SEDRIC
Who would have thought that we will win against the undefeated basketball team? Puwes, hindi ako. Ang alam ko lang, kahit walang kasiguraduhan, gusto kong gawin ang lahat and win. And we did. All our team efforts has finally paid off!
Katulad ng napag-usapan, mamayang alas sais ay magkakaroon ng victory party para sa aming team na gaganapin mismo sa bahay ni Coach Melvin. A not so big dinner and drinks will be offered for us. Everyone is happy and I think, we deserve to savor our team's victory.
Umalis na ang iba naming ka-team matapos ang pag-anunsyo sa nanalong koponan. Ang mga nanuod ay lumabas na rin para pumunta sa kani-kanilang mga lakad. This day was meant only for the tournament kaya pagkatapos ng mahigit dalawang oras na laro, umuwi na rin ang iba.
I was about to leave the gym and go back to the dorm nang makita ko ang mag-isang si Liam na nakaupo sa bleachers. Seryoso ito at mukhang malalim ang iniisip. Wala nang gaanong tao rito sa gym, maliban sa mga naglilinis ng mga kalat. I walked towards him.
"Are you okay?" Nakangiti kong tanong sa kanya and sat beside him.
Tiningnan naman ako nito at ngumiti. "I'm good," sagot nito ngunit tila hindi maganda ang pakiramdam niya. "Ang galing mo kanina. You made our team very proud. Congrats sa'tin," nahiya ako nang banggitin niya iyon kaya umiling ako agad at ngumiti.
"We all made our team and campus proud. Hindi lang ako," paglilinaw ko sa kanya. Natawa ito. "I guess, magkita na lang tayo mamaya sa bahay ni Coach Melvin for the victory party." Masayang pagpapaalala ko sa kanya.
"About that..." napatingin ito sa akin na bakas ang pag-aalangan sa kanyang mukha. "H-Hindi ako pupunta," and when I heard that, napawi ang ngiti sa aking mukha.
"B-Bakit naman?" Reaksyon ko. Bigla akong nalungkot dahil sa sinabi niya. "Come on, isang beses lang 'yong victory party eh. It will not be called as team's party kung hindi ka pupunta," pangungumbinsi ko agad kay Liam.
"Napagod lang siguro ako masyado and I want to rest tonight," sagot niya sa akin. "Babawi naman ako kahit hindi ako um-attend sa victory party," ngumiti siya sa akin.
Mukhang wrong timing yata na sabihin ito sa kanya but I made up my mind. Hindi ko na pwedeng i-atras pa ang gagawin ko. I promised myself last night na kapag nanalo ang team namin against East Ferrer, I will confess to Liam about my feelings for him...no matter what.
Hindi ko naman akalain na mananalo kami.
Pero mukhang it wasn't a bad idea at all.
Kaming dalawa na lang ang tao rito sa gym. Ang mga naglilinis ay lumabas na. Tahimik ang lugar. Walang ingay na posibleng umistorbo sa sasabihin ko. All I have to do is to confess. For the past three years, ito na siguro ang tamang pagkakataon para sabihin ko sa kanya ang totoo. That I love him for almost four years now.
Hindi ko alam kung tama ang timing na 'to or what. Hindi ko rin alam kung ano nang magyayari pagkatapos nitong pag-amin ko. I don't want to expect anything. Tatanggapin ko ang lahat ng sasabihin niya. Ang mahalaga, masabi ko kung anong nararamdaman ko para sa kanya.
Huminga ako nang malalim at tiningnan siya. "Liam..." lumingon ito sa akin nang sambitin ko ang pangalan niya. "I have something to tell you," panimula ko and he just stared at me.
"What is it?" Iyon ang tugon niya habang nakatingin sa akin ngayon. Walang emosyon ang mukha niya at tila hinihintay lang na sabihin ko kung ano 'yon.
Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa and told him what I feel for him. "Liam, gusto kita..." hindi ko siya matingnan nang diretso but when I did, hindi man lang siya nagulat doon. "Gusto kita mula first year pa lang tayo. Ikaw 'yong totoong dahilan kung bakit ako sumali sa basketball team. You were the reason why I joined all those academic-related organizations. At sa bawat taon na lumipas hanggang ngayon, I realized that my feelings grew deeper for you. Liam...I love you," taos-puso kong pag-amin sa kanya. Napako ang mga tingin ko sa kanya.
"I know," nagulat ako nang bigla niyang sabihin iyon habang nakatingin sa mga mata ko. "But I need to tell you something, too. Sedric, hindi ako straight. I was pretending the whole time. Iyon ang sagot sa tanong mo when we were at that coffee shop. Kung bakit wala pa akong girlfriend at nagiging girlfriend. I'm gay, Sedric." Diretsahan nitong sabi sa akin.
"W-What?" Hindi ko makapaniwalang reaksyon sa sinabi niya.
Ngumiti siya sa akin pero iba ang ngiting 'yon. Mababakas doon ang kalungkutan. "Napakabait mong tao, Sedric. I'm really glad that I met you. Gusto kong malaman mo na masaya ako sa pag-amin mo at na-appreciate ko iyon." Hindi niya inalis ang mga mata sa pagtingin sa akin. "But...I cannot accept that love dahil may ibang tao nang nagma-may ari nitong puso ko," Liam saying those words breaks my heart.
Nang malaman ko kung ano siya, nagulat ako pero mas nakakagulat na malaman na wala na pala talagang chance 'yong nararamdaman ko para sa kanya. 'Cause he already belongs to someone now.
"I guess, kung sino man 'yong taong 'yon, he's really lucky." Pinilit kong ngumiti kahit sa loob ko'y namumutawi na 'yong lungkot at inggit.
Ngunit nang akala ko'y wala nang mas sasakit pa do'n, I was wrong.
"Si Carter ang taong 'yon, Sedric..." napalunok ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. "Siya 'yong matagal ko nang gusto," he added that breaks my heart a little more.
Sa isang iglap, parang nabasag ang puso ko at nagpira-piraso. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Liam. All these years, akala ko ay kaibigan lang ang tingin niya kay Carter. But I was wrong all along. Hindi ko pa pala talaga kilala ang taong minahal ko nang sobra sa loob ng halos apat na taon.
I can't believe that he likes Carter. Bakit siya pa?
"I'm really sorry, Sedric..." he started to cry. Gano'n rin ako. He held my hand.
Umiiling ko siyang tiningnan. "You don't have to be sorry..." ang nasabi ko na lang sa kanya. Naguguluhan pa rin ako dahil sa nalaman ko. "M-Mauna na ako..." inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Tumayo ako.
Naglakad ako palabas ng gym na lutang at may luha sa mga mata ko. Iniwan ko si Liam doon. I was shocked. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko mula sa kanya. Ayokong paniwalaan 'yong huling sinabi niya pero 'yon ang totoo. At ngayon? Nasasaktan ako.
My tears started falling from my eyes.
Masakit nang isipin na binusted ako ni Liam pero hindi ko alam na mas may isasakit pa 'yon ngayong nalaman ko kung sino 'yong taong gusto niya. Bakit sa dinami-rami ng taong pwedeng magustuhan niya, bakit siya pa? Bakit si Carter pa?
Bakit hindi na lang ako?
BINABASA MO ANG
Campus Bromance [Published under Pop Fiction]
RomanceUDMC Boys Series #1 Published under Summit Media's Pop Fiction! "Huling taon na ni Sedric sa kolehiyo at pakiramdam niya ay ito na rin ang huli niyang pagkakataon upang masabi ang matagal na niyang nararamdaman para kay Liam. Ang lalakeng halos...