Chapter 28

34.5K 1.2K 203
                                    

SEDRIC

Nagising ako pasado alas siete na ng umaga.

I made myself a coffee at humarap sa laptop ko, checking all the notifications I received last night. Oo nga pala, September na ngayon. Napakabilis ng pagdaan at paglipas ng mga araw. Ilang araw na lang ay Basketball Tournament na.

Sa Facebook page ng UDMC, may isa poll na naka-pinned.

Sino sa tingin niyo ang mananalo sa darating na basketball tournament ngayong taon?

Uno Del Mundo Colleges – 70% votes

East Ferrer University – 30% votes.

Napa-rolyo ang mga mata ko dahil do'n. Natural, page ng campus namin ang nagpost kaya mas lamang ang aming koponan. Still, masaya pa rin ako na maraming sumu-suporta at naniniwala sa team namin kahit alam ng lahat na mahirap na kalaban ang basketball team ng EFU.

Habang patuloy sa pag-inom ng kape sa couch, napukaw ng mga mata ko ang isang litrato na nakalapag sa lamesa. Kinuha ko 'yon. Picture namin 'yon ni Carter na kinuhanan sa isang booth kahapon, katabi ang mga ipininta naming mukha ng isa't isa. Napangiti ako habang inaalala 'yon.

While looking at Carter's smiling face on the picture, naalala ko bigla iyong nangyari kagabi. We almost kissed. I tried to get away with that thought at tumayo na para magprepara sa basketball practice namin ng team ngayong araw.

After an hour of fixing myself, lumabas na ako ng dorm na suot ang dilaw na pares ng jersey naming panglaro. At dahil nga the tournament is near, exempted kaming mga players ng team sa lahat ng klase ngayong araw hanggang matapos ang competition.

Nang malapit na sa gym, I saw my cousin Brandon. Sa itsura nito'y maayos na ang lagay niya. Ngunit ang mga bakas ng sugat sa kanyang mukha'y nando'n pa rin.

"Kaya mo na bang maglaro?" I asked him habang papasok kami sa loob ng gym. "Ilang araw lang 'yong nakalipas at dapat nagpapagaling ka pa," I advised him pero ngumiti lang ito.

Ginulo ang buhok ko. "Salamat sa concern, pinsan. Pero okay na ako," sagot niya. "Saka, I don't wanna miss kung anong sasabihin ni Coach Melvin sa harap ng team mamaya." Napatingin ako sa kanya when he said that.

"What do you mean? May bagong announcement si Coach ngayong araw?" Diretsahang tanong ko kay Brandon with confusion. Hindi kaya na-moved ang tournament?

"You'll know it later, Sed." Ang sabi niya lang at tinapik ang balikat ko bago kami makarating sa mga ka-team naming kumpleto na sa loob ng gym.

Bagamat ay lito pa rin sa kung anong sasabihin ni Coach Melvin, pinili kong umupo katabi ang nakangiting si Carter ngayon. I smiled at him. Naiilang pa rin ako pero isinantabi ko iyon dahil sa practice namin ngayong araw.

Nandito rin pala ang walanghiyang si Ernie. Ang kapal talaga ng pagmumukha nito. Nagawa niya pang pumunta rito? Matapos ang ginawa niya kay Brandon?

When he looked at me, nginisian niya akong mala-demonyo. Hindi ko siya pinansin. Nagtaka tuloy ako kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari para at least ay matanggal siya sa team.

Si Carter naman, hindi ko alam kung bakit nakangiti ngayon sa tabi ko. I want to ask him if he's having a good day pero hindi ko na ginagawa dahil masaya na akong makita siyang ganito. Isa pa, ayokong nakikita siyang malungkot katulad kagabi.

Natigil ang ingay ng mga ka-team kong nagka-kantiyawan nang dumating si Coach Melvin. Seryoso ang mukha nitong humarap sa amin. Mukhang sa itsura nito, hindi siya natutuwa. Or should I say, bad mood siya ngayon?

