CARTERKatatapos lang ng huling klase ko.
Hawak ko ang panga kong masakit pa rin dahil sa suntok ni Sedric kanina. Patuloy ako sa paglalakad at tuwing makakakita ng papel na naka-paskil sa bawat poste, tinatanggal ko ang mga ito. Hindi ko maiwasang magalit sa kung sino mang nagkalat ng mga 'to sa loob ng campus. Nang dahil sa lokong 'yon, ako tuloy ang nakatikim ng suntok na dapat ay para sa kanya.
Huwag ko lang talagang malalaman kung sinong gumawa nito dahil ibabalik ko sa kanya 'yong suntok ni Sedric. O baka mas higit pa ro'n ang matikman niya sa akin.
Ako ang pinagbibintangan ni Sedric na gumawa ng mga 'to. When in fact, wala akong ginawa o pinagsabihang iba for this to happen. Takte lang? Maka-bintang siya sa akin, wagas. Iyong itsura niya kanina, galit na galit. Mukhang siguradong-sigurado siya na ako ang nasa likod ng mga papel na 'to.
Alam kong 'di naging maganda ang naging pag-uusap namin noong isang gabi. Alam ko rin na may nasabi akong hindi maganda sa kanya. Pero hindi ako sumira sa usapan namin. Hindi ko siya kinikibo pero 'di ibig sabihin no'n ay may plano akong ipagkalat 'yong sikreto niya. Mukha lang akong loloko-loko pero hindi ako gano'n kasamang tao.
Lahat ng mga papel na tinanggal ko ay tinapon ko sa basurahan. Ang iba rito'y pinunit ko nang pira-piraso. Hinablot ko sa ilang estudyante ang hawak nilang kopya. Nagtatawanan pa ang mga ito na hindi ko nagustuhan. Mga walang magawa sa buhay.
"Kapag nakita kong hawak niyo pa ang mga 'to, isusupalpal ko 'to sa pagmumukha ninyo!"
Mukhang epektib naman dahil binitawan ng ilang babae ang mga hawak nila.
Ang ilang lalake na nakipagtitigan pa sa akin ay hinamon ko ng isang masamang tingin. Ayaw kasi nilang bitawan 'yong mga papel na hawak nila. Kailangan pa sigurong takutin ang mga ito para bumigay.
"May problema kayo sa'kin mga brad?" Kagat-kagat ang ibabang parte ng labi ko silang nilapitan. "Anong gusto niyong mangyari? Sabihin niyo lang dahil ganado ako ngayon," hinubad ko ang suot kong polo.
Nakita kong nagkatinginan ang apat na gunggong.
"W-Wala, boss..." pagsagot sa akin ng lalakeng mukhang tipaklong. "Tutulungan ka namin na magtanggal ng mga papel sa campus..." napalunok siya, pakiramdam ko ay nasindak sa presensya ko.
Masama ang tingin ko sa kanya't tinanguan ito nang mabilis. "Simulan niyo na!"
Dali-dali silang kumilos at itinapon ang mga papel na hawak nila. Umalis ang mga 'to sa harapan ko. Sinuot ko namang muli ang polo ko. Kailangan lang pala ng mga 'yon ng kaunting sindak, eh. Mga walang binatbat.
Nagpatuloy ako sa paglalakad, sinasamaan ng tingin ang bawat tumitingin sa akin, mapa-babae o lalake ay wala akong pakealam. Badtrip ako ngayon dahil sa nangyari kaya wala akong oras sa kanila.
Hindi pwedeng patuloy na maniwala si Sedric na ako ang may pakana ng lahat ng'to. Ayoko na sanang gawin pa pero kailangan kong linisin ang pangalan ko sa kanya. Hindi ko naman na dapat pa 'to ginagawa, eh. Dapat ay wala na akong pakealam sa kanya dahil hindi naman na kami magkaibigan pero kahit anong gawin ko, nako-konsesnya pa rin ako kahit papaano.
When I saw him earlier, nakita ko kung paano malungkot ang mga mata niya and I hate to say this but I hate to see him like that, and I don't know why.
Dumiretso ako sa dorm.
Tinamad na rin akong pumunta pa sa gym. Wala na rin akong gana maglaro ng basketball. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko kung sinong pwedeng gumawa kay Sedric no'n. Hindi ko alam kung may nakakaalam pang ibang tao ng tungkol sa sikreto niya pero kung mayro'n, bakit ako agad ang naisip niyang pagbintangan na nagpakalat ng mga papel?
BINABASA MO ANG
Campus Bromance [Published under Pop Fiction]
RomanceUDMC Boys Series #1 Published under Summit Media's Pop Fiction! "Huling taon na ni Sedric sa kolehiyo at pakiramdam niya ay ito na rin ang huli niyang pagkakataon upang masabi ang matagal na niyang nararamdaman para kay Liam. Ang lalakeng halos...