Adellaine's POV
This is the day na aalis na ako, parang kelan lang kakapunta ko lang dito tapos ngayon babalik na uli ako ng America.
Naligo muna ako at after ko maligo nagbihis na ako ng , simple white tshirt at short shorts at naka combat shoes ako.Nag make up rin ako at as usual light lang.
After ko gawin ang morning routine ko, bumababa na ako at andun na si hana.
"Goodmorning Leng" she said.
"Good morning too" i said.
She just smiled at me kahit halata naman na nalulungkot siya sa pag alis ko.
Habang nagda drama kami dito ay bigla nalang may nagbukas ng pinto.
It was them, shorin na kaholdinh hands pa si eito at si haruki na kaasaran na naman si miki.
Hayss eto na ang last na makikita ko sila na nagaaway.
"Kain muna tayo, sabay sabay na tayo" sabi ko at ngumiti sa kanila.
"Sureeee!"
"Sigeee baa!"
"Okieees"
"Yeheeey, food"
"Yemeeen" sigaw naman nila haruki, eito, shorin, hana at miki.
Napangiti naman ako sa inasal nila, mamimiss ko talaga sila ng sobra, how i wish na andito rin si junichiro kahit sandali lang. *frown*
Hana's POV
Ang saya saya namin lahat, pero kita sa mata ni adellaine na kulang parin siya at may hinahanap pa, na malamang si junichiro.
Ganun na ba talaga niya kamahal si junichiro? Sa tingin ko nga, hays.
Kumakain na kami ngayon at ang breakfast namin ngayon ay hotdog na may nakapalibot na bacon, then fried rice may chicken at steak rin, may soup din.
Grabe sarap ng kain namin lahat, halos walang nagsasalita but biglang nagumpisa ng ingay si shorin.
"Malapit ka na umalis leng leng" sabi niya na parang nagta-tantrums.
"Mamimiss talaga kita, wag ka nalang unalis" sabi ni shorin but ngayon umiiyak na talaga siya.
"Wag ka na umiyak, ang panget mo" sabi pa ni leng leng kaya napatawa naman kaming lahat.
"Wag na kayong ganyan, maiiyak ako sa inyo, group hug nalang" dagdag pa ni lengleng.
Kaya kami naman ay lumapit sa kanya at nag group hug kami. We will miss her, lalo na ako parang hindi buo ang pagkatao ko kung wala siya.
***
Adellaine's POV
We are now here sa van at papunta na kaming airport.
At hanggang dito sa van ay ngawa parin si shorin na parang bata, natatawa na nga kaming lahat eh.
Uuwi rin naman ako pag okay na ako, and i hope maging okay agad ako para makauwi na agad agad.
After 2 hours na biyahe, nakarating na rin kami sa airport.
Author's POV
Nakarating na ng airport sila Adellaine at may konti pa itong oras kaya naman napagpasyahan nitong kausapin muna ang mga kaibigan nito.
"Mamimiss ko talaga kayo ng sobra" sabi niya habang tumutulo ang luha.
"Mamimiss ka rin namin, balik ka agad ah!" Sabi naman ni hana at nagyakapan sila na mag-pinsan.
Kaya yumakap narin ang dalawa pang babae na sina miki at shorin.
Samantalang si haruki at eito naman ay tinitingnan lang ang mga babae pero pansin sa kanilang mga mata ang lungkot nila.
Di maiitanggi na napamahal narin sila rito kahit sa kaunting panahon at di nila matanggap na nasasaktan ito dahil sa kaibigan nila.
Pero alam nila na hindi ito basta basta gagawin ni Junichiro ng walang magandang dahilan, siguro hihintayin na lamang nila na ito na mismo ang magsabi sa kanila.
"Paano ba yan?Aalis na ako" sabi ni adellaine at lumapit na rin kila eito at haruki at yinakap ito.
"Babantayan mo lagi ang bff ko ah!" Sabi ni adellaine at binigay na ang sulat nito para dito.
"Ikaw naman haruki, umamin kana" sabi ko sabay kindat.
Namutla nalang ito at tila ba nagulat sa sinabi ni adellaine.
"Kiddin'" bawi naman ni adellaine at inabot narin ang sulat nito.
Tumingin naman uli ito kila hana, shorin at miki at sa huling pagkakataon, niyakap niya uli ito ng mahigpit.
"Oh ayan, basahin niyo nalang yan mamaya pag alis ko" sabi ni adellaine at inabot na rin sa tatlo ang sulat na ginawa niya.
"At wait, muntik ko na makalimutan" sabi ni adellaine at may dinukot pang isang sulat at iniabot ito kay haruki.
"Kayo na bahala mag abot sa kanya niyan, yan na ang kahuli hulihan na sulat na ibibigay ko sakanya dahil pag balik ko rito, sinisigurado kong nakalimutan ko na ang nararamdaman ko para sa kanya" sabi ni adellaine at ngumiti ng pilit.
Nagthumbs up naman ang dalawang lalaki at si adellaine naman ay lumakad na palayo sa kanila.
Hana's POV
Wala na siya, umalis na siya, habang palayo siya ng palayo, gusto ko siya pigilan pero naisip ko na makakabuti rin sa kanya yun.
Sana lang ay alagaan siya ng mabuti ni kaeden.
"Lika na?" Aya ko sakanila.
Sumunod naman na ang mga boys at si miki pero si shorin ay di parin umaalis sa kinatatayuan niya.
Alam ko ang nararamdaman niya, napamahal narin siya kay adellaine.
Kaya naman hinila na siya ni eito at yinakap ito sabay sabing "tahan na"
***
Habang pauwi na kami, tahimik parin si shorin at tumutulo parin ang luha nito.
Sana bukas ay okay na siya, kasi malamang ayaw ni adellaine na maging malungkot kami.
"Tigil na shorin, ayaw ni adellaine na umiiyak tayo" paalala ko sakanya.
"Sorry di ko lang mapigilan" sabi nito.
"Mabilis lang ang oras, di mo mamamalayan andito na uli siya sa tabi natin"
"At malakas si adellaine, mabilis lang yun makaka move on, we just need to trust her"
Tumango naman ito, at pinunasan na ang luha nito.
"From now on, i wont cry na kasi kung si adellaine nagpapakatatag, dapat tayo rin" sabi pa ni shorin.
BINABASA MO ANG
The Will Of Destiny
Teen FictionIlang beses ng pinagtagpo Ngunit tadhana'y sadyang mapaglaro Tadhanay sadyang mapanlinlang Hanggang sa huli sila parin kaya ang magkakatuluyan??