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," ang panimulang sabi nito habang seryoso ang mukhang nakaharap sa amin ngayon. Lahat kami'y natuon ang atensyon sa kanya. "May nakarating sa aking balita na may isang miyembro ng team na may ginawang ikinasama ng kapwa niya ka-team. The campus administration commanded me to kick that certain someone from the basketball team. At ikaw 'yon, Ernie..." walang pala-palabok at diretsahang anunsyo ni Coach Melvin na ikinagulat ng lahat, lalo na ni Ernie.

Hindi ako nagulat pero ngayon ay alam ko na kung ano ang tinutukoy ni Brandon kanina. And when I looked at my cousin, nakangiti ito. Imbes na magulat ay napangiti ako dahil sa narinig mula kay Coach. Nagkatinginan rin kaming dalawa ni Carter. Nakangiti ito sa akin.

Is this the reason kung bakit siya masaya? But why am I the only who didn't know about this earlier?

Napatayo si Ernie mula sa pagkakaupo. "Ako?!" Gulat at hindi makapaniwala nitong reaksyon. "Coach naman, bakit naman ako?! Hindi ba dapat 'yang si Martinez ang matanggal sa team dahil bakla siya? Hindi maaari 'to, Coach! Hindi ako makakapayag na aalis ako sa team nang hindi rin matatanggal ang baklang 'yan!" Laban na laban nitong sigaw na itinuro ako mula sa kinauupuan ko.

But before I could even speak a word, naramdaman ko ang paghaplos ni Carter sa likuran ko. Nang tingnan ko siya, seryoso ang kanyang mukha. As if he's telling me to hold back and let Coach Melvin take care of it. Kaya huminahon ako.

"Shut up, Ernie! Wala ka nang magagawa dahil mismong pamunuan na ng school ang nagdesisyon." Paliwanag ng halatang galit nang si Coach Melvin. "Para sa kaalaman mo, dalawang tao ang nagreport sa akin at sa pamunuan ng ginawa mo kay Brandon. May nakakita rin sa'yo sa muntik mo nang pananakit kay Martinez sa loob pa mismo ng gym! Wala ring batas ang school na nagbabawal sa kahit anong sekswalidad para maging parte ng basketball team. Kaya kung ayaw mong lumala pa ang sitwasyon na kinasasangkutan mo, tumahimik ka." Pagpapaliwanag nito nang mariin kay Ernie na ngayo'y hindi na makapagsalita.

Wala itong nagawa nang senyasan siya ni Coach Melvin na umalis. Kinuha nito ang bag niya't isinukbit sa kanyang balikat. Nakayuko ito at parang nalugi sa kanyang itsura. Bago pa ito umalis ay tiningnan niya ko't sinamaan ng tingin. What I did? Nginisian ko lang siya.

I can't explain how happy I am now ngayong wala na ang Ernie na 'yon sa team. Kahit papaano'y nabigyan ng hustisya ang pangbubugbog niya sa pinsan ko at ang pamamahiya niya sa akin sa buong campus. Lucky him, team lang ang nawala sa kanya.

When he left, one of my teammates asked Coach Melvin.

"Paano na 'yan, Coach? Kulang na tayo ng isang member. Sinong papalit kay Ernie?"

Agad namang sumagot si Coach. "Huwag kayong mag-alala, nagawan ko na ng paraan 'yan." Nagpatuloy siya sa pagsasalita habang halata ang kasabikan sa kanyang mukha. "Napagdesisyunan kong ibalik ang dating miyembro ng basketball team natin. At sa pagbabalik niya, mas malakas ang chance na maipanalo natin ang paparating na basketball tournament..." nakangiti nitong sabi ngunit bago pa siya magpatuloy sa pagsasalita, isang tao lang ang pumasok sa isip ko.

And before he could say his name, nakita ko na ang papalapit na si Liam. He's finally back.

Campus Bromance [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon