Chapter 27: Her Broken Heart

388 18 5
                                    

Adellaine's POV

Pupunta na ako ngayon sa room nila hana, hindi ko na talaga kaya dahil sobrang sakit na talaga ng nararamdaman ko parang gusto ko nalang umupo sa isang tabi at umiyak buong araw. Nag sinungaling siya sa akin, siguro nga di niya talaga ako mahal at pampalipas oras niya lang ako.

Nandito na ako ngayon sa tapat ng pintuan ng classroom nila hana at kakatok na ako.

*toktoktoktoktok*

"Can I talk to my cousin for a while" pakiusap ko sa teacher at tinawag naman nito si hana.

Hana's POV

naglelesson kami ng bigla akong tinawag ng teacher ko at sinabing may nagtatawag daw sa akin, nagtaka naman ako kung sino yun at pagtingin ko, si adellaine pala yun, mugto pa ang mata niya kaya agad naman ako tumayo at nilapitan siya agad.

Pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya ay agad naman itong yumakap sa akin at nagsimula ng mag-iiyak.

"What happened?" tanong ko at parang naluluha narin dahil talagang ramdam mo sa iyak niya ang sakit.

Di parin siya tumitigil sa pag-iiyak pero pinipilit ko siyang sabihin kung ano ang problema niya, ayoko man pangunahan siya pero mas okay kung ilalabas niya.

"I trusted him but he broke it" sabi niya habang humahagulgol.

Sino naman kaya ang tinutukoy niya, wala akong ka-ide ideya dahil halos isang linggo na kaming di nagsasabay pumasok.

"Who? Who hurt you?" Tanong ko sa kanya habang inaakay na papuntang parking lot.

Balak ko siyang dalhin sa isang lugar na pinupuntahan ko kapag may problema ako.

Habang nasa kotse na kami ay di parin siya tumitigil kakaiyak, siguro nga ay napakasakit ng nararamdaman niya ngayon, di ko mapapatawad kung sino man ang nagparamdam sa kanya nito.

Nasaktan na siya noon at wala akong nagawa pero ngayon hinding hindi ko na hahayaan na masaktan pa uli ang pinsan ko.

Nakarating na kami dito sa lugar na sinasabi ko, isa siyang mataas na lugar pero bangin na ang nasa dulo nito, halos konti lang rin ang tao na nakakaalam ng lugar na ito dahil masyadong tago ito.

"Ilabas mo lang lahat, isigaw mo, makikinig lang ako" sabi ko sakanya.

Sa una ay parang ayaw niya pang gawin pero di kalaunan ay nagsisigaw na rin siya habang umiiyak.

Ayaw ko man siyang kaawaan, pero ngayong araw na to ay talagang nakakaawa siya, kahit sino talagang tao ang makakakita sa kanya ng lagay na to ay paniguradong kakaawaan talaga siya

"NAKAKAINIS KA JUNICHIRO! SASAGUTIN NA NGA KITA EH PERO MALALAMAN KO NA MAY SOON TO BE FIANCEE KA NA. AKALA KO PA NAMAN IBA KA SA IBANG LALAKI PERO KAPAREHAS KA LANG PALA NILA, WALA KARIN ISANG SALITA, AKALA KO BA MAHAL MO KO AT MAGHIHINTAY KA KAHIT HABANG BUHAY? PERO WALA HINDI MO TINUPAD. SA LAHAT NG PANGAKO MO KAHIT NI ISA WALA KANG TINUPAD.MAGKAPAREHAS LANG KAYO NI KAEDEN. NILOKO NIYO LANG AKO, PINAASA NIYO LANG AKO. SINABI NIYONG MAHAL NIYO KO PERO SA HULI AKO LANG PALA ANG NAGMAMAHAL! AKALA KO TOTOO KA PERO HINDI! SANA DI KA NALANG UMAMIN, SANA DI MO NALANG SINABI NA MAHAL MO KO, SANA DI NALANG TAYO NAGKITA, SANA LAHAT NG MEMORIES NA MERON TAYO, SANA LAHAT NG YUN MAG FADE NALANG KASI ANO PA BANG SILBI NUN EH SA TUWING NAAALALA KO YUN, MAS LALO LANG AKO NASASAKTAN" sigaw niya

Di ko akalain na ganun na kadaming sakit ang tinatago niya.

Nilapitan ko siya at niyakap, bakit ganito ang nararamdaman niya eh wala naman siyang ibang ginawa kundi ang mahalin lang ng lubos ang taong gusto niya.

"Bakit di ko magawang magalit sa kanya?"

"Bakit sa kabila ng ginawa niya, eh kahit konting galit ay wala akong nararamdaman"

"Gusto kong magalit sakanya pero di ko magawa dahil mahal ko siya, mahal na mahal ko siya" sabi pa nito habang humihikbi.

"Bakit lagi nalang ako nasasaktan? Masama ba akong tao? Ang mali ko lang naman ay nagmahal lang ako ng sobra" sabi pa niya at umiiyak parin.

Nasasaktan rin ako pag nakikita ko siyang nasasaktan. Ayoko ng ganito siya mas gusto ko nakikita yung masayahin at napaka clumsy na adellaine.

"Siguro pagsubok lang to sayo, para timbangin kung gaano ka na katatag, magpakalakas ka. Siguro hindi talaga siya para sayo, siguro isa lang siyang pagsubok na dadaan sa buhay mo para kapag nahanap mo na talaga ang para sayo ay alam mo na kung ano ang tama at mali. Para sa susunod na magmahal ka uli, hindi ka na masasaktan pang muli, siguro masasaktan ka pero sabay niyong sisikapin na maiayos yung problema." Mahabang pag eexplain ko sakanya.

Ano ba yan, nagiging love expert na ako eh wala nga akong love life. NBSB.lol

"Sa tingin ko, kahit kelan ayoko ng umibig, ayoko ng magtiwala, sawang sawa na akong masaktan, sana kasi di ko nalang sila nakilala eh, kung alam ko lang na mangayare to edi sana ako na mismo ang lumayo at di ko na hinayaan na mahulog ang loob ko sa kanila" sabi pa niya.

Ang hirap talaga payuhan ang taong sarado ang puso at isip, walang pinakikinggan.

"Alam mo wag mo sabihin na sana hindi mo nalang sila nakilala kasi alam mo sa sarili mo na minsan ka rin nila napasaya" sabi ko pa.

"Bakit kasi di nalang happy ending agad at wala ng pasakit pa" mahinang sabi niya.

Napabuntong hininga nalang ako at sinagot ang tanong niya gamit ang isang quote na narinig ko nun.

"Alam mo kasi may narinig akong quote nun ang sabi kasi dun"

"Before alice goes to wonderland, she had to fall."

"Parang mga tao lang kailangan natin maka pass through sa mga hardships bago tayo makarating sa happy ending" sagot ko sakanya

"Bakit kasi di nalang sila magstay sa buhay natin at puro happy nalang at wala ng ending" sabi niya pa.

Napapa facepalm na ako eh, ganito ba talaga pag heartbroken, madaming tanong? Feeling ko tuloy hugot na ako ng hugot.

"Kasi alam mo, you have to let people go, everyone in your life are meant to be in your journey but not all of them are meant to stay til' the end" payo ko sakanya.

"Thanks sa lahat ng payo mo hana, but sa tingin ko sariwa pa ang sugat sa puso ko kaya sa ngayon di ko pa kayang i sink in sa utak ko lahat ng sinasabi mo" sabi niya pa.

"I understand, but isa lang ang tatandaan mo,palagi akong nandito makikinig sa problema mo" sabi ko at sabay yakap sa kanya.

  The Will Of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon