SEDRIC
Siguro'y isang oras pa ang lumipas bago kami huminto sa isang tila restricted area sa tabing kalsada. Wala na ang mga building, pati ang matataong lugar at ang city vibe. Ang nakikita ko lang ngayon ay ang tahimik na kalsada at ang mga puno sa gilid nito.
Unti-unting nawala ang tunog ng motorsiklo ni Carter at napalitan iyon ng sitsit ng mga kuliglig. Bumaba na ako't tinanggal ang helmet na suot. Gano'n rin ang ginawa ni Carter ngunit ako'y naka-focus sa paligid. Obviously, this is an hour drive from where we came from at medyo pa-gubat na ang lugar na 'to. I can't see any bars in here.
Humarap ako kay Carter na ngayo'y inaayos ang buhok niya nang tanggalin ang helmet nito. "Akala ko ba mag-iinuman tayo?" Nagtataka ko siyang tiningnan. "Eh, anong ginagawa natin dito?" Dagdag kong tanong sa kanya at luminga-linga sa paligid.
"Oo, mag-iinom tayo rito." Napatingin ako sa kanya nang sumagot ito. "We didn't travel this far for nothing, Sedric." Nakangiti niyang sabi, calling me by my name. Hindi pa rin ako sanay dahil noong nakaraan lang, pare ang tawag niya sa akin.
I gave him a confused look. "Kung gano'n, dito talaga? Saka, may alak ka bang dala?" Pag-uusisa ko but he just laughed before walking towards me.
"Hindi ko naman sinabing dito mismo kung saan tayo nakatayo ngayon," tugon nito na natatawa akong tiningnan. Eh, saan pala? "Doon sa loob n'yan, doon tayo mag-iinuman." Napatingin agad ako sa itinuro niya.
Nabigla ako nang makita ang isang maliit na lagusan papasok sa isang lugar na madilim at hindi ko alam kung saan patungo. Sa itaas ng maliit na lagusan na 'yon, nakalagay ang mga katagang nagbabawal sa kahit sino na pumasok doon. Sa paligid nito'y napapalibutan ng makakapal na damo na nagpatindig sa aking balahibo.
"Are you serious?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya. "Bulag ka ba, ha, Carter? Hindi mo ba nakikita 'yong sign? Saka, tingnan mo naman 'yong itsura ng lagusan. Iisipin ko pa lang, tumatayo na ang balahibo ko." Kinakabahan kong sabi ko rito na ngayon ay tumatawa.
"Don't mind the sign. Saka, kasama mo ako kaya huwag kang matakot." He assured me with his words. Medyo nabawasan 'yong kaba ko dahil do'n. "Akala ko ba, magkaibigan na tayo? Wala ka bang tiwala sa akin?" Nagpout ito dahilan para mapailing ako sa kanya.
"Hindi naman sa gano'n," sagot ko at tiningnan 'yong maliit na lagusan papasok sa kung saan mang lupalop ng walang kasiguraduhan. "Ano ba kasing mayro'n sa loob n'yan? Ba't d'yan pa?" Pangungulit ko kay Carter na napakamot sa kanyang ulo.
"Basta! Huwag ka nang maraming tanong," marahan ako nitong itinutulak papunta doon. "Just trust me, magugustuhan mo 'to." I turned to him, nakangiti ito. His smile made me calm.
Pero still, hindi ako ang mauunang papasok sa lagusan na 'to!
"Sige na, papasok na ako d'yan pero ikaw muna ang mauna," sambit ko't nginitian siya.
Napakamot ito sa kanyang ulo't umiiling na tinitingnan ako. "Ang arte naman nito," usal niya. "Sige na, sige na! Ako na ang unang papasok. Bahala ka d'yan," nang sabihin iyo'y yumuko siya para pumasok sa maliit na lagusan na 'yon. Hindi ko akalaing sa laki niyang tao ay kasya siya roon.
Agad akong tumayo at pinagpagan ang pantalon at suot ko na kinapitan agad ng damo. Madilim ngunit dahil sa liwanag ng buwan, malinaw kong nakita ang kabuuan ng lugar kung nasaan ako ngayon. Luminga-linga ako sa paligid at namangha dahil sa hindi ko inaasahang makita rito.
Hindi pa ako nakakakita ng ganito kagandang lugar sa personal. Ngayon lang.
Patag ang lugar na may pantay na sibol ng bermuda grass. May mga bulaklak sa bawat gilid na tila ba may nagtanim nito. Para itong isang hardin na nakatago. Hindi ko inaasahang ganito kaganda rito dahil kung nasa kabilang parte pa rin ako ngayon, hindi ko iisipin na nag-e-exist ito.
Ngunit ang nagpakinang sa mga mata ko ay ang tanawin mula sa kinatatayuan ko. Ang tila larawan ng dagat na tanaw na tanaw rito kahit ang layo no'n. Kitang-kita ko ang maliliit na hampas ng alon ng dagat. Hindi ako makapaniwala sa ganda ng lugar kung nasaan ako.
Stars are visible at the night sky. Bilog na bilog ang buwan na saktong-sakto para bigyan ng liwanag ang mga nakikita ng mata ko ngayon. Para akong nasa isang paraiso.
Sa pagkamangha sa lugar, nawala sa isip ko si Carter. Nasaan na ang lalakeng 'yon?
Luminga-linga ako para hanapin siya pero walang Carter akong nakita. I started to feel nervous. Kumapit ang takot sa loob ko nang mapagtantong mag-isa lang ako rito. Is he tripping on me?
"Carter?" I called him but no he didn't answer me. "Carter! Nasaan ka?" I tried to be calm pero nilalamon na ako ng takot sa pag-iisip na iniwan na talaga niya ako rito.
Malawak 'tong lugar kaya naglakad-lakad ako para hanapin siya. I thought, he's just hiding somewhere here. Pero mukhang wala na talaga siya rito.
Lalo akong kinabahan when I heard something. Napa-atras ako nang marinig ang pagkaluskos ng halaman sa harapan ko. Parang may kung anong nandoon at patuloy sa paggalaw ang halaman. Hindi ko ito maaninagan. Tumaas ang balahibo ko dahil sa takot.
Umatras ako lalo nang mapansing tila may kung anong dahan-dahang lumalabas mula roon sa halamanan. Nakaramdam ako ng takot. May kung anong itim na elementong lumalabas doon. Nang tuluyan 'tong lumabas mula roon ay mabilis akong napapikit habang patuloy sa pag-atras.
Ngunit sa pag-atras ko'y tumama ang likod ko sa kung anong bagay na matigas. Haharap pa lang sana ako ngunit nawalan na ako ng balanse at natumba. Ngunit nang imulat ko ang aking dalawang mata, hindi iyon isang bagay, kung 'di tao. Tao ang nabangga ko sa aking labis na pag-atras. At ang taong 'yon ay si Carter.
Nakapatong ako sa kanya. Pareho kaming bakas ang pagkagulat sa aming mukha. May hawak siyang dalawang bote ng beer sa magkabila niyang kamay. Napalunok ako at natigilan sa posisyon naming dalawa. Ramdam ko ang tigas ng dibdib niya sa akin. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.
"A-Ang bigat mo..." he said, looking at me. "Naiipit masyado si Junior." Nakangiti nitong dagdag and when I heard that, dali-dali akong kumuha ng buwelo para tumayo.
BINABASA MO ANG
Campus Bromance [Published under Pop Fiction]
RomanceUDMC Boys Series #1 Published under Summit Media's Pop Fiction! "Huling taon na ni Sedric sa kolehiyo at pakiramdam niya ay ito na rin ang huli niyang pagkakataon upang masabi ang matagal na niyang nararamdaman para kay Liam. Ang lalakeng halos...