Chapter 8

36.9K 1.3K 85
                                    

SEDRIC

"Pwede ba tayong mag-usap?"

Ilang segundo ako nitong seryosong tiningnan bago tumalikod at kinuha ang puti niyang sando na nakapatong sa isang tabi. Sinuot niya ito bago humarap muli sa akin.

"Akala ko ba ayaw mong magpraktis ngayon? Bakit nandito ka?" Binigyan niya ako ng isang tingin na sinundan ng pagngisi. Ito ang Carter na kilala ko, ngisi pa lang ay siyang-siya na.

Lumapit ako sa kanya.

"Nagbago na 'yong isip ko." Hindi ko alam kung bakit ko sinabi 'yon. Ang dahilan ko lang naman ng pagpunta rito ay ang kausapin siya at humingi ng pasensya sa nangyari kanina.

Tumango ito't ipinasang muli sa akin ang bolang hawak niya. "Oh, game na!"

Hindi ako kumilos. Parang 'di na ito ang Carter na nakita ko kanina. Ngayo'y balik na ulit siya sa dati niyang sigla.

"Sandali lang..." pagpigil ko sa kanya at pilit pinipisil ang bola habang humuhugot ng lakas para ipagpatuloy ang gusto kong sabihin. "Gusto ko sanang humingi ng pasensya dahil bigla na lang akong umalis kanina. Salamat din sa pagligtas mo sa akin. Kung 'di mo siguro ginawa 'yon ay baka hindi na ako umabot sa ospital. Kaya salamat." Hindi ako sanay pero pinilit kong magbigay ng isang sinserong ngiti.

Napangiti ito't napailing. "Iyon lang ba? Kahit naman sino ay gagawin 'yon." Hinawi niya pataas ang kanyang buhok. "Pasensya na rin sa sinabi't kinilos ko. Mali ako roon," dagdag pa niya dahilan para 'di ko mamalayang nakangiti na pala ako.

Napailing ako sa kanya. "Sa totoo lang, tama ka naman eh. It was also my fault na tumigil sa gitna ng kalsada." I never thought I will talk like this with Carter. Ang alam ko lang ngayon, isinasantabi ko 'yong pagkainis ko sa kanya dahil iniligtas niya ako mula sa kapahamakan. "So, ano? Game?" Anyaya ko rito't sinimulan nang i-dribble ang bola.

Nakangiti siyang tumingin sa mga mata ko. "Game!"

Halos thirty minutes rin siguro kaming tuloy-tuloy na naglaro.

Nang mapagod ay pareho kaming pawisang naupo sa bleachers. Kinuha ko ang panyong dala ko't ipinunas iyon sa aking mukha. Nang tingnan ko siya'y saktong hinuhubad na niya ang kanyang suot na sando dahil basang-basa na ito. Ngayo'y hubad ang itaas na parte ng katawan niya.

Mula sa kanyang mukha, pabababa sa kanyang leeg ay ipinunas niya ang hinubad niyang sando sa pawisan niyang dibdib at tiyan. Hindi ko maitatanggi na maganda ang hubog ng katawan niya. Malaki at bilog na bilog ang naka-umbok niyang dibdib. Malaki ang braso nitong ilang ulit niyang itinaas dahil sa pagpupunas ng kanyang kili-kili. Wala rin akong masabi sa kanyang six-pack abs.

Napalunok ako dahil sa nasasaksihan ko sa aking tabi ngayon. Pilit nalang akong tumingin sa ibang direksyon dahil hindi ko maiwasang mailang sa nakahubad na si Carter.

"Pare, matanong nga kita..."

Mula sa pagtingin ko sa basketball ring, lumingon ako sa kanya. "Ano 'yon?"

He put his face towl on his lap. "Nitong mga nakaraang araw, pansin ko 'yong pagka-ilang mo sa akin. Kapag lumalapit ako, lumalayo ka. It felt like you were avoiding me before." Ngumisi siya at ako nama'y natatawang umiling. Napansin niya rin pala 'yon. Hindi ko alam na ibo-brought up niya ang ganitong klaseng topic. "Did I do you wrong?" Pahabol niya pang tanong sa akin na agad ko namang itinanggi.

Sa totoo lang, wala naman siyang ginawang masama sa akin para magalit ako nang sobra sa kanya. Kung mayroon man siguro, iyon ay noong sinundot niya ang puwetan ko noong minsang magsabay kami papunta rito sa gym. O hindi naman kaya'y iyong pagkindat-kindat niya sa akin tuwing mag-uusap kami. And I hate those actions of him.

Tiningnan ko siya nang seryoso. "Do you really want to hear what I'm going to say?" Tanong ko na may halong pag-aalangan kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoong dahilan kung bakit gano'n na lang 'yong pag-iwas ko sa kanya.

Ngumiti ito at tumango. "Oo naman! Kahit ano pa 'yan," he answered.

Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang sabihin sa kanya ang lahat. "Sa totoo lang, Carter..." huminto ako't tiningnan siya na ngayo'y nakangising naghihintay sa mga sasabihin ko sa kanya. "Ayoko sa ugali mo. Ayoko sa mga ginagawa mo. Sa pakikipagbasag-ulo mo at sa pagsasabay-sabay mo sa mga babae. Para sa akin kasi, walang matinong tao ang gagawa ng mga gano'ng bagay." Kahit ako'y nagulat rin sa sarili ko dahil nagawa kong sabihin iyon sa kanya nang diretso.

Ilang segundo siyang natulala habang nakangiting nakatingin sa akin. Animo'y 'di makapaniwala sa mga sinabi ko tungkol sa kanya.

"Straightforward ka pala, Sedric..."

Napapailing ito na natatawa nang sabihin niya iyon sa akin. Ngayon ko lang rin narinig siyang tawagin ako sa una kong pangalan. Hindi ako sanay na marinig ang pangalan ko na siya 'yong bumibigkas dahil masyado akong nasanay sa pagtawag niya sa akin ng pare.

Natawa na lang rin ako sa sinabi niya. "Pasensya na. Na-offend ba kita masyado?" Sincere ko ritong pagtatanong. "Pero alam ko namang sumobra rin ako sa panghuhusga sa'yo dahil una sa lahat, hindi pa kita gano'n kakilala." Nahihiya kong dagdag at nahihiya rin akong tumingin sa nakangiting si Carter ngayon.

His dimples got deeper when he smiled.

"No, it's okay." Kagat-labi niyang tugon sa akin at bumaling ng tingin sa basketball ring. "Halos lahat naman siguro rito sa campus ay ganyan ang tingin sa akin katulad mo. Isa pa, totoo namang marami akong gulong kinasasangkutan at mga babaeng pinagsasabay-sabay. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit gano'n na lang 'yong pagkainis mo sa akin..." Marahan itong binalingan ako ng tingin. Nakangiti siya ngunit kita ko sa mga mata niya na hindi naman siya masaya.

Para tuloy akong na-guilty dahil sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Minsan pala, nakakasakit rin magpakatotoo. Ngayon ko lang nakita siyang ganito. Kung kanina'y nakita ko ang ibang side ng Carter na hindi ko pa nakikita, ngayo'y isang Carter na may lungkot sa mga mata naman ang nakilala ko. Walang halong angas at kayabangan.

Siguro ay mali nga talaga ako na hinusgahan ko siya agad at pinakita sa kanya kung gaano ko siya kinaiinisan without letting him know why. Do I really need to give him a chance para mas makilala pa siya bukod sa napakapangit niyang image rito sa campus? Do I?

"Sorry talaga. Ikaw naman kasi, eh..." huminto ako't binalingan siya ng tingin.

Napailing siya. "Wala 'yon, maliit na bagay."

Sinamaan ko siya ng tingin bago ngumiti. "Masyado lang rin akong nadala ng inis sa'yo pero huwag kang mag-alala, sa susunod ay 'di na kitang iiwasan." Hindi ko alam kung anong puwersa at saan nanggaling ang mga salitang 'yon pero nang tingnan ko kasi siya sa mga mata, awa at guilt ang nararamdaman ko. "Hindi ko maipapangako na hindi na ako maiinis sa'yo pero ano pa bang magagawa ko ngayong bukod sa ka-team kita ay ka-partner rin kita sa basketball practice. Kung gusto mo, pwede naman tayong maging magkaibigan." Diyos kong mahabagin, 'di ko alam kung bakit ko sinabi iyon kay Carter pero huli na at hindi ko na mababawi pa.

"Talaga?" Hindi makapaniwala niyang reaksyon.

Tinanguan ko lang siya't nag-alok ng pakikipagkamay. "To be formal..." sabi ko. "Sedric nga pala. HM student." Alam kong ang korni no'ng pagpapakilala ko base sa pagtawa niya.

Napailing ito't tinanggap ang pakikipagkamay ko. "Carter Ong, ang nag-iisang hearttrhob ng Computer Engineering department." Matapos sabihin iyon ay kinindatan niya pa ako dahilan para matawa ako sa kanya. Iyon lang ata ang pagkindat niyang hindi ko kinainisan.

Nagtawanan kaming dalawa.

Hindi ko in-expect na ganito ang magiging takbo ng araw na 'to. Who would have thought na ito 'yong araw na ako mismo 'yong mag-aalok ng pakikipag-kaibigan sa isang taong kinaiinisan ko? Kahit nga ako ay hindi ko inasahan iyon

Nang mapansin ang oras sa suot kong relo, nagpaalam na rin ako kay Carter para umalis at magtungo sa natitira kong klase ngayong araw.

Campus Bromance [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon