Chapter 20

34.9K 1.2K 89
                                    

SEDRIC

Matapos ang lunch na 'yon kasama si Henry at si Carter, nagpasya na akong mauna sa kanila sa pagbalik sa dorm.

Henry asked me if I could stay with them for a little while but I refused. Nagdahilan na lang ako na kikitain ko ang mga kaibigan ko kahit ang totoo'y gusto ko lang talagang makauwi to escape Carter's presence.

Matapos kasi ang naging pagtatalo naming dalawa dahil sa iisang kutsara, hindi na kami nag-imikan pa. Lalong naging awkward ang lahat sa pagitan namin. Gustuhin ko man na kausapin siya kanina tungkol sa sinabi ko noong nasa lumang bahay kaming dalawa, hindi ko na ginawa. Pakiramdam ko'y wrong timing iyon.

Sa ibang pagkakataon ko na lang siguro siya kakausapin tungkol do'n.

When I got home, inilapag ko na lang 'yong paper bag na dala ko't dumiretso na ng higa sa kama. Napapikit ako sa sobrang pagod. And when I opened my eyes, pasado alas cinco na ng hapon.

I slept for almost four long hours.

Ramdam ko ang bigat ng aking katawan when I got up from bed. Hindi pala ako nakapagpalit kanina ng damit dahil sa pagod at antok.

Hinubad ko ang suot kong pang-itaas at kumuha ng sachet ng kape sa paper bag na dala ko kanina.

Hihikab-hikab akong binuksan 'yon and poured it in the mug. Gusto kong magtimpla ng kape ngayon dahil pakiramdam ko'y busog pa rin ako mula kanina at hindi pa natutunawang mabuti.

When I was about to pour the hot water from the kettle, bigla namang nag-ring ang cellphone na nasa bulsa ko.

I put down the kettle. Kinuha ko ang cellphone mula sa aking bulsa na patuloy pa rin sa pagri-ring. Nang makita ko kung sino ang tumatawag, nagtaka ako.

It's my cousin, Brandon.

Ngunit nang sagutin ko iyon, boses ni Faye ang agad kong narinig. Malungkot at halata ang paghikbi niya sa kabilang linya.

"Sed, pwede ka bang pumunta rito sa apartment ni Brandon?"

"Bakit? Anong problema?" I asked.

"May bumugbog kay Brandon at ngayon, marami siyang sugat sa katawan. Come here now, please..."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Nangibabaw ang kaba at pag-aalala ko para sa pinsan kong si Brandon.

"Oo, pupunta na ako ngayon d'yan!" I hurriedly ended the call.

Tinalikuran ko ang kapeng tinitimpla ko't agad na nagsuot ng pang-itaas na damit. Dali-dali akong lumabas ng dorm at nagmadaling makalabas ng campus.

Mabuti na lang talaga at malapit lang ang apartment niya mula sa pinanggalingan ko kaya mabilis lang akong nakarating doon.

I saw my cousin Brandon with Faye. Nakaupo sila sa couch at pinupunasan ng kanyang nobya ng bulak ang kanyang mukha dahil sa sugat na natamo nito.

Marami siyang bangas sa mukha na halatang pinagtulungang suntukin ng kung sinong mga demonyo man ang gumawa sa kanya nito. Nakasuot ito ng sando at kita rin ang mga sugat sa kanyang mga braso na tila pinagpapalo. Nagngitngit ako sa galit nang makita ang kalagayan ng pinsan ko ngayon.

When they noticed me in front of the door, tiningnan ako ni Brandon na nanghihina dahil sa mga sugat niya. Si Faye ay halata ang kanina pang pag-iyak dahil sa mga mata niya.

Agad akong lumapit sa dalawa. "Anong nangyari, pinsan? Sinong gumawa nito sa'yo?" Kunot-noo kong tanong sa kanya habang pinagmamasdan ang kalunos-lunos na lagay nito.

"Pagdating ko rito, ganyan na siya. May mga sugat at pasa sa katawan. May mga lalakeng bumugbog sa kanya, Sed." Maiyak-iyak na kwento ni Hannah habang tinitingnan si Brandon na halos hindi na mai-mulat ang kanyang kanang mata dahil pati ito'y namamaga. "I tried to convince him to go to the hospital pero ayaw niyang makinig. Kaya tinawagan kita dahil baka sakaling makinig siya sa'yo." Dagdag pa ni Faye na ikinailing ko.

Campus Bromance [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon