SEDRIC
Nagising ako sa loob ng isang hindi pamilyar na kwarto.
Bumungad sa mga mata ko ang naglalakihang mga posters ng kilala at sikat na basketball teams sa mundo. Hindi ito ang kwarto ko at hindi ko alam kung paano ako napunta rito. Nasaan ba ako? Kaninong kwarto 'to?
Wala akong masyadong maalala sa mga nangyari kagabi.
Kapag pinipilit ko ang sarili kong alalahanin ang lahat, lalo lang sumasakit ang ulo ko. Alam kong naparami ang inom ko ng beer kagabi at ngayo'y pinagbabayaran ko na 'to ngayon.
Ang huling naalala ko lang, umalis si Liam kaya't nagpatuloy ako sa pag-inom. Pagkatapos no'n, pagkahilo na ang sunod kong naramdaman. Mayroon pa pala! Naalala ko na ang taong kasabay ko sa pag-alis doon sa apartment ni Brandon ay si Carter.
Nang tingnan kong muli ang paligid ng kwartong ito, mga disenyong pangbasketball at ang pamilyar na amoy ng pabango na nangingibabaw dito, si Carter ang pumasok sa isip ko. Hindi kaya kwarto niya ito? Pero bakit hindi niya ako diretsong dinala sa kwarto ko? Gayong magkatabi lang naman ang kwarto naming dalawa.
Nang mapansin ko rin ang suot kong damit ay nagulat ako. Hindi ito ang suot kong puting T-shirt kagabi. Ang suot ko ngayo'y isang malaking itim na T-shirt at ka-amoy ito ni Carter. Nakasuot pa rin ako ng pantalon ko. Ang sapatos ko nama'y suot ko pa rin.
Nasaan na ba 'yon si Carter?
Bago ko pa ma-sambit ang pangalan niya, biglang bumukas ang pinto sa harap ng kama kung nasaan ako ngayon. Lumabas mula roon ang nakatapis lang na si Carter. Mukhang katatapos lang nitong maligo dahil sa basa pa nitong buhok at katawan.
Napalunok ako nang makita ang pagdaloy ng maliliit na butil ng tubig mula sa kanyang malaking dibdib pababa sa kanyang abs. Nang tingnan ko ang kanyang mukha, nakita kong nakatingin sa akin ang singkit niyang mga mata. Seryoso ito.
"Gising ka na pala..." walang tingin-tingin nitong sambit habang nagsusuot ng kanyang underwear bago tanggalin ang tuwalyang nakatapis sa kanya. "Kung tatanungin mo kung bakit nandito ka at wala sa kwarto mo, iyon ay dahil wala kang susi na dala kagabi. I've searched it all over your pockets pero wala akong nakita." Seryoso ako nitong binalingan ng tingin. He's now starting to wear his pants.
Napailing ako dahil sa pagka-dismaya. Malamang ay dahil sa sobrang excitement at pagmamadali ko kagabi na pumunta sa apartment ni Brandon ay naiwan ko ang susi sa loob ng dorm room ko. What a hassle!
"Nasaan 'yong damit na suot ko kagabi?"
Tiningnan ako nito matapos niyang masuot ang kanyang pantalon. "Ayun," itinuro niya ang puti kong damit na nakalagay sa hamper, sa gilid ng kama. "Masyado kang maraming nainom kaya 'di na kinaya ng tiyan mo. Muntik mo pa nga akong ma-sukahan, eh. Pinasuot ko 'yan sa'yo kasi masyado nang marumi ang damit mo." Naka-pamewang nitong tugon.
Nakaramdam ako ng hiya matapos niyang sabihin iyon. "Pasensya na. Salamat nga pala sa pag-alalay sa akin kagabi..." sabi ko't hindi niya pinansin iyon dahil ngayon ay nagsusuot na siya ng kanyang sapatos. "Hindi ba magagalit si Henry na dito mo 'ko dinala?"
Binalingan ako nito ng seryosong tingin. "Walang magagalit dahil kama ko 'yang inuupuan mo," sagot niya't tumayo na mula sa pagsisintas ng sapatos.
Tinanguan ko siya at bahagyang napangiti. "Salamat ulit..." I looked at him. "Baka hindi na ako nakabalik rito sa campus if you weren't there last night." Sincere kong sabi sa kanya.
Nginisian ako nito. "Sa susunod, huwag ka na lang magpakalasing nang sobra." Kinuha niya ang tuwalya't ipinunas sa buhok niya. "Baka ilaglag mo na naman 'yang sarili mo..." he added that makes me confused.
BINABASA MO ANG
Campus Bromance [Published under Pop Fiction]
RomansaUDMC Boys Series #1 Published under Summit Media's Pop Fiction! "Huling taon na ni Sedric sa kolehiyo at pakiramdam niya ay ito na rin ang huli niyang pagkakataon upang masabi ang matagal na niyang nararamdaman para kay Liam. Ang lalakeng halos...