SEDRIC
Ang dapat sana'y alas nuebe kong klase ngayong araw ay naging alas sais.
Kaya't alas cinco pa lang ay mulat na ang mga mata ko kahit gustong-gusto ko pang matulog. Paano ba naman kasi itong si Sir Guardiano? Kung magpabago ng oras ng klase ay wagas. Biruin mo, alas onse ng gabi ay magte-text siya sa amin na mas maaga ng tatlong oras ang klase namin sa kanya kinabukasan?
Wala naman na akong nagawa at nag-prepara na lang para sa pagpasok sa klase niya. Kesyo, may mahalaga raw kasi siyang anunsyo ngayong araw. Mautak rin kasi talaga si Sir Guardiano, eh. Kapag alam niyang vacant ang oras namin na 'yon, imu-move niya roon ang klasae niya. Madalas kasi ay may pinupuntahan ito at parang palaging nagmamadali.
Nang makalabas ng dorm at makapasok sa classroom, hihikab-hikab akong umupo sa aking upuan. Binati rin pala ako ng katabi kong si Blake na ginantihan ko lang ng pagngiti. Hannah waved at me. Nakita ko rin sa likuran si Brent na nakangiting tinanguan ako. I greeted them with a smile.
"Good morning, class!" Nagsitahimikan ang lahat sa loob ng classroom nang dumating si Sir Guardiano. Mukhang hindi pa ito naliligo dahil sa itsura niya. May dalang libro at isang plastic cup ng kape. "Sorry for the short notice. Alam kong hindi niyo gustong gumising ng ganito kaaga pero I have to settle this with you now. Hindi ko na ito magagawa mamaya dahil may pupuntahan ako." As I thought he would say. Tama nga ang hula ko.
Nagbulong-bulungan na naman 'yong mga kaklase kong babae na tila na-intriga sa anunsyong gagawin ni Sir Guardiano. Ako naman, para pa rin akong lantang gulay dahil wala talaga ako sa mood para intindihin kung ano man 'yon. I badly need some sleep now. Ala una na ako nakatulog kaninang madaling araw dahil sa pag-iisip.
"Like last year, magkakaroon ulit ng academic-related fieldtrip sa klase ko. Ang fiedtrip na gagawin niyo ay gagamitin niyo to produce an output for your project this month." Panimula niya at nang sabihin niyang fieldtrip pala 'yon, na-excite ang mga kaklase ko. "Your output will be a video presentation in which you will showcase the beauty of the place we are going to. And don't worry because this will be a pairing project. Your seatmates will be your partners." Nang sabihin niya 'yon, napatingin ako sa katabi ko. Blake's also looking at me, nakangiti ito.
Tuwang-tuwa ang mga kaklase ko sa unahan at likuran. Even Hannah, kahit hindi nito ka-partner ang nobyong si Brent. Halatang sabik na sabik ang mga ito sa fiedtrip na iyon. Still, hindi ako na-excite. Hanggang sa fieldtrip kasi ay may halo pa ring academic-related stuff.
Nagulat ako nang tapikin ni Blake ang balikat ko. "Partner daw tayo," nang tingnan ko ito, labas ang dalawang biloy nitong nakangiti. "Is that okay with you?" Pagtatanong pa nito kaya't nakangiti ko siyang tinanguan.
"O-Oo naman," sagot ko rito.
Parang nagbalik 'yong nangyari sa gym when Coach Melvin paired us with our teammates at si Carter 'yong nabunot ko. Halos gano'n rin ang reaksyon ni Carter kay Blake. I can't help but to recall that time.
"The fieldtrip will be tomorrow." Lahat kami ay nagulat dahil sa anunsyo pang iyon ni Sir Guardiano. "Yes, you've heard it right. And take note, class. Kasama ninyo sa fiedtrip na 'yon ang mga Computer Engineering students. Isang buong araw at gabi lang 'yon kaya't inaasahan ko kayong kumalap ng mga litrato ng lugar para sa video presentation ninyo. Maliwanag ba?" Ang paliwanag pa nito at lahat kami ay sumang-ayon sa kanya.
Hindi na bago sa akin ang mga ganitong short notice announcement ni Sir Guardiano dahil madalas naman niya itong ginagawa kaya hindi na ako sobrang nagulat. Ang ikinabigla ko lang ay ang makakasama naming department sa fieldtrip na gaganapin bukas. Computer Engineering ang course ni Carter kaya hindi ko malayong magkita kaming dalawa. At hindi ko rin alam kung paano ako a-akto kapag nangyari 'yon.
Binigay din sa amin ni Sir Guardiano ang ilan pang detalye ng fieldtrip bukas. Alas cinco pa lang daw bukas ay dapat nasa labas na kami ng campus dahil maghihintay doon ang bus na sasakyan namin papunta sa lugar. Basically, we'll be camping out rin kaya binilin nito sa amin na magdala ng sapat na kagamitan for our own good.
Na-dehydrate yata ako dahil sa discussion ni Sir Guardiano kanina kaya when he dismissed the class, nagpasya akong tumungo na sa cafeteria. Busy si Hannah at Brent sa pagku-kwentuhan ng mga dadalhin nila sa fieldtrip bukas kaya hindi ko na sila niyaya.
Papasok pa lang ako sa entrance ng cafeteria nang biglang may kamay at brasong umakbay sa akin. Nang lingunin ko 'to. It was Blake.
"Pwedeng sumabay, partner?" Nakangiti nitong sabi sa akin. Na-weirduhan ako dahil pwede naman niya akong tawagin sa pangalan ko pero pinipili niyang tawagin ako ng gano'n. "Gutom na rin ako, eh. Hindi pa ako nagbe-breakfast dahil ang aga ng klase ni Sir Guardiano." Pagku-kwento nito nang makapasok kami sa cafeteria.
"Gano'n ba?" I tried to be polite kahit naiilang ako sa kanya dahil hindi ko naman ito ka-close. Kahapon ko lang kaya nakilala ang lalakeng ito. "Sige, order na tayo." I said at dumiretso na sa counter habang akbay pa rin ako nito.
Ngunit bago kami tuluyang makalapit roon, napukaw ng mga mata ko si Carter. Papalapit rin siya sa counter ng cafeteria at kasalukuyan ngayong nakatingin sa akin, or should I say na sa amin ni Blake? Mag-isa lang siya na sukbit ang kanyang bag sa balikat. Seryoso ang tingin sa akin at tila wala ito sa mood. Napalunok ako dahil sa kaba nang makita siya. Hindi rin nagtagal ay umiwas siya ng tingin at bigla itong tumalikod.
Same old treatment, katulad kung paano niya ako iniwasan kahapon. Hindi ko naman siya masisisi. Kung piliin man niyang iwasan ako, tatanggapin ko 'yon. Mukhang dapat na talaga akong masanay na ganito kami.
At kalimutan na lang na minsan, naging kaibigan ko siya.
BINABASA MO ANG
Campus Bromance [Published under Pop Fiction]
RomansaUDMC Boys Series #1 Published under Summit Media's Pop Fiction! "Huling taon na ni Sedric sa kolehiyo at pakiramdam niya ay ito na rin ang huli niyang pagkakataon upang masabi ang matagal na niyang nararamdaman para kay Liam. Ang lalakeng halos...