SEDRIC
When Liam started walking towards us, nataranta si Ernie at ang dalawang lalakeng hawak pa rin ang magkabila kong braso.
"Bitawan niyo siya," mahinahon ngunit ma-otoridad nitong utos sa dalawang lalake nang makalapit ito. Agad nilang binitawan ang magkabila kong braso't sinamaan ko sila ng tingin. "Alam niyo bang pwedeng-pwede kayong mapatalsik sa eskwelahang 'to kapag nakarating 'tong pinaggagagawa niyo sa kataas-taasan? Nakalimutan niyo yatang nasa loob pa rin kayo ng campus," kahit sino'y kakabahan sa paraan ni Liam ng pagsasalita.
Natawa dahil sa kaba si Ernie. "Liam, wala namang ganyanan, pare." Pakiusap nito kay Liam. "Para namang wala tayong pinagsamahan n'yan, eh." Pangongonsensya pa nito na ngayo'y kakamot-kamot sa ulo niya.
Kung wala lang si Liam rito ay inambahan ko na agad siya ngayon ng isang malakas ulit na suntok, o hindi naman kaya'y sabunot para wala na siyang kinakamot ngayon.
Seryosong lumapit sa kanya si Liam. Nangliit si Ernie dahil sa tangkad nito. "Nakasama kita sa basketball team pero wala akong ideya na ganitong klaseng tao ka," nang sabihin niya 'yon ay napayuko ito. Napangisi naman ako sa isang tabi. "Alam ko ang ginawa mong pagkakalat ng mga papel sa loob ng campus para ipahiya si Sedric sa lahat. May ebidensya kaming nakuha at na-sumite ko na 'yon sa pamunuan ng school. Hintayin mo na lang 'yong parusang ibibigay nila sa'yo." Mariin at malinaw na sabi sa kanya ni Liam.
Halatang nagulat si Ernie at ang dalawang lalake na ngayo'y nasa gilid na niya.
"Pero..." Pagpapaawa nito.
Gigil ko itong tingnan. "Magsaya ka na dahil hindi magtatagal, pagbabayaran mo lahat ng kasalanan mo at pati ang ginawa niyo kay Brandon." Nang sabihin ko 'yon, tiningnan niya ako nang masama. "Ano? Aangal ka?" Pang-aasar ko rito dahil sa labis na galit na nararamdaman ko.
Wala itong masabi dahil nasa harap lang naman niya ang presidente ng student council. Alam niyang lahat ng sasabihin niya ay pwedeng magamit laban sa kanya. Kaya mas pinili nitong tumahimik na lang.
"Umalis na kayo," utos sa kanila ni Liam. "At huwag niyong tangkain na ulitin pa 'to. Hindi lang kay Sedric, kung 'di sa kahit sino. Ako ang makakalaban niyo," huling bilin nito sa tatlong ulupong na ngayo'y parang maamong mga pusa na hindi makabasag-pinggan.
"Sige, Liam. Aalis na kami. Pasensya na, pare." Bait-baitang paalam nito nagsimula nang maglakad.
Ikina-buwiset ko 'yon kaya aktong aambahan ko ito ng kunwaring suntok. "Ang bait mo, grabe!" Sigaw ko nang makadaan silang tatlo sa harap ko. Hindi ito tumingin bagkus ay nagpatuloy na sa paglabas ng gym.
Naiwan kaming dalawa ni Liam sa loob. Habang ako'y gigil pa rin sa Ernie na 'yon. Ngunit masaya akong dumating si Liam at sinermunan sila. At least ngayon ay alam nila kung anong kahahatungan ng ginawa nila sa akin at sa pinsan kong si Brandon.
"Hindi ka ba nila sinaktan?" Alalang tanong sa akin ni Liam na agad kong tinanguan. "Ano bang nangyari at nagpang-abot kayo rito?" Kunot ang noo niya pang tanong.
Sinabi ko ang totoo. "Binugbog nila si Brandon dahil pinagtanggol ako nito laban sa mga paninira niya sa akin. Kaya pumunta agad ako rito para harapin siya't iganti ang pinsan ko."
Tumango si Liam sa sinabi ko. "Kung gano'n pala, marami na tayong bala laban sa kanya." Ang sagot nito. "Hayaan mo't bukas na bukas rin ay ire-report ko 'to sa pamunuan para idagdag sa mga kasalanan niya. He'll be punished for sure." Pag-assure sa akin ni Liam kaya't nakahinga na ako't kumalma.
"Salamat," tugon ko at tiningnan ito na ngayo'y nakangiti.
"Gusto mo bang maglakad-lakad muna? Para mas kumalma ka." When he asked me, napalunok ako. Is he really asking me to take a walk with him?
BINABASA MO ANG
Campus Bromance [Published under Pop Fiction]
RomansUDMC Boys Series #1 Published under Summit Media's Pop Fiction! "Huling taon na ni Sedric sa kolehiyo at pakiramdam niya ay ito na rin ang huli niyang pagkakataon upang masabi ang matagal na niyang nararamdaman para kay Liam. Ang lalakeng halos...