Chapter 19

37.6K 1.2K 148
                                    


SEDRIC

Dalawang araw na ang nakalipas mula noong araw na nalaman ko kung sino ang totoong nasa likod ng pagkakalat ng mga papel sa campus, upang siraan at ipahiya ako.

Kinausap na rin ako ni Liam tungkol sa bagay na 'yon. He personally viewed the campus CCTV footages, granted by its administration. Sinabi niya sa akin na si Ernie ang nakita niya sa footages na madaling araw pa lang ay naglalagay na ng mga papel sa bawat poste ng campus.

Hindi naman ako nagulat pa dahil nauna ko na 'yon malaman kay Carter pero what shocked me ay kung gaano ka-effort ang Ernie na 'yon to destroy my image. He literally woke up before the sunrise para lang gawin ang bagay na 'yon. Hindi ko maiwasang humanga sa dedikasyon niya. Wala akong masabi!

I also asked Liam if he could do something about that bonehead. Nangako naman siyang ipaparating 'yon sa kataas-taasan ng kolehiyo para mabigyan ito ng karampatang parusa. Lalo akong napanatag dahil do'n.

Dalawang araw na rin 'yong nakalipas mula noong nagkausap kami ni Carter doon sa lumang bahay ng Mom niya kung saan niya ako dinala. At pagkatapos no'n? Hindi ko na siya nakita sa campus.

Hindi rin siya um-attend ng dalawang araw na practice naming dalawa at ng team. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. I texted him a few times para sa practice namin pero hindi naman ito tumugon. I wonder what's with him.

I don't want to jump into conclusions na naman pero napapaisip ako kung dahil ba 'yon sa pagtanggi ko noong sinabi niyang gusto niyang maging magkaibigan kami ulit.

I know, siguro ay mali ako.

I was wrong when I told him that I don't think friendship will work for us. Siguro nga ay dapat hindi ko na lang sinabi iyon sa kanya. Alam kong mali ako at na-dismaya ko siya sa sagot ko. But can you blame?

Natakot lang ako na baka kapag naging magkaibigan kami ulit ay pagsisihan na naman niya na kumaibigan siya ng katulad ko, isang bakla. Natakot rin siguro ako sa sasabihin ng iba sa akin kapag nakita nilang kasama ko si Carter. I don't want them to think that just because I'm gay, lumalapit na ako rito. Masyado kong pinangunahan 'yong mga bagay na hindi pa naman nangyayari o 'yong mga bagay na wala namang kasiguraduhan kung mangyayari ba talaga at hindi ka-praningan lang.

Maybe, the worst part of it was judging him again. Nahusgahan ko na naman siya kahit wala pa siyang ginagawa sa akin. I judged him again even when he tried to be friends with me kahit alam na niya kung anong tunay kong sekswalidad. Hindi ko agad 'yon naisip.

Para makaiwas sa masyadong pag-iisip, lumabas ako ng dormitory building at nagpasyang pumunta sa mall para bumili ng mga stock ko sa aking kwarto.

Walang pasok ngayong araw dahil dalawang araw mula ngayon, gaganapin ang Art Exhibit sa campus namin. Lahat ng department ay busy sa pagprepara ng sari-sarili nilang painting na idi-display sa isang araw. Darating rin ang iba't ibang kolehiyo na magre-represent ng campus nila kasama ng kanilang mga ipinagmamalaking paintings. At the same time, busy rin ang mga nakatalaga sa pagde-disenyo ng buong campus para sa event na 'yon.

And if you're going to ask me why I ain't helping them, hindi naman 'yon obligatory sa lahat ng mga estudyante. Isa pa, wala naman akong gaanong kaalaman sa arts. Ibibigay ko na lang 'yon sa mga marurunong at dedicated sa gano'ng larangan.

When I arrived at the mall, dumiretso ako sa supermarket para mag-grocery. Kumuha ako ng isang basket at nag-ikot ikot. Basic stocks lang ang mga kinuha ko dahil hindi naman ako 'yong tipo ng tao na maramihan kung bumili. Konting canned goods, chips, coffees and toiletries ay okay na.

Nang nasa counter na ako at nakapila, my phone rang. Si Hannah ang tumatawag kaya agad ko 'yong sinagot. Malamang kasi ay mangungulit na naman siya na sumama ako sa lakad nila ni Brent mamaya sa isang bar.

Campus Bromance [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon