SEDRIC
Dalawang araw na 'yong lumipas mula noong gabing 'yon. It's been two days pero hindi pa rin mawala sa isipan ko 'yong nangyari. Hindi ko makalimut-limutan ang halik na 'yon. Carter and I kissed that night at the victory party, sa bahay ni Coach Melvin. And I wish it never happened.
Dalawang araw na rin akong kinukulit nina Hannah at Brent na lumabas sa dorm ko para gumimik kasama sila. But I just can't find the strength to get up and act like it never happened. Binabagabag pa rin ako ng isipan ko dahil sa halik na 'yon. Asking myself why did I kiss him back? Kung dahil lang ba 'yon sa kalasingan? O ginusto ko rin ang halik niya?
Ang alam ko lang, hindi dapat namin 'yon ginawa. Hindi ko dapat siya hinayaang gawin 'yon. I was drunk. Mahina ako ng mga pagkakataong 'yon. At hindi ko dapat nararamdaman ang ngayo'y nararamdaman ko na sa kanya. I just came from a heartache because Liam turned me down. Ayokong papasukin ang ideyang 'to sa kukote ko, that I like Carter, dahil hindi ito ang tamang oras para do'n. Isa pa, Liam loves him so much.
Hindi ko alam kung kailan 'to nagsimula. Hindi ko alam kung kailan pa nagbago ang pagtingin ko sa lalakeng 'yon, kay Carter. He was just a stranger to me before. Hindi naman dapat ganito, eh. Hindi ko alam kung noong araw ba na iniligtas niya ako from danger or the day I got to know him more, sa lumang bahay ng Mom niya? Or maybe, noong Art Festival? Kung kailan at saan ko na-realize na masaya pala siyang kasama? Baka noong gabing dinala niya ako sa mala-paraisong lugar na pagma-may ari nila? Where we almost kissed.
Hindi ako sigurado. Ngunit kung may isang bagay man ako na kailangang siguraduhin, hindi na dapat ito magpatuloy pa. I don't wanna fall for him even more. Hindi na sana lumagpas sa pagkakaibigan ang tingin ko sa relasyon naming dalawa. Hindi lang para sa akin. But also for Liam. I can't afford to hurt him kahit alam kong wala akong pag-asa sa kanya.
Carter confessed to me that night. Ang malamang gusto niya ako ay hindi kapani-paniwala. Kahit gusto kong paniwalaan 'yong sinabi niya, mali pa rin. Mali dahil hindi niya dapat ako nagustuhan. This is so stupid pero hanggang ngayon, si Liam pa rin ang iniisip ko. Mahal ko si Liam at mahal niya si Carter. At hindi ko kayang ipagpatuloy kung ano man 'tong nabubuong damdamin ko para kay Carter dahil ayokong maging makasarili.
"Mabuti naman at lumabas ka na ng kwarto mo. Akala namin, magku-kulong ka nalang doon forever!" Hannah tapped my shoulder. "Ano bang nangyari sa'yo nitong nakaraan? May hindi ba kami alam?" Follow-ups niya. Tiningnan ko siya at ang boyfriend niyang si Brent bago sumagot.
Nasa Brews Clues Café kaming tatlo ngayon. Lunes na at alas dies pa lang ng umaga. Naisip naming tumambay rito habang naghihintay sa unang klase namin ngayong araw. This is one of the rare days na ang swerte-swerte ko dahil hindi ko kailangang gumising ng maaga dahil alas onse pa ang klase ko.
Plus, mini treat ko na rin sa kanila ito since we never had the chance na magkita-kita after ng tournament. May pinuntahan rin kasi sila pagkatapos nila akong i-congratulate, as usual.
I didn't tell them about what happened to me and Carter the night after the tournament day, sa bahay ni Coach Melvin. Kahit 'yong pag-amin ko kay Liam at pagbusted sa akin nito, hindi ko pa naku-kwento sa kanila. Plano ko namang sabihin sa kanila lahat 'yon, eh. Kaya lang, madalas silang missing in action. At kapag pagkakataon ko nang sabihin sa kanila, pakiramdam ko'y wala na akong lakas at gana na gawin 'yon.
"Napagod lang ako dahil sa sunod-sunod na practice ng team before the tournament. I took the weekend to sleep and rest," pagsisinungaling ko sa kanila but half of it was right, Nagpahinga naman talaga ako sa dalawang araw na hindi ko paglabas ng dorm, eh. "But I missed you, guys. Palagi na lang kayong wala. Nagtatampo na ako, ha!" I set the mood lighter.
Kinurot ako ni Hannah matapos higupin ang frappe niya. "We missed you, too! Babawi kami sa'yo kahit madalas, ikaw 'yong hindi sumasama sa amin! Sorry na..." akto itong yayakapin ako at hinayaan ko lang. "Basta, lagi man kaming wala, hindi ibig sabihin no'n that you cannot share things with us. Kapag may problema ka, just tell us and ipagpapalit namin ang kahit anong lakad for you." Kinurot nito ang pisngi ko. Nangiti ako dahil sa narinig mula kay Hannah.
"That's right, dude." Tinapik ni Brent ang balikat ko. "Lagi man kaming wala, Hannah and I are always here for you. No matter what happen." Brent swore.
Napangiti ako dahil sa mga sinabi nila sa akin. At least, kahit madalas silang wala sa tabi ko, concern pa rin sila sa akin. I guess, that's enough. Malaman ko lang na nandyan sila, kahit hindi pisikal, kuntento na ako.
"Thank you, guys." Nakangiti kong sabi at pareho silang tinapik sa magkabilang gilid ko.
Habang nasa loob kami ng coffee shop, may ilang babaeng estudyanteng lumapit sa akin and asked me for a picture. Pinagbigyan ko naman sila kahit hindi ko alam kung bakit gusto nilang magpa-picture sa akin. Later, may mga babae ulit na lumapit sa akin, asking the same thing. Nagpakilala sila na taga-hanga ko raw since our basketball team won the tournament. But you know what's the funniest? Iyong nagulat na lang ako na may nabuo na palang fans club sa facebook na dedicated para sa akin.
Naalala ko tuloy 'yong sinabi sa akin ni Coach at ng mga ka-team ko. They told me about this fans club kind of thing.That I will be a center of attention after winning the tournament. Natatawa na lang ako dahil sa totoo lang, galing na ako sa isang malaking atensyon. Ngunit nang huling mangyari 'yon, hindi ko iyon ikinatuwa. Hindi ko lang talaga gusto ang maraming atensyon.
Ang dalawa ko namang kaibigan ay patuloy sa pang-aasar sa akin dahil sa narinig nilang pangalan ng fans club ko raw kuno. Sedinatics. Seriously?
Sa kalagitnaan ng tawanan namin, my phone vibrated. Someone texted me at hindi ko alam ang mararamdaman ko nang malaman kung kanino galing 'yon. It was from Carter.
Magkita tayo sa labas ng campus mamayang alas sais. I need to talk to you.
Matagal kong tinitigan iyon. Hindi ko alam kung anong binabalak niya o kung tungkol saan ang gusto niyang pag-usapan naming dalawa. Ngunit kung ano man 'yon, tama lang rin siguro na makipagkita ako sa kanya dahil may gusto rin akong sabihin. At kailangan niya 'yong malaman.
BINABASA MO ANG
Campus Bromance [Published under Pop Fiction]
RomanceUDMC Boys Series #1 Published under Summit Media's Pop Fiction! "Huling taon na ni Sedric sa kolehiyo at pakiramdam niya ay ito na rin ang huli niyang pagkakataon upang masabi ang matagal na niyang nararamdaman para kay Liam. Ang lalakeng halos...