SEDRIC
Nang makatayo ako, tiningnan ko ito. Ngayo'y nakaupo na siya't tumatawa.
"Ano bang nangyari at parang takot na takot ka kanina?" He asked me, still holding the beers. "Para kang nakakita ng multo kung umatras ka," tatawa-tawa pa nitong dagdag.
Napalingon ako sa halamanan kung saan may kung anong bagay na gumagalaw kanina. "Eh, kasi may gumagalaw do'n kanina oh. Hindi ko alam kung ano pero bigla 'yong lumabas kaya napaatras akong nakapikit dahil sa kaba." Pagku-kwento ko sa kanya. "Parang kung anong itim na elemento." Paglalarawan ko sa nakita ko kanina.
"Elemento?" Natatawa nitong tugon sa akin na halatang hindi naniniwala sa sinasabi ko. "Baka naman pusang itim lang 'yong nakita mo?" Sabi niya't ibinaba ang dalawang beer sa damuhan at tumayo.
"Teka, anong gagawin mo?" Pagtataka ko nang tinungo niya ang halamanan kung saan may kumakaluskos kanina. Is he nuts? Hindi man lang ba siya natatakot na kung hindi multo ay baka ahas ang nandoon? "Hoy, Carter!" Pagtawag ko sa kanya pero hindi ako nito pinansin, nagpatuloy lang kasi ito sa pagpunta roon at tila may kung anong dinampo sa medyo madilim na parte ng halamanan.
"Ito ba 'yong sinasabi mong elemento?" Nakatawa nitong tanong sa akin when he started walking back towards me, buhat-buhat ang isang itim...na pusa? "It's Blackhead. Hindi siya elemento and he's harmless." Lumapit siya sa akin dala ang itim na itim na pusang 'yon. Dilaw ang mga mata nito at maamo. Sino bang hindi matatakot makakita ng isang malaki't balbon na itim na pusa sa gabi?
"B-Blackhead?" Hindi ko alam kung matatawa o magtataka ako kay Carter. "Bakit alam mo ang pangalan ng pusa na 'yan?" Tanong ko sa kanya. Pine-pet niya 'yon.
Binalingan niya ako ng tingin, nakangiti ito. "Alaga siya ng mga katiwala namin rito," sagot niya na medyo ikinabigla ko. Katiwala? "Lalake si Blackhead kaya madalas siyang gumala rito kapag gabi. Alam mo na, finding his true love." Sabi pa nito at tumawa.
When I heard him say the word 'katiwala', nagkaroon agad ako ng ideya na sa kanila ang lugar na ito.
"Kung gano'n, pagma-may ari niyo pala 'to?" Manghang sambit ko habang inililibot ang tingin sa aking paligid. Kaya pala kahit may restriction sign doon sa labas ay malakas ang loob niya. "It makes sense now." I added.
"This is my Dad's property." Nakangiti niyang sabi habang hinahaplos ang pusang hawak niya. "He bought this a few years ago. Isa sa mga ari-arian namin," dagdag niya habang ibinababa ang pusang kusang tumakbo palayo.
Marahan akong tumango sa kanya. Manghang-mangha pa rin ako sa mala-paraisong lugar na ito.
"Sobrang ganda rito," ang nasabi ko na lang habang binubusog ang mga mata ko sa paligid at sa tanawin ng dagat mula rito. "Ang swerte niyo to have owned this place."
Sinenyasan niya ako na umupo sa malinis na damuhan katabi siya. I sat beside him. Kinuha niya ang dalawang beer na nakalapag roon at binuksan gamit ang dala niyang bottle opener.
Nakaharap kami ngayon sa napakagandang view ng dagat na kahit malayo, kitang-kita ang bawat paghampas ng mga alon nito.
"Alam mo ba? Madalas kaming pumunta rito ng Mom ko when I was a kid." Tiningnan niya ako after he saying those words. "Kadalasan, gabi pa. Masarap kasing tumambay rito at panuorin 'yong mga bituin sa langit and also, the view of the sea from miles away. Kaya lang, when she died...bihira na lang akong pumunta rito kasi whenever I do, lalo ko lang siyang namimiss." Inabot niya sa akin ang bote ng beer na binuksan niya. Tinanggap ko iyon ngunit ang tingin ko'y napako sa kanya.
I tapped his shoulder, gently. "Kung nasaan man ngayon 'yong Mom, I know she's happy that you're here now. Alam ko rin na ayaw ka niyang nakikitang malungkot." I told him, smiling. "Isa pa, kasama mo naman ako ngayon at we're here to drink. There's no reason to be sad. Kaya ngumiti-ngiti ka na d'yan, singkit!" Dagdag ko pa, calling him 'singkit' for the first time.
He smiled at me.
"Thank you," sabi niya't pinuwesto ang bote ng beer na hawak niya sa harap ko. "I-inom na lang natin ang gabing 'to," nakangiting dagdag nito at gano'n rin ang ginawa ko.
Nasa ilalim kami ngayon ng bilog na buwan. We're literally drinking with so many stars above us. Tahimik ang buong lugar kung nasaan kami. Magkatabi't halos magkadikit na ang mga braso naming dalawa. Umiinom habang nakatingin sa view ng dagat mula rito. Ang sarap sa pakiramdam. It feels like we're alone together in this world.
Para akong nasa ibang mundo kasama ang lalakeng dati ay kinaiinisan ko ngunit ngayo'y kumportable akong katabi. I never thought that this will ever happen to the both of us. Hindi ko lubos maisip na darating 'yong gabi na magtatabi kaming dalawa sa tila paraisong lugar na ito, magkasundo at umiinom ng beer.
Tumingin ako kay Carter na nakatitig sa view ng dagat. For almost four years, ngayon ko lang nabigyang-pansin ang maamo niyang mukha. Before, all I can see is the face of a bad guy. Pero ngayon? Ang nakikita ko ay isang lalakeng inosente at isang taong totoo, hindi ang lalakeng nakita ko noon.
"Bakit ganyan ka makatingin sa'kin?" Napansin niya ang pagtitig ko nang bumaling ito sa akin. Nakangiti ito't nagtataka.
"Wala lang," nakangiti ko siyang sinagot at uminom sa hawak kong beer. "Hindi lang ako makapaniwala na mangyayari 'to. That we can be friends." Matapos bitawan ang mga salitang 'yon, tiningnan ko siya. Nakangiti itong nakatitig sa akin.
"I always wanted to be your friend," nang sabihin niya iyon ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "And thank you for giving me the chance to be a part of your world..." dagdag niya and smiled at me. Napalunok ako and don't know how to react.
Hindi ko maitatangging napangiti niya ako sa sinabi niyang 'yon pero higit do'n, napabilis niya ang pagtibok ng puso ko. I never experienced this before pero natatakot akong malaman kung ano 'tong nararamdaman ko.
Why am I feeling this way towards this guy? Bakit ngayon lang? Bakit ngayon pa?
BINABASA MO ANG
Campus Bromance [Published under Pop Fiction]
RomanceUDMC Boys Series #1 Published under Summit Media's Pop Fiction! "Huling taon na ni Sedric sa kolehiyo at pakiramdam niya ay ito na rin ang huli niyang pagkakataon upang masabi ang matagal na niyang nararamdaman para kay Liam. Ang lalakeng halos...