SEDRICHindi ko alam kung bakit gano'n na lang 'yong naging epekto sa akin ng mga salitang binitawan ni Carter. Isang araw na ang lumipas mula noong gabing 'yon pero hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako dahil sa sinabi niya sa'kin. Alam kong hindi naman dapat dahil 'di ko naman talaga siya kaibigan. Ilang araw ko lang siyang naging kaibigan pero 'di pala 'yon magtatagal. Ngayo'y parang nagsisisi na ako na kinaibigan ko pa siya.
Dahil ang totoong kaibigan, matatanggap kung ano o sino ka.
Si Carter lang naman 'yon at dapat 'di ganito kahalaga ang kahit anong opinyon niya tungkol sa pagkatao ko. Pero bakit ganito? Bakit tuwing pipilitin kong kalimutan ang sinabi niya ng gabing 'yon, patuloy itong bumabalik-balik para saktan ako? Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako affected sa kung ano ang tingin niya sa akin ngayon. Kasi sa totoo lang? Hindi ko 'yon matanggap.
Hindi ko matanggap na dahil lang sa pagkatao ko, matatapos ang pagkakaibigan naming dalawa.
Ano bang nangyayari sa'kin? Bakit ba ako sobrang nagpapa-apekto sa kanya at sa kung anong tingin niya sa akin? Kung ayaw niya sa bakla, patas lang kami. Simula pa lang naman ay 'di ko na siya gusto. Kailangan ko lang sigurong ibalik 'yong dating ako na kinamumuhian siya dahil sa ugali niya. Doon naman siya magaling, 'diba? Ang ipakita kung gaano talaga siya ka-unlikeable.
Mula sa pag-iisip sa bagay na 'yon, tuluyan na akong lumabas ng dorm building para sa unang klase ko ngayong araw. Alas otso pa 'yon pero pinili kong lumakad na kahit trenta minutos pa bago 'yon magsimula. With my earphones on, para sa akin ay therapeutic ang paglalakad sa kahabaan ng pathway patungo sa unang klase ko sa umaga.
Kapansin-pansin habang mabagal akong naglalakad ang pagtingin sa akin ng ilang estudyante. Normal lang iyon sa akin kaya't hindi ko na 'yon pinagtuunan ng pansin pa. Instead, I increased the volume of the music I'm listening to. Ganito naman lagi, eh. Whenever I don't want to pay attention to my surroundings, tinataasan ko ang lakas ng kantang pinakikinggan ko.
But when some students started staring at me in a weird way and started whispering to one another, I got a little bit suspicious. Huminto ako sa aking paglalakad at tinanggal ang earphones sa magkabila kong tenga. Lalo kong narinig ang ilang estudyanteng nakatingin sa akin ngayon, tumatawa ang iba at ang iba nama'y seryoso ang tingin.
Kung dati'y normal lang ang tingnan ako ng mga estudyante rito, ngayo'y alam kong may kakaiba. Alam kong may mali at ngayo'y nakakaramdam ako ng kaba. Hindi ko maipaliwanag pero habang lumalakas ang mga bulong-bulungan ng mga estudyante sa paligid ko, lalo akong nakakaramdam ng pagkailang at pagkalito.
"Hindi ba siya 'yon?"
"Siya nga 'yon! Sayang siya, sis..."
"Ang gwapo para maging..."
"Kaloka!"
Iyon ang ilan sa mga narinig kong usap-usapan nila. Napalunok ako, knowing that they're really referring to me. Nalilito man ngunit sa likod ng isip ko'y may ideya na ako kung ano ang tinutukoy nila. Still, hinihiling ko na sana mali ako.
Nilagpasan ko ang mga estudyanteng madadaanan ko. Their looks are judging me as I pass by. Mga matang may panghuhusga, may mga tinging naaawa at ang ila'y mga titig ng panghihinayang. Pinili kong huwag silang pansinin at magpatuloy lang sa paglalakad.
Hindi pa ako gano'n nakakalayo mula sa pinanggalingan ko'y natanaw ko agad ang mga nakapaskil na bond papers sa 'di kalayuan. Naka-paskil ang mga iyon sa kanto ng daan papunta sa HM Department, ang building namin.
Kakaba-kaba akong lumapit doon at hindi pa man nakakalapit, nakita ko na agad ang picture ko na naka-imprenta sa gitnang bahagi ng bawat papel. Sa puntong 'yon, na-kumpirma ko ang pagkalitong nararamdaman ko kanina.
BINABASA MO ANG
Campus Bromance [Published under Pop Fiction]
DragosteUDMC Boys Series #1 Published under Summit Media's Pop Fiction! "Huling taon na ni Sedric sa kolehiyo at pakiramdam niya ay ito na rin ang huli niyang pagkakataon upang masabi ang matagal na niyang nararamdaman para kay Liam. Ang lalakeng halos...