Chapter 11: Adellaine's Past

547 35 5
                                        

Kaeden's POV
Ngayon palaisipan sakin kung paano ko makukuha ang loob ni Ellaine ,eh halata naman na ang laki ng galit niya sakin.
Iniwan niya nga ako dito sa pool area at sinabi pang di siya nagpapatawad ng madalian.

Kalalaki kong tao, gusto kong umiyak nakakabakla.
May gusto na kaya siyang iba?
May bf na kaya siya? Pero di ko hahayaan dahil akin lang si Ellaine.

Walang pwedeng umagaw.
Ako lang ang pwede niyang mahalin.

***

Nandito na ako sa room at sinalubong naman ako ni hana.
"Magkagalit ba kayo ni lengleng"tanong niya sakin.

"Di mo alam?"tanong ko sakanya.

"Ang alin?"nagtatakang sabi niya.

"Siguro siya nalang ang tanungin mo."sabi ko naman.

At dumiretso na ako sa upuan ko at nakinig nalang ng music.

Shorin's POV

Bakit kaya siya umiyak kanina? Nakakapagtaka naman.
Tatanungin ko nalang siya mamaya dahil parang kahit si hana ay walang alam sa nangyayari.

***

Oh? Kakapasok lang ni leng at parang badtrip kaya tinanong ko siya kung okay lng siya ngunit isang matamlay na ngiti lang ang sagot niya.

Natapos ang buong klase na nakatunganga lang siya.
Okay lang ba talaga siya?

***

Pauwi na kami ngayon ng bigla akong kausapin ni lengleng.

"Riin punta ka sa bahay bukas, i'll tell you everything"she said.

i just said okay at nag thumbs up pa.

Magaabsent nalang ako bukas at icocomfort ko nalang si lengleng.

What are friends are for? Nga diba.

Adellaine's POV

Nakita ko na nag aalala si shorin kaya sinabi ko na pumunta siya bukas sa bahay and ill tell her everything pati narin kay hana.

I want to open up sa kanila dahil ayoko sarilihin ito para matulungan rin nila ako at mabigyan ng payo.

***

Nandito na ako sa bahay ng makita ko si hana sa sala.

"Gawa mo dito?" I asked

"Anong nangyare sa inyo ni kaeden nung wala ako at parang may nangyaring di maganda sa inyong dalawa?"tanong niya pa.

I just smiled bitterly and said I'll tell her tomorrow.

Dito narin daw siya muna matutulog at nagpaalam na rin siya kanina sa parents niya.

***

9:00pm na ng biglang may nagdoorbell, rinig ko dahil sa second floor lang naman ang kwarto ko.

Pagsilip ko sa bintana si shorin pala nasa labas nagulat ako kaya agad agad akong bumaba at ako na ang nagbukas ng pinto.

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto nagulat ako ng may dala siyang malaking bag at sinabing
"SLEEEEEEP OVEEEER"sabi niya ng pagkalakas lakas kaya hinatak ko na siya sa loob at tinanong kung ano bang ginagawa niya talaga dito sa bahay.

"Sleep over nga, ikwento mo na sakin biliiis"atat niyang sabi.

"Ano ba yan sino ba yang maingay na yan, gabi na eh nagiingay pa" reklamo ni hana habang pababa ng hagdan.

"Nana,andito ka rin pala"sabi ni rinrin.

"RINRIN!?,anong ginagawa mo dito?" Tanong ni hana

"Ikwekwento nya na sa atin yung past niyaaaa" excited na sabi ni rinrin.

Kaya di narin ako nakasagot at hinila na nila ako papuntang kwarto ko.

"Dun tayo sa malaking guest room, may malaking kama dun na pinagdikit dikit para tabi tabi nalang tayo"sabi ko pa.

Kaya hinila na naman nila ako at syempre ako tiga turo kung saan banda yung guestroom na sinasabi ko.

***

Nung nasa guestroom na minadali na nila ako magkwento.Hayyys

"Bilis na" pangungulit na sabi ni rinrin.

"Ready na kami gooo"sabi pa ni nana.

Kaya no choice ako kaya kinuwento ko na rin.

->FLASHBACK<-
(In america)
8 years old ako nun ng bumisita sila tita kasama si hana pero meron din silang kasama na isang lalaki na siguro mga 10 years old na. Simula nung makilala ko siya lagi na kaming naglalarong tatlo nila hana pero one time kinailangan umalis ni hana para bumalik sa korea kaya naiwan sa amin si kaeden. Okay lang naman sa akin at pati narin kay kaeden dahil bestfriends narin naman kami. Ganun lang ang nangyayare sabay kaming papasok, araw araw naglalaro at halos di na mapag hiwalay pero 1 year later kailangan narin umalis ni kaeden sa bahay dahil tapos na rin yung bahay na pinapagawa nila,pero kahit ganun lagi parin bumibisita sa bahay si kaeden kaya mas lalo kaming naging close
Makalipas ang 7 years talagang mas naging super close kami,oo kaming dalawa dahil isang beses lang sa isang taon kung dumalaw si hana.

Sa 7 years na yun 15 years old na ako at si kaeden naman ay 17. Niligawan ako ni kaeden ng mahigit isang taon. Sa isang taon na yun puro kasweetan ang ipinakita niya.Lagi niya ako pinapasaya at kahit kelan di sinaktan kaya nung saktong mag16 na ako sinagot ko na siya.

Pero di inaasahan sa 4th monthsary namin,magkikita dapat kami sa harap ng park na kung saan lagi kami naglalaro nung mga bata pa kami.Hinintay ko siya,umulan nun ng pagkalakas lakas pero walang kaeden na sumipot.1 na ng madaling araw pero andun parin ako hanggang sa makatulog ako at magising na walang kahit anino niya ay hindi nagpakita. Pinagbigyan ko siya ng araw na iyon
.
Umuwi muna ako sa bahay at naligo dahil nabasa ako ng ulan kakahintay sa kanya kinahapunan nun. After ko maligo,dumiretso agad ako sa bahay nila pero naabutan ko lang siya na may kahalikang iba at masaklap pa nun habang alam nya ng andun ako at nakikita ko ang kababuyang ginagawa niya ay di parin siya tumigil at sinabi pang

"Bakit andito ka pa? Hindi ba di na nga kita sinipot kahapon?Ano pang ginagawa mo dito?iniistorbo mo lang kami."sabi nya na nagpaiyak sa akin ng sobra.

Ayun din ang dahilan kung bakit hirap akong pagtiwalaan muli siya.5 months after nung nangyare nabalitaan kong umalis siya papuntang korea. Months after rin nung dumating si hana para sunduin ako dahil plano nga naming mag aral sa pilipinas.1 week after ng pagbabakasyon ni hana naisipan na namin umalis at pumunta na sa Pilipinas.

->FLASHBACK ENDS<-

"Ayun kaya nung banggitin mo yung pangalan niya,bigla nalang ako naluha dahil naalala ko lahat ng nangyare"sabi ko pa kay hana.

Nag sorry naman siya at halata sa mata niya na naiyak rin siya.

Pagtingin ko naman kay shorin ay parang inaantok na sya dahil sa sobrang iyak kaya tinawanan ko siya.

"Hahahaha ang pangit mo umiyak rinrin tama na yan"joke na sabi ko.

Kaya nagtawanan kaming lahat
"Nakakaiyak pala yung napag daanan mo lengleng"sabi pa ni shorin.

I just smiled bitterly at inaya na silang matulog dahil 1:30am narin.
At malamang di na kami makapasok bukas dahil anong oras na kami nakatulog eh Friday pa bukas.
Ang sabi sa akin ni rinrin hanggang Sunday daw siya dito it means mahaba haba pa kaming magsasamang tatlo kasi aayain ko si hana na dito muna siya pansamantala para masayaaa!YEEEY!

  The Will Of DestinyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon