Chapter 10: EX

563 38 4
                                    

Junichiro's POV
This is the 2nd time na makita ko siyang umiyak.Sino ba yang Kaeden Lim na yan at nung marinig ni Adellaine is bigla bigla nalang tumulo ang luha niya.
Is he someone from the past or is he someone special for her?

I hope hindi siya yung someone special kasi if he is someone special for her,she will not cry like that.I know it's not tears of joy, I saw pain in her eyes. And i dont want to admit na nasasaktan ako pag nakikita ko siyang ganun.

Kaka isip ko dito di ko tuloy namalayan na nagwalk out na pala si Adellaine.

Siguro kailangan niya munang mapag-isa.

Adellaine's POV.

After what i heard na nandito yung hayup na iyon.
I dont know why for the second time  kusang tumulo na naman ang trayfor kong luha.

Nagwalk out nalang ako at dumiretso sa pool area at sinigaw lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Bakit ba siya nandito?
Bakit kailangan ko pa siyang makita ulit?
Bakit kung kailan okay na,andyan na naman siya!?
Bakit ba kasi ako nasasaktan ng ganito?
Bakit di nalang siya nagpaka layo layo!At huwag ng bumalik!
Pinaglalaruan mo ba talaga ako tadhana?
kasi kung oo,please lang tama na kasi sobrang sakit na!SOBRA NA
Bakit kasi eh!!?
Dapat kasi di nalang kita minahal kahit kelan!
Dapat kasi sana di ka nalang nangako dahil di mo naman tinupad!
fuck that promise!
Bakit kasi sa isang sabi lang na nandito ka, naalala ko na naman yang mga ala-ala na hinihiling ko na sana kahit kelan hindi nalang nangyare!
Lalong lalo na yung ala ala na kung saang sinira mo yung puso ko kasabay sa pagsira mo sa tiwala ko sa yo!"

Nilabas ko talaga lahat ng gusto kong sabihin sa iisang tao,walang iba kundi sa hayup na si Kaeden Kim.

Kaeden's POV
Pabalik na sana ako sa room ng makarinig ako ng isang babaeng umiiyak sa pool area.

Agad agad ko itong pinuntahan pero di muna ako lumapit.

Nang maglakad na ako papalapit sa babae,nalaman kong si Ellaine pala yun, ang nagiisang babaeng mahal ko.

Napakalaki ng kasalanan ko sakanya kaya ginawa ko talaga ang lahat para mahanap siya at ngayon babawiin ko na siya.

Nang marating ko na siya di na ako nagdalawang isip na tabihan siya sa gilid ng pool.

Nagtaka pa siya kung sino yung tumabi sa kanya paglingon niya halata pa sakanya ang sobrang pagkagulat.
Napansin ko rin yung mata niyang grabe na ang maga at halatang kanina pa umiiyak.

Adellaine's POV

May naramdaman akong tumabi at pagtingin ko walang iba kundi ang nagiisang lalaking kinasusuklaman ko.

Wala akong ibang nararamdaman kundi sakit at galit,kahit konting pag kamiss ay hindi ko talaga maramdaman.

"Bakit ka nandito?"tanong ko ng hindi nagpapakita ng kahit anong emosyon.

"Patawarin mo ko"sabi niya habang nakayuko.

"Bakit?" yun lang ang tangi kong nasabi at buti naman at naintindihan niya.

"Hindi ko sinasadya na hindi ka siputin nung araw na iyon."sabi pa niya.

Sasabat pa sana ako ng bigla niyang sabihin na makinig muna ako sa paliwanag niya.

"Hindi kita nasipot nung araw na yun dahil nasa ospital si lolo. Habang nasa ospital kami may isang hiling na hiniling sa akin nun si lolo.Ayun ay pakasalan ko daw si Azalea"paliwanag niya.

"Kung ganun bakit ka pa andito kung may asawa ka na pala"cold kong sabi.

"Makinig ka muna.Gusto ni lolo na pakasalan ko si Azalea,sinabi rin ni lolo na kung hindi ko gagawin ay hindi niya ibibigay ang mana sa akin.
Kailangan ko rin pakasalan si Azalea dahil gusto ni lolo na magkaroon din ito ng mana.
Napamahal narin kasi siya dito.
Hindi niya mabigyan ng mana si Azalea dahil isa lamang itong ampon niya.Kinupkop niya to dahil naawa siya rito dahil wala na itong mga magulang.
Ang tangi lang paraan upang makahati sa mana si Azalea is kung magiging totoong kapamilya namin siya,ako lang ang nagiisang apo ni lolo na lalaki kaya wala akomg choice kundi pakasalan siya."mahabang paliwanag niya.

"In short you chose money over me"cold kong sabi kahit sa loob ay gusto ko ng umiyak.

Sasabat pa sana siya kaso agad ko na syang sinampal.

"Patawarin mo ko Ellaine"sabi pa nya.

"Huwag mo kong ma ellaine ellaine!" i said at lumakad na palabas ng pool area.

Bago pa ako makalabas,pinunasan ko muna ang luha ko at lumingon sa lalaking kinususuklaman ko at sinabing
"Kaya kong makalimot ng madalian pero"
Tumingin ako sandali sa mata niya at tinuloy ang sinasabi.
"Kaya kong makalimot ng madalian pero di ako marunong magpatawad ng mabilisan."at lumabas na ng pool area.

  The Will Of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon