Chapter 18

37.1K 1.2K 64
                                    


SEDRIC

Sumunod lang ako sa kanya hanggang makalabas kami ng gate.

Hindi na nga kami naka-attend sa practice ni Coach Melvin ngayong umaga, hindi pa ako nakapasok sa unang klase ko. Kung hindi lang talaga siya mapilit at kung 'di lang alas tres ang sunod na klase ko mamaya, hindi ako sasama sa kanya. In the first place, bakit nga ba ako sumasama sa lalakeng 'to? Ano bang ginagawa ko ngayon?

Nang makalabas ng campus, naglakad siya patungo sa isang eskinita na nasa kabilang kalsada. Sumunod ako sa kanya. Maaga pa lang pero madilim sa loob ng eskinita na 'to. Natatabunan ng mga malalaking puno ang itaas nito kaya kapag tumingala ka, hindi mo makikita ang langit.

When we finally got inside, may mga bahay doon ngunit tila walang nakatira. Ang disenyo ng mga bahay na mukhang abandonado ay parang noong nineties pa. Napapaligiran na nga ito ng mga damo sa paligid. Ngunit kung may isang bahay na mukhang maayos pa, iyon ay ang bahay kung saan nakaharap si Carter.

Katulad ng ilan sa mga bahay na nakita ko, luma na rin ang disenyo nito pero makikita mo 'yong pagka-elegante kahit sa kalumaan. Dalawang palapag 'yon, base sa tingin ko rito mula sa labas. Pero teka, anong ginagawa namin dito? Bakit dito niya ako dinala?

"Bakit nakatigil ka pa d'yan?" Nabigla ako nang magsalita si Carter. Seryoso ang tingin nito sa akin bago ako nginitian. "Hindi 'yan haunted house. Huwag kang matakot," napapailing nitong sabi habang nakangiti. He's referring to the house in front of him.

Kunot-noo ko siyang sinagot. "May sinabi ba akong haunted house 'yan? Saka, hindi ako natatakot dahil hindi naman 'yan mukhang nakakatakot eh." Sagot ko sa kanya at napailing ito habang hindi pa rin inaalis ang kanyang ngiti. "Ano ba kasing ginagawa natin dito? Now that we're here, ano na?" Bagot na dagdag ko rito.

"Sumunod ka..." utos nito sa akin at naglakad papasok doon sa lumang bahay.

Sa pagkabigla ko, sinigawan ko siya. "Trespassing 'yang ginagawa mo!" Nanatili ako sa kinatatayuan ko at siya'y sumulyap sa akin bago siya tuluyang makapasok sa nangangalawang nang gate no'n. "Kaya mo ba ako dinala rito para magnakaw ng mga bagay na antigo d'yan sa loob? Hoy, Carter! Mahiya ka naman. Ayokong makulong, 'no!" Kinakabahan kong sabi sa kanya.

Bumalik ito at hinarap ako na ngayo'y tawang-tawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko sa kanya? Ayoko naman talagang magnakaw at makulong, eh. Idadamay niya pa ako!

"Seriously?" Ang kanyang na-usal sa pagitan ng kanyang paghalakhak. Sinamaan ko siya ng tingin. "Tingin mo talaga dinala kita rito para magnakaw? That's hilarious of you!" Tawa pa rin ito nang tawa kaya lalo akong nainis.

"Eh, kung hindi pala, bakit mo 'ko dinala rito? Saka, ba't bigla-bigla ka na lang papasok d'yan? Mamaya, dumating pa 'yong may-ari eh." Inis na tugon ko rito na tumigil na sa pagtawa niya.

Napapailing itong tumingin sa akin. "Para mapanatag ka, sasabihin ko na ang totoo." Then he looked at the old house. "This was my mom's house. Hindi ko na ito masyadong napupuntahan kaya naisip kong pumunta ngayon. Gusto kitang dalhin dito para makita mo 'to." Nang sabihin niya 'yon, naalala ko na naman 'yong kwento ni Hannah sa akin. About his mom na namatay dahil sa isang aksidente.

"So, this is yours?" Hindi ako halos makapaniwala. "Pero bakit abandonado na?" I can't help but to ask him.

Tiningnan ako nito nang seryoso. "She died," may lungkot sa tono ng boses niya. "That was many years ago. Bago siya mawala, sinabi niya sa akin na puntahan ko ang bahay na 'to paminsan-minsan." Matapos sabihin iyon, nakangiti itong nakatingin sa akin.

Marahan akong napatango. "Eh, bakit hindi ka nalang dito tumira?" Lumapit ako sa gate no'n na bukas na. "Mukha namang disente sa loob, eh. Hindi lang gano'n ka-ayos rito sa labas." Sambit ko't tinuro ang mga damo't abandonado na ring mga bahay. I wonder what happened to this place. Parang iniwanan na 'to ng mundo.

Campus Bromance [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon