ito. "Babae ba ang dahilan, pare? Naubusan ka na ba ng chicks?" Biro niya kaya't sinamaan ko lang siya ng tingin.

Mabuti at nakuha niyang gusto kong mapag-isa. Kaya nang makapagbihis ang loko, tinaboy ko na agad siya palabas. Nahiga ulit ako sa kama ko't nag-isip.

Wala sa mga sinabi ng lokong 'yon ang dahilan kung bakit ganito ako buong araw. Wala akong sakit at mas lalong hindi dahil sa babae. Matagal ko nang itinigil 'yong pagsama ko sa mga babae. I just woke up one day, hindi ko na gusto ang gano'ng ideya.

Isa pa, hindi na rin ako nasasangkot sa kahit anong gulo nitong mga nakaraang linggo. Nagising na lang din ako isang araw na gusto ko nang magbago at magpakatino. It sounds weird for a totally jerk like me to say that pero that's what I want now.

Especially when I got to know Sedric.

Tatlong araw na mula noong gabing makita ko siya at ang best friend kong si Liam sa tapat ng campus, magkatabi sa isang waiting shed at seryosong nag-uusap. Matapos 'yon, hindi ko na magawang kausapin si Sedric dahil pinanghihinaan ako ng loob. Parang hindi ko kayang harapin siya.

Tuwing magpa-practice kami ng team, si Liam 'yong madalas niyang katabi. Alam kong gusto niya si Liam. I know, mahal niya ang best friend ko. Pero whenever I see them together these past few days? Hindi ko maiwasang mainis. I can't help myself but to feel jealous. Naiinis akong isipin na nagiging malapit na sila sa isa't isa.

When in fact, ako 'yong mas unang napalit kay Sedric.

Hindi ko na siguro maitatanggi pa kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Wala na ring rason para itanggi pa dahil noong malaman ko kung ano ang tunay niyang pagkatao at nang mas makilala pa siya, hindi ko na naiwasan ang mas mapalapit sa kanya. I mean, hindi ko na kayang dayain pa 'tong nararamdaman ko.

Nagseselos ako kay Liam dahil siya 'yong mahal ni Sedric.

This is so gay pero...I think I've fallen in love with him.

I tried to hold myself back. Pinilit kong layuan siya matapos kong malaman that he's gay. Natakot kasi ako. I was afraid kahit una pa lang, alam kong gusto ko na siya. Iyon ang rason kung bakit palagi ko siyang inaasar at binibiro. Seeing him annoyed makes me even happy. I don't know what's with him pero matagal ko na siyang gusto. Natatakot lang akong lapitan siya...at husgahan ako ng mga tao.

So, I made up my mind that night to stay away from him. Kung kinakailangan ko siyang pagsalitaan ng masama at nakaka-offend na mga salita, I will and I did that. Pero things weren't really easy at it looks like.

Hindi pala madaling umiwas. Hindi madaling magpanggap na okay ka kahit hindi siya nakikita. Hindi madaling kalimutan 'yong nararamdaman mo para sa kanya. It's even hard for yourself that you've hurt him. That you needed to do that because of your selfishness.

Campus Bromance [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon