SEDRIC
Kinabukasan ay lahat kami'y abala sa pagkuha ng mga litrato sa huling pagkakataon. We took a lot of pictures. Sinulit namin 'yong mga natitirang oras roon sa El Venilda Forest hanggang sa tuluyan na kaming nagligpit at umalis.
We traveled for another four hours until we arrived back at the campus. Nauna ang bus na sinasakyan ng kurso nila Carter dahil pagdating namin doon, nagbababaan na ang mga sakay no'n. Dala ang mga bagahe, bumaba na rin kami mula sa bus.
Medyo masakit nga ang ulo ko dahil bukod sa hindi ako nakatulog nang maayos kagabi, hindi rin ako nakatulog sa byahe. At dahil iyon kay Carter. I just can't forget his smile last night kaya hanggang alas cuatro ng madaling araw ay nakangiti pa rin ako habang yakap-yakap ang leather jacket niya.
"Kailan mo gustong simulan 'yong pag-e-edit ng video presentation natin, partner?" Blake asked me when we got outside the bus.
Habang iniinda ang pagod at antok, sinagot ko siya. "Bukas na lang siguro, Blake. Let's take this day to rest." Tumango naman ito sa akin.
"Sige, partner. Ime-message na lang kita. Nasa akin naman na 'yong number mo, eh." He told me. Ibinigay ko na kasi sa kanya 'yong contact number ko kagabi bago kami magpahinga. "Magpahinga kang mabuti, partner."
Ngumiti ako sa kanya. "Ikaw rin, Blake." Kaswal ko ritong sagot.
"Sige, mauuna na ako sa'yo." Pagpapaalam niya sa akin nang nakangiti bago ito tumalikod at maglakad palayo.
Hindi siya nagdo-dorm rito. Ang sabi kasi niya'y malapit lang ang bahay niya mula rito kaya there's no use.
Nang makaalis siya'y hindi ko na hinintay sina Hannah at Brent dahil hindi naman sa loob ng campus ang diretso nila kung 'di sa mall para magdate, dala ang mga bagahe nila.
Naglakad na ako papasok sa loob ng campus, dala ang nag-iisa kong backpack sa likod ko. Gano'n rin ang ilang mga estudyanteng nagdo-dorm rito. Ngayo'y hirap na hirap sila dahil sa dami ng mga dala nila sa fieldtrip kahapon.
Papasok na sana ako sa entrance ng dormitory building nang matigilan ako. I saw Liam, nakatayo siya sa harap ng building at seryoso ang tingin sa akin. Napalunok ako at hindi alam ang gagawin. Magpapatuloy ba ako sa paglalakad at ngingitian lang siya? Papansinin ko ba siya at babatiin like I used to do before? Hindi ko alam. Ang alam ko lang ngayon, ang awkward ng tagpong ito.
But I chose to look at him and smile. Matapos iyon, naglakad na ako papasok at aktong lalagpasan na sana siya nang bigla akong tawagin nito. Napahinto ulit ako.
"Sed, wait..." pag-uulit niya. "Can we talk?" Nang sabihin niya iyon, dahan-dahan akong lumingon sa kanya. I forced a smile kahit sa loob ko'y sobra na akong naiilang.
"Sure..." ang naisagot ko sa kanya kahit wala akong ideya kung saan ito hahantong o kung anong pag-uusapan naming dalawa.
Ngumiti siya sa akin at lumapit. "Gusto ko sanang doon tayo sa kwarto namin ni Peter tayo mag-usap, kung okay lang sa'yo?" Napalunok ako dahil sa kaba. Bakit doon pa? "Don't worry. Wala roon si Peter. It'll be just the two of us," paglilinaw nito. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
Marahan ko nalang siyang tinanguan bilang pag-sang ayon sa gusto niya. Tinugunan ako nito ng pagngiti. Pareho kaming naglakad papunta sa kwarto niya't pumasok doon. Naiilang man, wala na akong nagawa. Pinaupo niya ako sa couch at pinaghintay nang ilang saglit para sa pagtitimpla niya ng kape kahit sabi ko nama'y hindi na kailangan.
Ngayon lang ako nakapasok sa kwarto nila ni Peter and I can say na base sa itsura nitong malinis at banayad, tugmang-tugma ito sa personality ni Liam.
Bumalik siya dala ang dalawang basong mainit na kape. Inilapag niya sa harap ko ang isa at ang kanya nama'y hawak niya. Ininom niya ito bago ibinaba sa lamesang pinagigitnaan naming dalawa. Hindi ko ginalaw ang kapeng tinimpla niya. Nakatingin lang ako sa kanya't kinakabahan. Hindi ko alam kung anong pag-uusapan naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Campus Bromance [Published under Pop Fiction]
RomanceUDMC Boys Series #1 Published under Summit Media's Pop Fiction! "Huling taon na ni Sedric sa kolehiyo at pakiramdam niya ay ito na rin ang huli niyang pagkakataon upang masabi ang matagal na niyang nararamdaman para kay Liam. Ang lalakeng halos...